Wednesday, January 8, 2020

the last sky of the earth 97 - master

IN TERMS of trying to get out of that place alive despite the building starting to collapse, it appeared that the rest of the group consisting of Kohaku who was leading the way, the injured Mamoru that both Shingo and Tetsuya were supporting, and Kourin who was protected by her shadow guardian Amiko was succeeding in doing so. Pero hindi pa rin sila mapapanatag hanggang hindi nila nakikitang nakalabas na rin mula roon ang tatlo pang kasamahan nila.

Hindi napigilang mapatingin ni Kourin sa building na unti-unti nang tinutupok ng apoy.

"They'll be able to get out of there," ani Mamoru sa nanghihinang tono na ikinalingon ni Kourin dito.

Tumango si Kourin. "Alam ko iyon. Ang hindi ko lang maintindihan, kung desidido si Cronus na kunin kay Kuya Mamoru ang isang bahagi ng Rose Tablet na nasa posesyon nito, bakit kailangan pa niyang mag-utos sa mga tauhan nila na sirain ang building kung saan alam niyang magagawa naman nitong takasan iyon kahit wala tayo roon para tulungan si Mamoru?"

"Knowing Cronus' hate towards Lord Mamoru, I doubt he just wanted to threaten him to give the tablet's part to him," Amiko commented.

"Alam siguro niyang hindi basta-basta masusunog ang tablet na iyon." Narinig nilang sabi ni Kohaku, dahilan upang mapalingon sila rito.

Kunot-noong nilapitan ni Tetsuya si Kohaku. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Iyon ang sabi ng taong nagligtas sa akin sa research center matapos ang pag-atake. The Rose Tablet was one of the artifacts belonging to the Silhouette Rose that 'the fire could never touch'. Nakatitiyak ako na ang hawak na bahagi ng Rose Tablet ni Mamoru ngayon... ay nakalagay sa isang fire resistant container base na rin sa huling binanggit sa kanya ni Chie." Kapagkuwan ay tiningnan nito ang nasabing lalaki.

Tumango naman si Mamoru. "It was my own way of protecting it, though. Not to mention, it's impact resistant."

"But when we found the Rose Tablet seven years ago, it was sealed within an empty stone tomb," pagpapatuloy ni Kohaku. "Tanging ang Rose Tablet ang naroon na ipinagtaka namin noon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Shingo nang maiupo si Mamoru sa isang may kalakihang bato.

"Chie and I were expecting something different nang makita namin ang stone tomb na iyon. Isa pa, kung tama ang hypothesis namin noon, hindi dapat sa Casimera nakalagak ang Rose Tablet na iyon. That stone tomb should've held something different, but still, with equal importance to the Silhouette Rose."

Sa hindi matukoy na dahilan, namalayan na lang ni Kourin na napapahawak na siya sa ulo niya. Agad namang napansin iyon nina Tetsuya at Amiko kaya agad siyang dinaluhan ng mga ito.

"Are you alright, my lady?" Tetsuya asked.

Napailing si Kourin, pero hindi bilang tugon sa tanong ni Tetsuya. Iniisip niya na sa paraang iyon, maging malinaw sa kanyang isipan ang isang may kalabuang eksenang bigla na lang lumitaw roon. Pero isa lang ang sigurado siya.

Ang pag-uusap ng kanyang ama at ni Hitoshi ang nakikita niya nang mga sandaling iyon sa kanyang isipan.

‘What was that I've seen? Did it actually happen before?’

"Princess?"

Wala sa sariling napatingin si Kourin sa tumawag niyon sa kanya. May pag-aalala sa mukha ng mga kasamahan niya habang nakatingin sa kanya ang mga ito, pero nakapokus lang ang tingin niya kay Kohaku. May mababakas din siyang pag-aalala sa mga mata nito sa kabila ng pagtatakang naroon.

"Ang Full Moon Sword... Iyon ang orihinal na artifact na nakalagay sa stone tomb na pinaglalagyan ng Rose Tablet," halos pabulong na sabi ni Kourin.

Nagkatinginan sina Tetsuya at Amiko pagkatapos niyon. 'Di nagtagal ay nagsalita si Shingo.

"Paano ka nakakasiguro... na ang Full Moon Sword ang dating nakalagay sa stone tomb na iyon?"

Sa wikang Nihongo, sinabi ni Kourin ang sagot. «"It's because I overheard Onii-chan and Otou-san talking about it a year before they were killed. They said that they had to retrieve the Full Moon Sword from the Dark Rose if they wanted to appoint the real leader of the Silhouette Rose properly."»

"If the Dark Rose retrieved it from Seiichi's father before he died, then who put the Rose Tablet to the stone tomb if it wasn't supposed to be placed there at all? Paniguradong may ibang kumuha ng Rose Tablet sa orihinal na kinalalagyan niyon at itinago iyon dito sa Casimera."

"Okay. Let's take a few steps back on this one," Amiko suggested before Tetsuya could say anything more. "Six months ago, pinasabog ng Dark Rose ang Kusanagi Shrine dito sa Casimera. And they did it for a reason."

"To destroy another artifact hidden in the shrine," Tetsuya stated. "At iyon ay ang mga nakasulat sa columns ng shrine."

"Hindi ang mga nakasulat doon ang gustong sirain ng Dark Rose nang pasabugin nila iyon," biglang singit ni Kohaku. "It was a tablet map kung saan nakasaad doon ang Eight Celestial Points na may kinalaman sa Silhouette Rose. Pero hindi na nila nakita iyon doon kahit pinatay pa nila ang ilang nakatokang mga caretaker sa templo."

"Bakit?"

Huminga nang malalim si Kohaku bago sumagot. "Kinuha na iyon ng dating leader ng Shinomiya clan tatlong taon na ang nakakalipas... at ibinigay iyon sa pangangalaga ng taong nagligtas sa akin sa pag-atake sa research center noon."

"My father?" hindi makapaniwalang saad ni Kourin.

Tumango si Kohaku bilang kumpirmasyon. "He did... and it was about three months after the research center attack."

"Puwede bang... sabihin mo sa amin ngayon kung sino ang nagligtas sa 'yo sa pag-atake ni Cronus noon?" nag-aalangang tanong ni Amiko.

Ilang sandali rin ang itinagal bago sinagot ni Kohaku ang tanong na iyon. Kinailangan pa nitong huminga nang malalim bago muling nagsalita.

"He's known as the current master of Shichi RaiRyuuKen. In fact, siya rin ang nagturo sa akin na gumamit ng katana para maprotektahan ko ang sarili ko habang itinutuloy ko ang nahintong trabaho namin ni Chie noon." With that, Kohaku looked at both Amiko and Shingo for some reason. "His name is Hayato Akashi... at siya rin ang tiyuhin ng magkapatid na Wilford."

‘What?’ Gulat na nagkatinginan ang lahat sa ipinagtapat na iyon ni Kohaku.

Tiyuhin nina Yasha at Raiden... ang kasalukuyang master ng Shichi RaiRyuuKen? Paano nangyari iyon?

Does that mean...?

Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa pag-iisip nilang lahat kasabay ng isang 'di pamilyar na tinig hindi kalayuan sa kinatatayuan nilang anim.

"What do we have here? You know you're not out of the woods yet."

Kagyat na napalingon silang lahat sa pinagmulan ng tinig na iyon. Isang lalaking halos kaedad ni Shigeru ang nakatayo sa tabi ng isang malaking puno at may hawak na dalawang espada sa magkabila nitong kamay. One was holding a nodachi and the other was a Chinese jian.

Sa hindi maintindihang rason ay napakunot ng noo si Kourin nang mabistahan nang husto ang itsura ng estrangherong lalaki. Sigurado siya na noon pa lang niya nakita ito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang sinasabi ng kanyang isipan. Why did she have this feeling that she had seen this person before?

Agad na naging alerto sina Amiko at Tetsuya na nilapitan si Kourin upang maprotektahan ito kung sakaling umatake ang lalaki. Pero hinarap silang lahat ni Kohaku, kitang-kita sa mukha nito ang relief na hindi nila maintindihan kung para saan.

"Don't worry. He's one of us," Kohaku said, which only heightened everyone's confusion.

Gayunpaman ay naging sapat iyon upang kahit papaano ay mapanatag nang kaunti ang ilan sa kanila.

"Ano'g ibig mong sabihing kabilang siya sa atin? Kilala mo ba siya?" 'di napigilang tanong ni Tetsuya kay Kohaku.

'Di nagtagal ay lumapit sa kanila ang lalaki na hindi inaalis ang tingin sa kanila —- partikular na kina Amiko at Shingo. Lalong kumunot ang noo ni Kourin sa napansin. Noong una ay si Kohaku. Ngayon naman ay ang lalaking ito.

The man stopped in front of Amiko, just a few steps away. Tinitigan nito ang dalaga ng ilan pang sandali bago ito tumango-tango. "You sure have your father's eyes, Miyamoto princess. I could see the same fire of determination in your eyes as the ones I would always see in his eyes before. Even when he drew his last breath, he never let it disappear. He said he wouldn't allow anything or anyone to extinguish the fire that only the Miyamotos could produce. Now I understand what he meant."

"Kilala mo ang tatay ko?"

Tumango ang lalaki. "Kababata ko siya. Not to mention, we trained under the same Shichi RaiRyuuKen master when we were younger."

Almost all of them felt as if lightning had struck down to their position.

"Trained under the same Shichi RaiRyuuKen master? Pero ang akala ko, miyembro lang ng Yasunaga clan ang may karapatang matutunan ang alinman sa pitong blade techniques na iyon."

"And you're not wrong on that part, Amiko. Ako lang ang sumira ng batas na iyon dahil hindi na umaayon sa sitwasyon kung ipagpapatuloy ko pa rin ang tradisyong iyon. So I trained a few people on the techniques within the Shichi RaiRyuuKen that they could use in order for them to do what they had to do, as long as it won't involve defiling the honor of the seven techniques themselves," tugon ng lalaki sa mga sinabi ni Amiko.

Sapat na ang paliwanag na iyon para tuluyan na nilang maisip ang isang posibilidad sa mga sinabi ng lalaki.

"Ibig mo bang sabihin... isang Yasunaga ang aking ama?" hindi makapaniwalang bulong ni Amiko sa sarili.

"Not just your father. The Miyamoto clan is just a small section of the Yasunaga clan that decided to operate independently a long time ago to protect its matriarchal treasure —- the Shadow Lotus Sword. The very same sword that you were supposed to inherit had they not killed your mother."

Kitang-kita ni Kourin sa mukha ni Amiko na hindi kaagad nag-sink in sa utak nito ang mga pinagsasasabi ng lalaking hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nila kilala. Hinarap niya ang nasabing lalaki kapagkuwan.

Hindi siya maaaring magkamali. Nakikita na niya ang pagkakahawig nito sa mga taong kilala niya.

"Are you perhaps... the current master of the Shichi RaiRyuuKen? Hayato Akashi?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Kourin.

Umani naman iyon ng ilang pagsinghap at gulat na tingin mula sa mga kasama niya. Pero hindi inaalis ni Kourin ang tingin sa misteryosong lalaki. Seryoso ang tingin nito sa kanya pero hindi siya natinag. Kailangan na nilang hanapan ng sagot ang mga tanong na gumugulo sa kanila.

Isa na ang tungkol sa pagkatao ng lalaking ito na nagsasabi ng mga 'di inaasahang impormasyon na iyon.

The man smiled resignedly before sighing and looked at Kourin with a soft expression on his face this time. "Both your father and your brother were right to warn me about you, Shinomiya princess. Or should I say... the ultimate Shrouded Flowers' leader?"

"Ultimate? Ang taas naman ng tingin mo sa akin kung ganyang klaseng salita ang pinipili mo para i-describe ako." Nakuha pa talagang magbiro ni Kourin kahit na sa totoo lang, gusto nang sumabog ng utak niya sa mga nalalaman sa mga sandaling iyon.

"It was their description about you, princess. Before you lost almost everything and everyone about you that night, they told me that you would be the one to bring about the greatest change that the Shrouded Flowers hadn't seen in 400 years since its inception. Your presence as the first female leader of the group was one proof of it."

Doon na natahimik si Kourin. Kahit si Mari ay ganoon din ang sinasabi sa kanya paminsan-minsan sa tuwing tatanungin niya ito kung tama ba na siya ang gawing leader ng Shrouded Flowers. Her sister's eyes didn't show any doubt that the decision was right. Not only because she was already destined for it and that that the situation called for it, but also because the elders could see a completely different fire in her eyes that only a few of the former clan leaders had possessed.

"But to answer your question," pagpapatuloy ng lalaki sa pagsasalita. "Tama ka. Ako nga si Hayato Akashi, ang ika-dalawampu't limang master ng Shichi RaiRyuuKen. At kung hindi ako nagkakamali, nabanggit na rin ni Kohaku ang isa pang impormasyon tungkol sa akin."

Nagkatinginan sila nina Tetsuya at Amiko bago bumuntong-hininga si Kourin. "She did. It was about you... being the Wilford siblings' uncle. Totoo ba 'yon?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa paligid pagkatapos itanong iyon ni Kourin. Pero hinintay niya ang magiging sagot ni Hayato. Sa mga sandaling iyon, ito lang ang may hawak ng sagot sa ilang katanungan niya tungkol sa mga Yasunaga.

Pero isang pagsabog mula sa building ang pumutol sa katahimikang nakapalibot sa kanilang lahat. Kagyat na napalingon silang lahat sa pinagmulan niyon, para lang magulat na papatakbo sa kanila sina Daryll, Ryuuji at Shuichi.

"Kailangan na muna nating lumayo rito. Sigurado akong nakatunog na ang ilan sa kanila tungkol sa pagkakaligtas ninyo," ani Hayato.

"But there isn't any place to hide here!" hindi napigilang isigaw ni Amiko at agad na sumilip sa likuran nila.

The building was starting to get engulfed in fire. Pero hindi iyon ang dahilan para manlaki ang mga mata ni Kourin nang mapatingin siya roon.

"Everyone, run!

Kasunod niyon ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa mismong building. Mabuti na lang at kaagad na nakaiwas sina Kourin at ang mga kasama niya roon. Kahit sugatan ay pinilit din ni Mamoru na hindi maging pabigat sa mga kasamahan. Gayunpaman ay patuloy pa rin sa pagpapaputok ang kung sino mang nasa loob ng--

‘Teka lang! Hindi na sa loob nanggagaling iyon.’ Napalingon si Kourin sa realisasyong iyon.

Agad niyang nakita ang isang babaeng nagpapaputok sa kanila gamit ang dalawang automatic pistols. The sight of the two guns unleashed a torrent of visions that gave Kourin a headache and forced her to halt to a stop.

"Argh!" Napadiin din ang pagpikit ng kanyang mga mata dahil sa sakit.

"Lady Kourin!"

Pero hindi niya binigyan ng tugon ang pagtawag na iyon. Mas nakatuon ang atensyon niya sa pag-inda ng sakit sa ulo niya dala ng mga eksenang nakikita niya sa kanyang isipan.

"Take the princess out of here. I'll deal with this crazy woman."

Napatingin si Kourin sa nagsalitang iyon. Hindi niya maintindihan kung para saan ang kabang naramdaman niya ng mga sandaling iyon habang tinitingnan ang papalayong si Hayato. But the determination she could see from his figure confirmed one thing in her mind.

‘There was a reason why you were chosen to become a Shichi RaiRyuuKen master. At kung totoo ang sinabi sa amin ni Kohaku, hindi na ako magtataka kung si Raiden ang pumalit sa 'yo sa posisyong iyon.’

"Kaya mo pa bang maglakad, Lady Kourin? I can carry you, if you want," ani Tetsuya sa nag-aalalang tinig.

Napangiti na lang si Kourin at umiling. "I can walk on my own. Pero kung maulit na naman ang biglang pagsakit ng ulo ko, gawin mo na lang ang sa tingin mo ay makakabuti para sa akin."

"You remembered Aphrodite, huh?" mahinang tanong ni Mamoru sa kanya.

"I remembered what she did to Grandma, to be exact. Naalala ko na kung paano niya walang awang pagbabarilin si Lola sa harap ni Lolo noon."

xxxxxx

Notes:

*Shichi RaiRyuuKen [七雷龍剣 (?)] - Seven Lightning Dragon Blades, the seven-blade techniques and fighting style exclusive to that of the Yasunaga clan.

No comments:

Post a Comment