Wednesday, December 9, 2020

i'll hold on to you 75 - in revealing the reason

[Relaina]

Things between us proceeded well after that. Or at least, iyon ang naiisip kong nangyayari sa pagitan namin ni Brent. Hindi ko na siya tinanong pa tungkol sa panaginip nito. At hindi naman na ito kumikilos na para bang malalim ang iniisip nito at wala sa sarili. Then again, looks and sometimes actions could be deceiving. Kaya hindi pa rin nawawala sa akin na obserbahan ito kapag may oras ako.

Of course, I had to make sure he didn’t notice me observing him. Gagamitin kasi nito iyon na pang-asar at pangtukso sa akin. Marunong naman akong gumanti ng sagot dito kapag nalaman nga nito iyon. Pero masakit sa ulo ang mag-isip ng isasagot kung minsan.

Kaya mas mabuti pang gawin ko na lang na discreet ang ginagawa kong pag-obserba sa lalaking iyon.

“Wala ka na naman sa sarili mo.”

Hanggang tingin lang ang ginawa ko bilang tugon sa sinabing iyon ni Mayu. Ito ang kasama ko nang araw na iyon sa park kung saan namin naisipang maglakad-lakad. Ang totoo niyan ay plano ko na ako lang mag-isa ang pupunta roon. Pero hindi pumayag si Mayu.

Ang dahilan nito para sumama sa akin? Kailangang may mag-remind daw sa isip ko na huwag lumipad sa kung saan-saan. There was this urge in me na sapakin ang pinsan kong ito pero hindi na lang ako nagkomento. Nag-aalala na naman kasi ito kaya hindi na ako kumontra na sumama ito sa akin.

Of course, ang totoong purpose naman talaga ng desisyon kong maglakad-lakad ay para mag-isip. And I mean do so with no interruption. Pero hindi nga yata darating ang araw na hindi ako pag-iisipin ng Kamoteng Brent na iyon kahit may kasama ako o wala.

Mukhang araw ka nang patahimikin ni Brent, ah,” dugtong ni Mayu na ikinangiti ko na lang. “Pero… bakit parang napapadalas yata ang pagpunta niya sa bahay n’yo? Alam ba nina Tito’t Tita?”

Tumango ako. “Sa tingin mo ba, basta na lang papayag si Papa na sumama ako sa taong hindi pa nila nakikilatis?”

“Kunsabagay…”

‘Di nagtagal ay nakakita kami ng bench na puwede naming pag-upuan. Lalo na’t nag-uumpisa nang tumaas ang tirik ng araw at ang bench na nakita naming bakante ay nasa ilalim ng isang malaki at malagong puno.

“Pero matindi talaga ang charm ng Brent na ‘yon, ‘no? Biruin mo, naging kasundo niya si Tito. Samantalang napakaistrikto n’on sa mga lalaking nagtatangkang manligaw sa ‘yo,” pagpapatuloy ni Mayu bago nito iniabot sa akin ang isang can ng pineapple juice.

Kinuha ko iyon bago ako sumagot. “Naging istrikto lang naman si Papa pagdating sa ganyan dahil sa nangyari sa amin ni Oliver noon.”

“Teka, nagpapakita pa ba sa ‘yo ang lalaking iyon after that?”

“After what?”

“After that last talk you have. Nag-usap na ba kayo ulit?”

Umiling ako at bumuntong-hininga. “Bumalik siya sa Aurora pagkatapos ng Christmas Ball. Nagpaalam siya sa akin pagkatapos n’on. Pero pupunta pa rin daw siya rito dahil hindi pa kami tapos mag-usap.”

“At okay lang sa ‘yo ‘yon?”

Noon ako napatingin kay Mayu. For some reason, I sensed that she couldn’t believe what I said. Pero wala akong dahilan para magsinungaling ako rito. At saka naiintindihan ko rin naman kung bakit ganoon ang tono at reaksyon nito. Ngayon ko lang naalala na hindi ko nga pala binabanggit pa kay Mayu ang napag-usapan namin ni Oliver noon tungkol sa naging dahilan ng break-up namin.

Bakit nga ba hindi ko nasabi kay Mayu ang tungkol dito?

Hindi ko namalayang kumukunot na pala ang noo ko kung hindi ko pa naramdamang pinitik ni Mayu ang noo ko. Hindi ko tuloy napigilang mapasimangot nang harapin ko ang pinsan ko. 

“Galit ka lang talaga sa noo ko, ‘no? Ang sakit, ah!” reklamo ko at hinimas ko pa talaga ang parte ng noo ko na pinitik nito.

“Ano na mana ba kasi ang iniisip mo, ha? Dinaig mo pa ang lukot na papel sa paglukot mo ng noo mo, ah.”

Napabuntong-hininga na lang ako. “May naalala lang ako. Hindi mo naman kailangang pitikin ng ganoon kalakas ang noo ko, ‘no?”

“So… wala kang planong magkuwento, ganoon?”

“Ito naman. Tampo agad? Hindi ko lang kasi alam kung paano ko ikukuwento sa ‘yo.”

Si Mayu naman ngayon ang kumunot ang noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Ilang sandali rin ang inabot bago ko hinarap ang pinsan ko. Tiningnan ko siya na hindi nawawala ang kaseryosohan sa mukha ko. Or at least, I thought it was there.

“May sinabi sa akin si Oliver tungkol sa nakaraan ni Brent. At siya ang nagsabi sa akin ng koneksyon n’on sa naging paghihiwalay namin.”

Inasahan ko na ang pagkagulat sa mga mata nito pagkatapos kong sabihin iyon. ‘Di nagtagal ay sinabi ko na rito ang mga impormasyong ipinaalam sa akin ni Oliver. Wala akong kinalimutan kahit na isa.

Ilang sandali ring napapailing si Mayu matapos ang pagkukuwento ko. Of course, it was expected. Hindi rin naman ako makapaniwala noong una kong marinig ang mga detalyeng iyon kay Oliver. But perhaps it was time for her to know, anyway.

“Alam na ba nina Tito’t Tita ang tungkol dito?” kapagkuwan ay tanong ni Mayu.

Umiling ako. “Wala akong binanggit na kahit na ano sa kanila. Pero sinabi sa akin ni Oliver noong huling beses kaming nagkausap na may plano raw siyang kausapin ang mga magulang ko kapag handa na siya. Hindi ko nga lang alam kung kailan pa mangyayari iyon. For now, wala akong planong puwersahin siya.”

Walang salitang namagitan sa amin ni Mayu pagkatapos n’on. Pero walang kaso sa akin iyon. Kailangan rin naman namin ng pinsan ko ang katahimikang iyon para makapag-isip. As for me, I needed that silence to make me realize how relieving it was to say that to her.

Ang malalim na buntong-hininga ni Mayu ang pumutol sa katahimikang nakapalibot sa aming dalawa. Napatingin tuloy ako rito.

“Dahan-dahan lang ng buntong-hininga, ‘insan. Daig mo pa ang pasan ang mundo, ah.” Alam kong mali na idaan ko sa biro ang kaseryosohan ng pinag-uusapan naming magpinsan. Pero ayokong ma-stressed si Mayu sa mga nalaman nito.

“Kung ngayon mo lang ito nasabi sa akin, ibig sabihin ba nito… walang alam si Brent? Wala kang binabanggit sa kanya na kahit na ano tungkol sa iyung ‘to?”

Tumango ako. “Ngayon ko pa lang ito nabanggit sa kahit sino, Mayu. In fact, ikaw pa lang ang pinsagsabihan ko nito mula nang banggitin ni Oliver ang mga ito sa akin.”

“Kung ganoon, may validation naman pala ang naging bangungot ni Brent tungkol sa ‘yo. And you could possibly end up covered in blood kung desidido ka ngang gawin ang ipinapakiusap sa ‘yo ni Oliver.”

Hindi na lang ako umimik dahil alam kong may punto si Mayu. Isa iyon sa dahilan kung bakit agad kong naisip na tungkol sa akin ang naging bangungot ni Brent.

But at this point, I knew that there was no turning back. Kasabay ng pangako ko kay Brent na mananatili ako sa tabi nito ay ang desisyong gagawin ko ang ipinakiusap sa akin noon ni Oliver tungkol kay Brent.

Hindi ko alam kung hanggang saan kami aabutin ni Brent mula nang maisip ko iyon. But deep inside, perhaps I already prepared myself for whatever outcome that might happen or appear. Basta ang kapalit n’on ay ang kasiguraduhang hindi na mananakit at maghihiganti pa si Brent at tuluyan na nitong alisin ang galit sa puso nito.

No comments:

Post a Comment