Wednesday, September 6, 2023

i'll hold on to you 110 - just do it

[Relaina]

In my opinion, this was one of the craziest ideas that I have ever heard in my life. Okay, alam kong exaggeration ko lang iyon. Pero ganoon pa rin ang epekto n’on sa akin.

Ano naman kasing masamang hangin ang nalanghap ng bunsong kapatid ni Brent para maisipan nitong i-suggest na kumanta kami ng kuya nito? At duet pa talaga, ‘no? Hindi ko tuloy mapigilang isipan na nasisiraan na talaga ng bait ang batang iyon.

Hawak ko na sa mga sandaling iyon ang invitation card na nagpapatunay na iniimbitahan nga ako ni Carl sa birthday party nito. Kasama ng invitation card na iyon ang isang maliit na note.

‘Ate Relaina, huwag mo pong kalilimutan ang request ko sa inyo ni Kuya Brent. Salamat po. :)’

Napailing na lang ako kahit ilang beses ko nang nabasa ang note na iyon. Noon ko lang napatunayang seryoso si Carl sa hinihiling nito sa akin.

Gusto ko itong tanggihan, sa totoo lang. Pero mabait ang batang iyon. At ayokong ma-disappoint ito sa akin in any way. Hindi ko alam kung bakit ko naisip iyon. Pero iyon ang nararamdaman ko.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit iyon pa ang hiniling nito para sa birthday nito.

"Ang laki ng problema mo, 'insan, ah."

Napaangat na lang ako ng tingin pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Mayu. Napabuntong-hininga ako at saka inilagay sa ibabaw ng mesa ang invitation card.

"Grabe naman kasi ang hiniling ng batang iyon, eh. Bakit naman kasi pagkanta pa? And to think he wanted me to do a duet with his eldest brother…"

"Wala namang masama sa hiling niya sa 'yo, ah. At saka bihira lang makiusap ng kahit na anong birthday gift si Andz sa ibang tao, lalo na sa hindi kabilang sa pamilya Montreal."

"And in case you're not aware, that's what makes it even more pressuring for me."

Umiling lang si Mayu bago ito umiling. "Aina, wala namang problema kung gagawin mo ang hinihiling sa 'yo ni Andz, 'di ba?"

"Hindi naman si Andz ang problema ko, eh. Ang kuya niya ang pinoproblema ko!" naibulalas ko na lang bago ko pa napigilan ang sarili ko. Huli na nang ma-realized kong may mali yata sa nasabi ko at napaungol lang ako.

Gosh! What the heck did I just say in front of my cousin? Ano na lang ang iisipin nito sa akin?

I grimaced as soon as my words registered in my mind. Mukhang malala na talaga ang problema ko, gaya na rin ang sinabi ni Mayu.

"It's getting harder for you to stay away from him, huh?"

Hindi ko na sinagot iyon dahil hindi na rin naman mahirap para sa pinsan ko na malaman ang sagot.

"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo?"

Napatingin ako kay Mayu. Naroon lang ito sa kabilang bahagi ng maliit na mesa sa porch at nakatingin sa akin habang humihigop ng cucumber lemonade nito. Kalmado lang ito kung titingnan ko at hindi inaalis ang tingin sa akin.

Hinihintay nito ang sasabihin ko. Ang isasagot ko.

Pero…

"Ano'ng totoo naman ang sasabihin ko sa kanya kung ako nga mismo na namomroblema, hindi alam kung ano ba talaga ang totoo?"

Nagpapalitan na lang kami ni Mayu ng tanong na walang matinong sagot, alam ko iyon. Pero kailan ba nagkaroon ng matinong sagot ang isang tao pagdating sa nararamdaman nito, lalo na sa stage kung saan nakatayo na lang ito sa pagitan ng kalituhan at kasiguraduhan?

"Aina, matagal nang nasa harap mo ang sagot. Aminin mo man o hindi, iyon ang totoo. At alam ko kung bakit hindi mo pa rin magawang i-acknowledge iyon hanggang ngayon," sabi ni Mayu.

Hindi na ako umimik pa para pabulaanan ang sinasabi ng pinsan ko. Wala rin naman akong matinong sasabihin dito, eh. Pero 'yong sinasabi nitong alam nito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang i-acknowledge ang tamang sagot…

Was she observing me that much?

"'Insan, kung ako sa 'yo, tulungan mo na ang sarili mong tanggapin ang sagot na panigurado namang matagal nang magpaparamdam sa 'yo," sabi ni Mayu makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Alam kong wala akong karapatang magsalita ng kahit ano kung ikokonsidera ko na rin ang sitwasyon."

Mabuti naman at alam nito ang tungkol sa sarili nitong sitwasyon. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Pero hindi na rin magandang nakikita kitang laging nalilito at nahihirapan sa nangyayari sa inyong dalawa, eh. Alam kong nakakatakot. Pero… sa tingin ko, mas nakakatakot na wala kang ginawa kapag nahuli na ang lahat. Lalo na sa mga nangyari sa inyong dalawa mula nang naging malapit kayo sa isa't-isa."

She was talking about the incident that nearly killed me, huh? Mukhang hindi rin pala ito naka-move on sa nangyari. Pero sino ba ang niloloko ko? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilang matakot sa tuwing naglalakad ako sa sidewalk.

Natatakot na baka muling maulit ang insidente. Kulang na lang, magkaroon ako ng panic attack kapag nasa sidewalk ako. Laking pasalamat ko na lang talaga na hindi ako hinahayaang mag-isa ni Mayu sa tuwing papunta at pauwi galing sa Oceanside.

Pero bakit ipinapahiwatig ni Mayu na may iba pang puwedeng mangyari? Mga bagay na… mas matindi pa sa aksidenteng kinasangkutan ko.

If they happened again, would I truly regret everything? Would I regret not truly recognizing the truth that was in front of me if I lose the chance?

"So… ang gusto mong sabihin sa akin, pagbigyan ko na lang ang hiling ni Andz kahit alam kong mamomroblema ako pagdating sa magiging pakikitungo ko sa kuya niya?" tanong ko kapagkuwan.

Tumango si Mayu na maluwang pa ang ngiting tumingin sa akin. "Do it. Wala namang mawawala, eh. Whether or not you'd be able to use this chance to realize the truth, bahala ka na roon. Pero may palagay akong matutulungan ka naman ni Brent sa bagay na 'yan kahit papaano."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Pero nagkibit lang ito ng balikat. "Who knows. Maraming sorpresang itinatago ang lalaking iyon, lalo na kung patungkol sa 'yo."

On that, I would definitely agree with her. Napangiti na lang ako. Gosh, I really couldn't believe you, Mayu…

No comments:

Post a Comment