Wednesday, December 16, 2020

i'll hold on to you 76 - change of plans

[Relaina]

Natapos na ang summer vacation. Well, technically, may ilang linggo pa ang natitira bago mag-umpisa ang bagong semester sa Oceanside. Natural, umpisa na ng enrollment period sa ganitong panahon. Iniisip ko kung magpapalit ba ako ng kursong kukunin this semester.

Pero siyempre, kung gagawin ko iyon, ibig sabihin lang ay hindi na magtutugma ang mga schedules namin ni Brent. May palagay akong mag-i-stay si Mayu sa Architecture dahil sa tatay nito at pati na rin kay Neilson. But I had a feeling na may posibilidad na magpalit ng kurso si Neilson, tulad ko. At least, iyon ay kung ibabase ko sa minsang napag-usapan namin noon ng fraternal twin brother ni Brent.

Nasabi ko na ito sa mga magulang ko may isang linggo na ang nakakaraan. Wala naman daw kaso sa kanila na magpalit ako ng kurso dahil alam naman daw nila na temporary option ko lang ang Architecture nang maisipan kong kunin ang kursong iyon. But when they learned that I was thinking of studying Journalism, bigla silang natahimik. Doon ako nagtaka.

“Grabe din ang Kuya Evon mo, ‘no? Siya pa talaga ang nag-decide na paaralin ka sa kursong ‘yan kung talagang maisipan mong mag-switch ng kurso,” komento ni Mayu na pumutol sa pag-iisip ko.

Napailing na lang ako at napangiti. “Alam kasi ni Kuya na isa ang kursong iyon sa mga pinaplano kong kunin noong pinag-iisipan ko iyon back in high school. Nangako naman siya sa akin na siya ang magpapaaral sa akin kapag iyon ang kinuha kong kurso,” paliwanag ko.

Napabuntong-hininga ako nang malalim nang marating na namin ni Mayu ang main building ng Oceanside Rose University. Ilang sandali rin akong nakatayo roon. Nasa tabi ko lang si Mayu the whole time at hindi nagsasalita.

Sa totoo lang, ano pa ba ang dapat kong ikabahala? This was my life, after all. My choice and my decision. Walang dahilan para mag-hesitate ako. But this was crazy. Kailangan ko pa ba talagang humingi ng permiso ng ibang tao tungkol sa desisyon kong ito?

“Aba! Ang aga n’yong dalawa, ah.”

Agad akong napatingin sa pinagmulan ng tinig na iyon. Ganoon din si Mayu. Hindi na ako nagulat nang mapansin ko ang pag-aliwalas ng mukha ng pinsan ako pagkakita kay Neilson.

As for me, nanatili lang akong nakatingin kay Brent na nakangiting lumapit sa kinatatayuan namin ni Mayu. As much as I wanted to curse this guy for looking so good in his light blue polo shrt, jeans, and sneakers, I doubt na magiging effective iyon dito.

“Seryoso ka na namang nakatingin diyan,” salubong ni Brent bago walang babalang inilapit ang mukha nito sa akin.

Instinctively, naiatras ko nang bahagya ang mukha ko. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking ito, sa totoo lang?

“Naguguwapuhan ka na ba sa akin? Na-realized mo na bang na-in love ka na sa akin?” nakangising tanong nito sa akin.

I scoffed and raised an eyebrow for a little while before shaking my head. Noon lang inilayo ni Brent ang mukha nito sa akin. It was when I felt like I could properly breathe again. Paano naman kaya ako makakahinga nang maayos kung ganoong bigla na lang inilalapit ng kamoteng ito ang mukha nito sa akin?

“Nangarap ka na naman ba ng wala sa oras, Mr. Brent Allen Montreal? Mukhang binangungot ka na naman yata, eh. O kulang ka lang talaga sa tulog kaya ka ganyan ngayon,” nasabi ko na lang para pagtakpan ang bigla na namang pagtibok nang mabilis ng puso ko.

“Na-miss lang kita. Puwede na bang dahilan iyon, ha?”

Huminga na lang ako ng malalim bago naglakad palayo rito at papasok sa main building. But it seemed that Brent took it the bad way.  Agad kasi akong hinabol nito. Pero nalaman ko na lang iyon nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako. To my surprise, he actually turned me towards him, dahilan upang mapaharap ako rito.

“Okay ka lang? Bakit bigla ka na lang nag-walk out?” tanong nito.

At sa nakikita ko sa mga mata nito, mukhang nag-uumpisa na naman itong mag-alala para sa akin. And honestly speaking, I hated that look on his face. Lalo na’t alam kong parang pipigain n’on ang puso ko.

Yes, it was a weird feeling. Pero wala naman akong dahilan para itanggi iyon sa sarili ko. Alam kong wala akong mapapala kapag ginawa ko iyon.

Nanatili lang akong nakatingin dito. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin dito ang tungkol sa plano kong mag-shift ng course. Not that he had anything to say about it. But at least, I wanted to let him know.

“Um… Aina,” tawag ni Mayu.

Noon lang naalis ang atensyon ko kay Brent at napatingin ako sa pinsan ko.

“Maiwan ko na kayong dalawa rito, ha? Mauuna na kami ni Neilson sa loob.”

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Tumango ako at nginitian ito, maging si Neilson na agad na sumama kay Mayu matapos tapikin sa balikat si Brent. Mukhang alam na alam ni Mayu ang pinoproblema ko ng mga sandaling iyon. At sa totoo lang, mukhang kailangan ko nga yata itong harapin nang ako lang mag-isa.

I had no reason to feel scared, right?

“Mukhang may hindi ka sinasabi sa akin, ah. Masyado bang importante?” tanong ni Brent bilang pagbasag sa katahimikang nakapalibot sa aming dalawa ng mga sandaling iyon.

Noon ako napatingin muli rito. Naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. Honestly speaking… bakit ba ako ganito ka-dramatic? Hindi naman ako ganito noon, ah. So… ano na ang nangyayari sa akin sa mga sandaling ito? Bakit gusto kong i-consider din ang opinyon ng lalaking ito sa mga desisyon ko?

Seryoso lang, ha? Ang gulo na sa utak. Nakakainis!

“Laine…” tawag nito sa akin. His voice was calm and gentle.

At siyempre, asahan nang magwawala na naman ang puso ko. Lagi naman itong ganito pagdating kay Brent, eh.

“Sorry…” nasabi ko na lang. Wala na siguro akong maisip sabihin kaya iyon na lang ang naisatinig ko. Paniguradong mag-aalala na naman ito. “Can we talk somewhere? May kailangan lang akong sabihin sa ‘yo.”

“Mukhang importante nga. Is it your love confession to me?”

Out of reflex na rin siguro, naiangat ko ang kamay ko at pinitik nang malakas ang noo nito. Mukhang hindi nito inaasahan iyon dahil nanlaki ang mga mata nito pagkatapos.

“Para saan naman iyon? Ang aga-aga, lumalabas na naman ang pagiging amasona mo,” reklamo ni Brent na ikinatawa ko na lang.

Napailing din ako. “Eh sira-ulo ka na naman kasi. Kung anu-ano’ng pinagsasasabi mo. Love confession? Nangarap ka lang talaga?”

“Wala namang masamang mangarap, ‘di ba? It will be worth it in the end kapag natupad iyon.”

Bumuntong-hininga na lang ako at muli akong napatingin dito. “Halika na nga at nang makapag-usap tayo nang matino. Susbukan mo lang gatungan ng pang-aasar ang pag-uusap natin at suntok na ang susunod na magla-landing sa mukha mo.”

At ang loko, nakuha pa talagang sumimangot. “Ito naman. Hindi ka na talaga naawa sa pagmumukha ko.”

“Then, tumigil ka na.”

“Okay. For now, I’ll stop. Mukhang napakaseryoso ng sasabihin mo sa akin, eh.”

Before I could stop him, he took my hand and held it tight as we walked away from the place. Well, ‘yong palapulsuhan ko lang naman ang hinawakan nito. Pero sapat na iyon para mag-react ang madla sa paligid namin.

My gosh! Hindi ko man lang namalayang may nakakakita sa aming dalawa ni Brent ng mga sandaling iyon.

But as usual, who cares? Matagal na akong walang pakialam sa kanila. And it seemed that Brent didn’t really care about them, either.

Pero paniguradong maraming mag-i-interrogate dito pagkatapos nito.

Hay… bahala na.

No comments:

Post a Comment