Wednesday, August 16, 2023

i'll hold on to you 108 - sweet realization

[Relaina]

Kung hindi nga naman ako minamalas… Bakit naman kasi ngayon pa ako inabutan ng ulan? Hindi ba puwedeng pinauwi muna ako bago bumagsak ang ulan na iyon?

Then again, wala naman na akong magagawa kundi ang hintaying tumila iyon. That is… kung titila nga talaga sa araw na iyon. Pero mukhang hindi ako kinakasihan ng tadhana ng mga sandaling iyon. Bakit ko naisip iyon?

Binuksan kasi ni Brent ang radyo sa lugar na iyon. Doon ko narinig na may bagyong dumating at mukhang buong magdamag na bubuhos ang ulan at mag-iingay ang langit dahil sa posibleng kulog at kidlat. Idagdag mo pa ang malakas na pag-ihip ng hangin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang plano ng langit sa akin ng mga sandaling iyon. But… I guess at some point, I was glad that Brent was there to help me.

Hindi ko na naiwasang mapatingin sa lalaking iyon na kasalukuyang may kinakalkal sa refrigerator na naroon.

“Good. This could be enough for both of us to last until tomorrow,” narinig kong sabi nito at saka na nito isinarado ang ref bago ako hinarap. “Ang akala ko, wala akong sapat na stock ng pagkain dito kaya ako nagkalkal. Mabuti na lang at sapat na ang meron dito para sa ating dalawa.”

Hindi ko na napigilang mapabuntong-hininga sa narinig ko. “Mukhang hindi pa pala ako makakauwi kaagad, ah.”

“Kung ako naman ang masusunod, iuuwi na kita sa inyo, eh. But I can’t risk that, lalo na’t ganito ang panahon ngayon. Ako na lang ang tatawag sa mga magulang mo para alam nila kung nasaan ka. Mabuti nang may ideya sila.”

Napatango na lang ako sa suhestiyong iyon ni Brent. Wala naman na talaga akong magagawa kung ganitong galit ang panahon ng mga sandaling iyon. Wala na akong dahilan para manisi pa ng kung ano o kung sino. Ang importante ay ligtas ako at nakasilong ako mula sa malakas na ulan at hangin.

Ilang sandali pa ay natawagan na ni Brent ang mga magulang ko. Bagaman nag-aalala ang mga ito na wala ako sa bahay gayong bumabagyo na, hindi naman namin puwedeng i-risk ang panahon. Walang kasiguraduhan kung ano ang maaaring mangyari kapag sumugod pa ako sa malakas na ulan at hangin.

In-assure naman ni Brent na hindi ako mapapahamak at hindi rin daw ako pababayaan nito. Though I've been aware of that fact, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. But perhaps this was just a baseless anxiety?

Wait... was there even such a thing? May dapat nga ba akong ipag-alala ngayong nasa iisang lugar lang kami ni Brent… at kaming dalawa lang doon?

But… perhaps it was just a crazy thought. Like I said, baseless anxiety. Sa tagal na naming magkakilala ni Brent, bagaman ilang beses na rin ako nitong hinalikan at…

Wait… that instance na nasa bahay ko ito at mag-isa lang ako… Naalala ko ang ginawa nitong pagyakap sa akin ng mahigpit. At maging ang… ginawa nitong paghalik nang bahagya lang sa leeg ko noong nakapatong ito sa akin habang nasa sofa kami noon…

Yes, I was aware that it already spelled danger para sa akin. Kung iisipin ko ang sinasabi nitong pagkagusto ni Brent para sa akin all this time, alam kong hindi malabo na… gustuhin nitong gawin ang iniisip kong posibleng gawin nito. Pero alam ko rin kung paano magpigil si Brent hanggang kailangan.

Taking advantage of a young woman just because he liked her and they were both in the same area doesn't seem to be something that he would do. It wasn't part of his morals —-- or at least that was what I assumed.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang makita ko nang palapit si Brent sa akin.

"Okay na. Wala ka nang dapat na problemahin pagdating sa mga magulang mo. Ipinagkatiwala ka na nila sa akin," sabi ni Brent nang tuluyan na itong nakalapit sa akin at naupo pa talaga sa tabi ko.

Tumango naman ako at saka ko inilibot ang tingin sa paligid ko. Noon ko lang nakita nang husto ang ilang pagbabago sa loob ng treehouse na iyon mula nang huling beses akong makarating doon.

"Ang dami naman yatang nabawas sa mga decorations dito," umpisa ko na lang dahil hindi ko na matagalan ang matamang pagtitig ni Brent sa akin na talaga namang ramdam na ramdam ko kahit hindi ako nakatingin dito.

"Hmm. Karamihan naman kasi sa mga decorations na nandito, galing talaga sa mansion na pansamantalang ipinagkatiwala sa akin habang iniisipan pa nila ng paglalagyan. Ngayong natapos na ang pagpapa-extend sa ancestral house, kailangan na nila ang mga decorations na iyon."

Tumango na lang ako at hindi na umimik pa pagkatapos n'on. Hindi ko naman na kasi alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Lalo na ngayong kinakabahan na naman ako na hindi ko maintindihan kung para saan ba iyon.

"Laine, ipinapangako ko sa 'yo. Hinding-hindi ko hahayaang mapahamak ka rito."

Agad akong napalingon kay Brent matapos kong marinig iyon mula rito. Pero laking gulat ko nang makita kong ilang pulgada na lang pala ang lapit nito sa mukha ko.

"May ideya na ako kung ano ang ipinag-aalala mo ngayon," pagpapatuloy nito. "But I know for sure that I'd be hating myself if I'd be the reason para mapahamak ka. Lalo na sa mga kamay ko. Kaya sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang. Wala kang dapat ipag-alala."

Lalo akong hindi nakapagsalita sa mga sinabi nitong iyon. Pero laking pasalamat ko na rin siguro na nalaman nito ang mga alalahanin ko ng mga sandaling iyon. It might be an unwarranted worry, but not exactly something that anyone could ignore. Especially in our situation na kaming dalawa lang ni Brent sa lugar na iyon.

Hindi ko na napigilang ngumiti matapos ang ilang sandali at saka ko niyakap si Brent. Yes, it was impulsive. Pero hindi ko na napigilan, eh. What did I do to deserve the affection of this kind of man kahit na hindi naging maganda ang una naming pagkikita?

"Thank you…" Iyon na lang ang nasabi ko. Wala na kasi akong iba pang maisip sabihin kay Brent.

Hindi na ako nagulat nang tugunan nito ang yakap kong iyon nang mas mahigpit. Pero hindi ko na alintana iyon. The embrace was warm and assuring. Sapat na iyon para hindi ko na pagdudahan pa ang ipinangako nito sa akin sa lugar na iyon.

"By the way…" umpisa ko makalipas ang mahabang sandaling yakapan naming dalawa. "Do we even have something to eat here? Kanina pa ako nagugutom, eh."

His heartfelt laugh at the moment made me feel even warmer than the hug he gave me as an assurance. Damn it! Ako yata ang nagiging hopeless sa aming dalawa, eh.

At sa totoo lang, walang kaso sa akin iyon. Basta si Brent ang dahilan.

No comments:

Post a Comment