[Brent]
I could only look at her. Sa mga sandaling iyon, iyon lang ang gusto kong gawin kay Relaina. Naabutan ko na siyang nakatulog sa sofa nang balikan ko ito pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin kanina.
Mabuti na lang talaga at naisipan kong mag-stock ng mga condiments at ingredients sa maliit kong refrigerator na naroon sa treehouse. Iyon ang isang dahilan kung bakit nagtungo ako roon. Isa pa ay gusto ko ring mag-isip na walang iistorbo sa akin.
Kailangan kong gawin iyon dahil wala pa akong planong masiraan ng bait. Kahit sabihin pang si Relaina ang dahilan, ayoko pang mangyari iyon. Gusto ko pang manatili ng mahabang panahon sa tabi ng espesyal na babaeng ito sa buhay ko.
"Urgh! Why did I end up thinking that way?" hindi ko na napigilang komento sa sarili ko bago ako napailing.
Why was I thinking like… something bad was about to happen? Pero ano pa ba ang dapat kong asahan? Ang tagal ko nang inililihim kay Relaina ang ilan pang gumugulo sa utak ko. Maliban pa sa mga panaginip ko tungkol sa isang trahedyang posibleng kahahantungan ni Relaina kapag hindi ako nag-ingat, ang posibilidad na konektado rito ang may pakana ng aksidente.
Hindi ko na talaga alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. I didn't know if I should be protective of her or scared of whatever that could happen to her. Or in the worst case scenario, be obsessive of her to the point of keeping her away from people just to make sure she was safe.
Ayokong gawin iyon kay Relaina. Ayokong gumawa ng mga bagay na maaaring maging dahilan para kamuhian ako nito.
"Hmm…"
Naputol ng ungol na iyon ang pag-iisip ko at agad akong napatingin kay Relaina na tila mahimbing pa ring nakatulog sa sofa na iyon. Hindi ko na napigilang napangiti nang makita ang malalim na paghinga nito. Na para bang… payapa ito sa lugar na iyon.
If that was the case, then I was glad the treehouse made her feel safe. At least, may isa pang lugar para kay Relaina na nagbibigay ng kapayapaan sa isipan nito.
Then again…
"How I wish I'm one of those places where you could feel peace…" It was a silent wish, one that I had never uttered in front of her.
And at the moment, I'd rather let it remain a silent one until I could let her know loud and clear all of my wishes that included her.
Napaluhod na lang ako sa tapat ni Relaina kung saan nakapatong ang ulo nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na haplusin ang buhok nito at sinikap na ayusin iyon na hindi ito naiistorbo. It was a hard task, since I knew that at times, she could be a light sleeper.
Muli na naman akong napangiti habang nakatingin sa mahimbing nang pagtulog ni Relaina roon.
“Brent…”
Siyempre pa, nagulat ako nang marinig ko ang pagtawag na iyon ni Relaina sa pangalan ko. Pero sandali lang iyon, dahil agad na rumehistro sa isip ko ang paraan ng pagtawag na iyon sa pangalan ko sa pagtulog nito.
Oo, alam kong tulog pa ito.
“Brent… No… Please…” muling sambit ni Relaina. Nag-uumpisa na ring bumigat ang paghinga nito na para bang may naghahabol rito.
“Laine! Laine, wake up!” pagtawag ko rito habang tinatapik nang bahagya ang mukha nito.
Pero mukhang walang naging epekto iyon. Patuloy lang ang pagbiling ng ulo nito habang nag-uumpisa na itong humingal.
“Laine!” I called as I forced her to sit up and tapped her face once more. This time, I applied a stronger force, but not anything similar to a slap. Ilang beses kong ginawa iyon bago biglang nagmulat ng mga mata si Relaina.
Humihingal ito at napahawak sa dibdib nito bago humarap sa akin. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin, parang maiiyak pa nga.
“Brent…”
“Are you okay? Ano’ng napanaginipan mo?” Hindi na nawala ang pag-aalala sa boses ko, lalo pa nang haplusin ko ang mukha nitong nag-uumpisa nang pagpawisan.
Damn it! Just what in the world did you dream about para ganito ang abutin mo?
Pero nanatili lang nakatingin si Relaina sa akin. It could be that she was still trying to confirm that what she was seeing was real. I slightly pinched her cheek kung saan nakapatong ang kamay ko.
She winced a little, but it seemed that it was enough for her.
“Brent…” muling tawag niya sa pangalan ko.
Hindi ko na siya kinulit pa. Mukhang wala naman itong planong magsalita tungkol sa kung ano man ang napanaginipan nito. Pinisil ko na lang ang kamay nitong nakapatong sa hita nito na hinawakan ko gamit ang kaliwang kamay ko at saka hinaplos muli ang mukha nito kung saan kanina pa nakapatong ang kanang kamay ko.
“It’s okay. I’m here. Walang makakapanakit sa ‘yo rito. Okay?” nasabi ko na lang at saka ko ito nginitian.
Ilang sandali rin ang lumipas bago ako nginitian ni Relaina at saka niyakap. Hindi na ako nagulat sa ginawa nitong iyon. If embracing me could be her assurance that this was real, then I wouldn’t mind her doing that.
“Please don’t disappear…” narinig kong bulong ni Relaina na tila nagpatigil sa pagtibok ng puso ko ng ilang sandali.
Ano’ng ibig nitong sabihin doon?
I sighed and returned her embrace to assure her. “Huwag kang mag-alala. Matagal ko nang isinumpa sa langit na walang anumang magiging rason para lumayo sa ‘yo at mawala. Ikaw na nga ang gusto kong asawahin, ‘di ba?”
To my confusion, and eventual worry, she just laughed. And yet it was a soft and weak one. Ni hindi man lang ito nainis sa huling sinabi ko at hindi rin ako sinapak nito.
Whatever she had dreamed about could be so intense that it would make her feel so weak to even refuse to retaliate to my jokes (or some of it) like this. Nanatili kami sa posisyong iyon ng ilan pang sandali bago ito kusang dumistansya sa akin. Napatingin na lang ako kay Relaina na ginantihan naman ang pagtitig kong iyon.
Ng mga sandaling iyon, may naalala ako na sa tingin ko ay maaaring makatulong kay Relaina na mailayo ang isip nito sa kung ano man ang gumugulo roon.
“Laine… Are you free on Saturday two weeks from now?”
Kumunot ang noo nito at saka tila napaisip bago tumango. “Bakit mo naitanong?”
“Birthday ni Andz. At ang isang hiniling niya sa akin, imbitahan daw kita. Kung okay rin lang daw sa ‘yo, kumanta tayong dalawa —-- as a duet —-- sa birthday party niya.”
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ni Relaina sa narinig. “Kakanta? Tayong dalawa? Nasisiraan na ba siya ng bait?”
Yup… I was right. It was enough to distract her. At lalong lumuwang ang pagkakangiti ko dahil doon.
No comments:
Post a Comment