Wednesday, December 23, 2020

i'll hold on to you 77 - enrollment plans

[Relaina]

“So ano ang pag-uusapan natin?” agad na tanong sa akin ni Brent nang marating namin ang puno ng mangga na may kalayuan sa CEA department.

In other words, ang paboritong tambayan ko. At… ang lugar kung ako hinalikan ni Brent for the second time noong gabi ng Christmas Ball.

Of all places naman, bakit dito ako naisipang dalhin ng lalaking ito? “Nang-aasar ka lang talaga, ‘no?”

“Laine, this is the only place I know na hindi tayo masusundan ng mga babaeng gusto ka nang sugurin kanina nang hilain ko ang kamay mo para makaalis tayo roon.”

Kunsabagay, may punto naman ito. Medyo secluded nga ang lugar na ito sa madla. Kaya hindi na ako magtataka kung malaman kong may mga kababalaghan o kabulastugan nang nangyari sa lugar na ito.

“Hindi mo naman ako kailangang hilain hanggang dito, ‘no? Ang layo na nito sa main building, eh,” sabi ko na lang at pasimple kong hinila ang kamay kong hanggang sa mga sandaling iyon ay hawak pa rin pala nito.

Mukhang nakuha naman ni Brent ang gusto kong mangyari. Kaya naman binitawan na nito ang kamay ko.

“Mas okay na ‘to. At saka… alam kong mas magiging komportable ka rito. Mas okay sana sa rooftop, pero sarado iyon ngayon, eh. Kaya dito na lang tayo.”

The genial smile on his face disappeared and was replaced with a serious one. And I would be taking that as my cue. Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si Brent.

“I’ll be changing my course this semester.”

Okay. I knew it was straight to the point. Pero mas okay na iyon para sa akin. Baka umabot kasi ako sa puntong wala nang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa pag-aalangan ko. Hindi ko pa rin alam hanggang sa mga sandaling iyon kung bakit kailangan kong makaramdam ng pag-aalinlangan sa isang bagay na ako naman ang nagdesisyon.

Kumunot ang noo ni Brent makalipas ang ilang sandali. Mukhang hindi yata nag-register kaagad sa utak nito ang sinabi ko, ah. Pero matiyaga ko itong hinintay na magsalita.

“T-teka… bakit biglaan yata? Kailan mo pa naisip magpalit ng course? Alam ba ‘to ng mga magulang mo?” sunud-sunod na tanong nito.

Hindi ko tuloy napigilang matawa. Mukhang hindi ko yata inasahan ang pagtatanong nitong iyon, ah. And here I thought I had every reason to feel nervous about telling him my plans. “Dahan-dahan sa pagtatanong. From what I know, we still have time. Masasagot ko rin ang mga iyan.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ‘yan?”

Bakit nga ba? Pero alangan namang sabihin kong wala akong planong ipaalam iyon dito? Na hindi ko naman talaga ikinonsidera kahit na kailan na sabihin dito ang tungkol sa mga plano ko sa buhay.

Hindi pa ako nasisiraan ng bait na saktan ang damdamin nito kapag ginawa ko iyon. Pero…

“Natagalan kasi akong mag-isip kung ito ba talaga ang gusto kong gawin. Ayoko namang nagsasabi ako ng isang desisyon na hindi ko magagawang panindigan. I have to be sure na ito talaga ang gusto kong gawin,” paliwanag ko kay Brent. At least, these words spoke the truth in some degree.

Ilang sandali ring hindi nagsalita si Brent pagkatapos kong sabihin iyon. Pero okay lang. Hindi ko na inaasahang may sasabihin ito sa akin tungkol doon. Ang mahalaga lang sa akin sa mga sandaling iyon ay nagawa kong ipaalam dito ang plano ko. At ngayon ay okay na ako.

Handa na talaga akong umalis doon para makapunta na ako sa main building at makapag-enroll na ako. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Brent kaya kinausap ko ito.

“So… alis na tayo rito. Kailangan ko nang pumunta ng main building. Ikaw rin. Mabuti nang mag-enroll tayo ng maaga para mahaba-haba pa ang panahong makakapamasyal tayong dalawa,” suhestiyon ko at saka ko na ito tinalikuran para makaalis na kami roon.

“Wait!”

Before I knew it, Brent held my arm and pulled me to face him once again. Okay. Honestly speaking, nakakailang hila na sa akin ang lokong ito ngayong araw pa lang na ito. Wala naman kami sa acting club para gawin nito iyon nang paulit-ulit, ah. Pero siyempre, hindi ako nakapag-react kaagad dahil hindi ko naman inaasahan iyon.

“Magwo-walk out ka na kaagad. Hintayin mo kaya muna akong magsalita, ‘no?” sabi nito.

Inabot din ng ilang sandali bago tuluyang nag-register sa isip ko ang sinabi nito. At doon ko lang na-realize na tama ito. Hindi ko nga pala hinintay ang magiging comment nito sa huling sinabi nito. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos.

“So… ano ang sasabihin mo sa akin ngayon?”

Ilang sandali rin ang pinalipas ni Brent na nakatingin lang sa akin bago ito sumagot.

“I have an idea, okay? How about we do things this way?”

Kumunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang pinaplano ng lokong ito sa mga sandaling iyon?

xxxxxx

Mahigit isang oras din ang itinagal namin ni Brent sa university nang araw na iyon para makapag-enroll. Then again, kaya lang naman inabot ng ganoon katagal ang pag-en-enroll namin ay dahil sa naging suhestiyon sa akin ng lalaking ito.

Palabas na kami ng campus grounds, side by side, at hawak ang mga papel na naglalaman ng mga class schedules namin. I still couldn’t believe that I agreed to his plan.

“At talagang sineryoso mo ang pagsama sa akin sa pag-e-enroll sa Journalism department, ‘no? ‘Yan tuloy, napagkamalan ka pa nilang boyfriend ko kahit na hindi naman,” umpisa ko bilang pagbasag na rin sa katahimikang nakapalibot sa aming dalawa ni Brent.

“Ayaw mo ba n’on? At least, may guwapo kang boyfriend na sa ‘yong-sa ‘yo lang talaga.”

Seriously? The guy even had the audacity to grin and raise both eyebrows. Grabe lang talaga ang kayabangan nito. Sa totoo lang, ngali-ngaling inihinampas ko sa mukha nito ang hawak kong file case.

“Alam mo, ikain mo na lang ‘yan. Gutom ka lang yata, eh. Pambihira, kung anu-ano na naman ang pinagsasasabi mo.” Napailing pa ako.

Narinig ko na lang ang paghalakhak nito, dahilan upang muli akong mapatingin dito. It looked like this guy was having the time of his life for going along with people’s assumptions of him being my boyfriend.

Gustung-gusto ba talaga nito ang ideyang iyon, o gusto lang ako nitong asarin?

“Talagang hinintay mo muna akong matapos na mag-enroll bago ka pumunta sa Engineering department, ‘no? Bakit ba gusto mo pang magkapareho ang mga schedules natin pagdating sa break time, ha? Pati yata ang mga minor subjects natin, ginawa mo pang magkatulad para lang magkasama tayo sa mga subjects na iyon.”

“Laine, hindi ko na kailangang ipaliwanag ang isang bagay na agad mo nang kakikitaan ng sagot. Sa tingin mo ba, hahayaan kitang mag-isa sa mga vacant period mo, ha? Mas gugustuhin ko nang gamitin na lang ang mga iyon para mas matagal pa kitang makasama kahit sa university.”

“Ano ‘yon, bodyguard lang ang drama mo?”

“Boyfriend at future husband mo, oo.”

Okay, that was it. That was the last straw. Pero imbes na ang file case, ang kamay kong may hawak na folding fan ang ginamit kong pangsapak sa likod ng ulo ni Brent.

“Sira-ulo ka na naman. Ma’nong magtigil ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Hindi ka man lang ba kinikilabutan, ha?” tila naeeskandalong sabi ko.

Hinihimas lang ni Brent ang likod ng ulo nito na pinalo ko bago sumagot. “Kinikilabutan? Hindi. Pero kinikilig? Oo. Ang tindi nga, eh.”

I just groaned and walked ahead of him. Pero agad na nakasunod ito sa akin at walang pasubaling hinawakan na lang ang kamay kong may hawak ng folding fan. Napatingin na lang ako roon. Pero hanggang doon lang.

I didn’t remove my hand from his hold… because I could tell that he wouldn’t want to let it go.

No comments:

Post a Comment