[Relaina]
Hindi ko hilig ang mag-walk out, sa totoo lang. Wala iyon sa bokabularyo ko, lalo na kung alam kong kaya ko namang harapin ang laban. Basta alam kong kaya ko.
But this was the kind of a fight na hindi ko alam kung kaya kong harapin na ako lang. Lalo na't involved dito ang lalaking source ng lahat ng stress at confusion na naranasan ko mula nang magbalik ako rito sa Altiera.
At ito lang yata ang lalaking kaharap ko na nag-walk out ako dahil hindi ko na kayang pakiharapan ang taong iyon. Well, I guess I should include Oliver on the list, as well. Pero... minsan ko lang namang ginawa iyon kay Oliver. Ibang usapan naman pagdating kay Brent.
At dahil sa ginawa ng lalaking iyon, hindi ko na alam kung paano ko pa ito pakikiharapan.
Why did he do that? And to think he did it in front of his family and relatives... Ano ba ang iniisip ni Brent nang bigla na lang akong halikan nito pagkatapos ng performance namin? Was he caught up in the moment or something?
"Laine..."
Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang pagtawag na iyon sa akin. I even sighed, but this was a ragged one. My gosh! Ang hirap para sa akin na kalmahin ang sarili ko.
Hindi puwede ito. Kailangan kong kumalma. Hindi ko magagawang harapin ito kung ganitong nanginginig pa ako. Pero isa lang ang sigurado ko.
Hindi ako nanginginig dahil sa galit. I wasn't angry at what he did. It could be that his action had only made me more confused than ever. Yes, I knew he would shamelessly show his "affection" to me ever since we made that promise. Ever since... we became friends.
Pero tanga na lang ang mag-iisip na hanggang doon lang ang ipinapakitang pag-aalaga at pagbabantay sa akin ni Brent sa bawat pagkakataong may makakakita sa amin na magkasama. Idagdag pa ang pagiging maalalahanin at maalaga nito sa akin sa tuwing magkasama kami.
Kahit anong pagde-deny yata ang gawin namin ay walang maniniwala. Hanggang sa may ma-realize ako.
Kahit kailan ay hindi ko nakita o narinig si Brent na itinanggi nito sa mga magtatanong ng tungkol sa kung anumang relasyon ang meron kaming dalawa ang relationship status namin. Ang laging nasa utak ko, kaibigan lang ito na nanliligaw. Or was it just a friend show was openly declaring that he would conquer me and my heart or something like that?
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.
"Laine, please... Look at me..."
Muli akong napabuntong-hininga bago ko ito hinarap. Hindi ko alam kung bakit agad kong nakita ang pagmamakaawa sa mga mata ni Brent nang humarap na ako rito. Naroon ang kagustuhan kong yakapin ito. Pero sa mga sandaling iyon ay mas gusto kong malinawan sa mga dapat na mangyari sa susunod.
Mabuti na lang at nagawa kong pigilan ang sarili ko.
"I'm sorry. Hindi ko na napigilan ang sarili ko," sabi nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan na nanatili pa matapos ko itong harapin. "Pero... hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong iyon."
"Bakit mo ginawa iyon? And do you really have to do that in front of your family and relatives? Ano na lang ang sasabihin nila sa 'yo? Sa akin? Naisip mo man lang ba 'yon, ha?"
Gusto kong sigawan si Brent, sa totoo lang. Gusto kong magalit dito. Oo nga't inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na nga ang lalaking ito. For real, this time. Pero mali pa rin ang ginawa nito. Hindi naman ako girlfriend nito para gawin iyon.
"Gaya ng sinabi ko, wala akong pinagsisisihan. Ang mali ko lang, ginawa ko iyon sa harap ng maraming tao. Pero paraan ko na rin iyon para..." Natahimik ito at saka nag-iwas ng tingin.
Bagay na ikinakunot ng noo ko. "Para ano?"
He had to continue talking and continue what he wanted to say or else, baka ako ang mabaliw sa kaiisip ng kung anu-ano tungkol sa ginawa nitong paghalik sa akin.
Ito naman ngayon ang huminga ng malalim bago ako muling tiningnan.
"Ayoko nang maghintay na lang, Laine. Ayokong palagi na lang nagiging biro ang mga sinasabi ko pagdating sa nararamdaman ko para sa 'yo. Totoong mahal kita, Laine. Iyon ang gusto kong iparating sa 'yo."
Aaminin ko, para akong hindi makahinga nang marinig ko na iyon sa mga labi ni Brent, sa wakas. Oo nga at lagi nitong sinasabi iyon. Na ako raw ang sumakop sa puso nito. Na ako ang gusto nitong maging future wife. Na ako lang ang future wife ni Brent at wala nang iba.
Pero idinadaan ko nga iyon yata palagi sa biro. I would usually cut him off by saying things like he was just hungry or he was being delusional. Iyon ay dahil hindi ko alam kung dapat ko nga bang pagkatiwalaan ang mga sinasabi nitong iyon.
"Alam kong mali na hinalikan na naman kita nang walang permiso. Pero ayoko nang maghintay na lang kung kailan magiging maayos ang lahat sa pagitan nating dalawa. Ayokong patuloy na managinip at mangarap na lang na sana... Sana, ganoon din ang nararamdaman mo para sa akin. And this time, it's for real. Hindi ako nagbibiro lang o nang-aasar," pagpapatuloy ni Brent.
Nakikita ko na sa mga mata nito ang desperasyon. At ang isa pang nakikita ko...
Katotohanan.
Brent was definitely telling the truth. Hindi na nga isang biro ang mga sinasabi nito sa akin ng mga sandaling iyon.
"Brent..." tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano ko maibabalik sa dati ang function ng utak ko matapos kong marinig ang pagtatapat nitong iyon.
A few moments more and he took a few steps closer to me. Hindi na ako umatras dahil sa tingin ko ay nawalan na yata ako ng lakas sa mga narinig ko. Walang pasubaling kinuha nito ang pareho kong mga kamay at pinisil iyon. Hindi ko na napigilang mapatingin dito.
"Ngayon, tapatin mo ako, Laine. May pag-asa pa ba ako sa puso pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa ating dalawa? Pagkatapos mong marinig ang lahat ng mga ipinagtapat ko sa ‘yo?"
No comments:
Post a Comment