Wednesday, February 5, 2020

the last sky of the earth 98 - sculptures' clues

HINDI sigurado si Kourin kung ano ang nangyayari sa lugar kung saan nila iniwan si Hayato. Pero sigurado siya na ito ang lumalaban sa mga sandaling iyon kay Aphrodite. Whether she admitted it or not, it came as a surprise to her that the said assassin actually came out of her hole.

Walang ibang tumatakbo sa isipan ni Kourin ng mga sandaling iyon kundi ang malaman ang kasagutan sa ilan pang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Lahat ng iyon ay may kinalaman sa angkan ng mga Yasunaga. Pero wala siyang mapagtanungan na kahit sino sa mga kasamahan niya ng mga sandaling iyon. Those people might have knowledge about it, but surely not enough to provide the exact answer she was looking for.

Isang malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Kourin para pakalmahin ang sarili at iniikot ang tingin sa paligid kung saan siya naroroon ng mga sandaling iyon. It was a mountain cottage, large enough to house at least 5 people in it. Doon sila dinala ni Kohaku nang masiguro nila na walang sinuman sa mga Dark Rose ang nakasunod sa kanila. Kasalukuyang nakabantay sa labas sina Shuichi at Daryll matapos makapagpahinga nang kaunti ang mga ito. Habang sina Shingo at Ryuuji naman ay abalang nag-aasikaso sa paggamot sa mga tinamong sugat ni Mamoru.

"Do you think he'll be okay? I mean, kahit sabihin pang siya ang master ng Shichi RaiRyuuKen, wala pa ring garantiya na--"

"He has no reason to fail," Kourin uttered that cut off Tetsuya's words. "Sigurado ako sa bagay na iyon."

"Paano mo nasabi iyan, Lady Kourin? Ngayon mo pa lang naman siya nakilala, ah."

Pero iling ang naging tugon niya sa sinabing iyon ni Amiko. "I know I met him somewhere once before. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero iyon ang nararamdaman ko."

"Parang may binuksan pa yatang kung ano sa isip mo ang mga sinabi ni Master Hayato sa 'yo, Lady Kourin," ani Kohaku.

Napangiti na lang si Kourin nang mapakla. "Mukhang ganoon na nga yata ang nangyayari ngayon, Kohaku. Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon."

"Pero sapat ba ang mga sinabi niya para paniwalaan natin siya?"

"Walang dahilan para magsinungaling siya sa atin, Tetsuya. He's not someone who would freely utter the things related to the Yasunaga clan like that just to trick us. Ang Shichi RaiRyuuKen, ang Eight Celestial Points... Everything that connects to that ancient clan was something I could tell that he had protected with his life using the techniques he acquired to master."

"It's quite rare for you to defend a stranger like this," Amiko couldn't help commenting with a frown.

"I take pride of what's left of my insight that Onii-chan was proud of," Kourin responded with a wistful smile on her face. "Iyon na lang ang kaya kong pagkatiwalaan sa sarili ko pagkatapos ng lahat. Iyon na lang ang isang bagay na puwede kong magamit para magawa ko talaga nang maayos ang trabaho ko bilang leader ng Shinomiya clan at ang pagiging leader ng Shrouded Flowers. Ang insight ko rin lang ang posible kong magamit nang husto para malaman ang ilan pang bagay na hindi nagawang sabihin sa akin ni Kuya Hitoshi noon."

Walang nakapagsalita sa mga kasamahan niya pagkatapos niyon. It might be absurd to those who didn't really know the truth about Kourin and her trusted insight. But Kourin's mind had always held the truth as to why she was chosen to defy centuries-old tradition and lead the Shrouded Flowers back to the pedestal that they once stood upon.

Inilibot ni Kourin ang tingin sa paligid ng cottage na kinaroroonan nila ng mga sandaling iyon. Simple lang kung tutuusin ang mga gamit at dekorasyong naroon. Karamihan pa ay gawa sa kahoy.

‘This man must have really liked wood carvings, huh?’ Ang dami niyang inukit. Hindi niya napigilang hangaan ang lahat ng mga wood carvings na nakikita niya roon.

"Kohaku, si Hayato ba ang may gawa ng lahat ng mga wood carvings na 'to?" tanong ni Kourin nang matapat siya sa isang malaking glass cabinet na naglalaman ng ilan pang wood carvings.

Sa pagtataka niya, umiling si Kohaku. "The ones in that glass cabinet already existed before Master Hayato moved here. Ang sabi niya sa akin, nilikha raw iyan ng dating leader ng Yasunaga clan noong nabubuhay pa ito."

"Dating leader ng Yasunaga clan? Ang sinasabi mo ba sa akin, may mga Yasunaga clan members pa na nag-e-exist hanggang ngayon?"

Tumango naman ngayon si Kohaku. "'Di ba, sinabi na niya sa inyo kanina? Amiko is one of them. So is Lord Theron."

"This is a joke, right? Paano mangyayaring kabilang ako sa mga Yasunaga?" Tanong naman ni Amiko na kakikitaan ng matinding pagkalito dahil na rin sa mga nalaman nito.

Humimga muna ng malalim si Kohaku bago muling nagsalita. "Hayato Akashi would never ever make anything related to the Yasunaga clan a joke or something to play with, Amiko. Iyon sana ang gusto kong tandaan mo. Hindi niya itinaya ang buhay niya sa loob ng mahabang panahon para lamang gawin itong isang laro. Totoong mga buhay ang nawawasak at nawawala dahil lang may mga sira-ulong nilalang na walang awang pumapaslang para lang sa kagustuhan nilang tuluyang maglaho ang isang angkan."

Wala namang naging tugon si Amiko pagkatapos niyon, pero alam ni Kourin na hindi iyon dahil sa tila galit na tono ng pananalita ni Kohaku. There was more to Kohaku's words that seemed to have hit something in Amiko. At least, she interpreted it that way if she were to base it on the Blue Shadow's expression at the moment.

Muling napadako ang tingin ni Kourin sa mga wood carvings na nasa glass cabinet. All wood carvings displayed there featured human-like figures holding items. One item on each figure. Pero natigilan siya nang tuluyang makita ang mga gamit na hawak ng bawat human wood carvings na nakasuot ng hakama at kimono. Inisa-isa niya ng tingin ang mga iyon. At tuluyang nanlaki ang kanyang mga sa natuklasan.

"Each of these figures... hold the items located in the Eight Celestial Points pertaining to the Yasunaga clan..." Kourin uttered in disbelief.

Sapat naman ang mga salitang iyon para makuha ang atensyon ng dalawang shadow guardians at lapitan siya.

"At mukhang hindi lang tungkol sa mga Yasunaga ang naririto," ani Tetsuya nang tingnan na rin nito ang mga wood carvings. "There are also figures here that held the 14 Ceremonial Succession Items of the Shrouded Flowers."

Itinuro ni Tetsuya kay Kourin ang tinutukoy nitong mga sagradong gamit ng Shrouded Flowers na nakaukit doon.

"Totoo nga..." usal ni Kourin na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. "Ang ibig sabihin, lahat ng mga taong inukit na ito na may hawak na ceremonial items ay patungkol sa mga sinaunang miyembro ng Shrouded Flowers na lumikha ng mga ito."

"Then Kohaku--" Amiko paused and faced the said former researcher. "Does this mean it also applies to the other wood carvings holding the Eight Treasures?"

"I--" Kohaku hesitated and looked at the aforementioned wood carvings. "I don't know. Walang binabanggit sa akin si Master Hayato tungkol sa bagay na 'yan. Totoong pamilyar ako sa Eight Treasures dahil iyon ang pinag-aralan namin ni Chie. Pero limitado ang mga detalye tungkol sa mga lumikha ng Eight Treasures."

"Then this only proves one thing."

Napatingin ang lahat sa sinabing iyon ni Kourin na hindi inaalis ang tingin sa mga wood carvings. Mataman ang tingin niya sa bawat isa sa mga iyon.

"Hawak ng mga ito ang sagot sa mga gustong mangyari ni Kuya Hitoshi noon pa. He wanted a sacred union to happen between the Shrouded Flowers and the Silhouette Roses. Just like what it has been before they were nearly eliminated 300 years ago."

"Paano mo naman nasabi iyan, Lady Kourin? At paano ka nakakasiguro na iyon nga ang gustong mangyari ni Lord Hitoshi?" takang tanong ni Tetsuya.

Noon lang seryosong hinarap ni Kourin ang unang shadow guardian na hindi naman inaasahan nito. Pero nanatili itong makatingin sa kanya.

"Take a look at the two conjoined sculptures in the middle."

Sinunod naman ni Tetsuya ang iniutos ni Kourin. Ganoon din ang ginawa nina Amiko at Kohaku.

"Wait a minute..."

"Is that...?"

All of them saw a couple-like wooden sculptures-- each were holding their respective sacred items on one hand and holding each other's hand on the other. The male figure on the left wearing hakama was holding a sword-- with details closely resembling the Full Moon Sword. The female figure on the right was also holding something-- this time, a scepter. They all knew-- based on the details itself-- that it was representing the Celestial Sun Scepter.

Pero hindi lang iyon ang nagbigay ng kasagutan sa tanong ng mga ito kay Kourin. May isa pa silang napansin na nakaukit sa magkahawak-kamay na wooden sculptures.

Ang Iris Sword.

Ang simbolo ng Ethereal Sky.

"Ito ang patunay sa totoong pagkatao ng tinaguriang 'Ethereal Sky' hindi lang ng Shrouded Flowers kundi pati na rin ng Silhouette Roses. That person... was born from a union between someone from the Shinomiya clan and the other from the Yasunaga." Napailing na lang si Kourin sa mga nasabi at nasapo ang ulo bago bumuntong-hininga at mapaklang ngumiti. "That means the genealogy book only gave us the greatest hint about the Ethereal Sky's current identity."

"Lady Kourin?"

"Dr. Shingo Yanai was born from a union of a Shinomiya and a Yasunaga. Siya ang Ethereal Sky na matagal nang hinahanap ng aking ama't kapatid."

No comments:

Post a Comment