Wednesday, September 20, 2023

i'll hold on to you 112 - duet

[Relaina]

Singing in front of so many people… Parang napakalaking bagay na talaga iyon para sa akin. Hindi ko talaga akalaing magagawa ko iyon dahil lang sa request ng taong hindi ko naman masyado pang kilala… pero alam ko pa ring mahalaga sa taong katabi ko ng mga sandaling iyon sa stage.

Yes, heto na! Another dreaded day… Naalala ko na naman 'yong dance practicum namin sa dance club noon. Parang bumalik ako sa mga panahong iyon, sa totoo lang.

Only this time, hindi na ito isang pormal na bagay na kailangang gawin kasi may kapalit. I was doing this because…

"Everyone, hindi ko alam kung anong nangyari sa kapatid ko para hilingin na mag-perform kami ni Relaina sa harap ninyong lahat ngayon," umpisa ni Brent habang hawak ang mic.

Ang lakas ng boses nito ang dahilan kung bakit bumalik sa realidad ang isipan ko. Yikes! Mukhang mag-uumpisa na, ah. Grabe!

"Sus! Sigurado ka bang hindi mo alam, ha?" tila nang-aasar namang banat ng pinsan nitong si Ate Julia na naroon din ng mga sandaling iyon.

“Sumisimple ka lang, eh.”

“Para namang hindi ka namin kilala, ‘insan.”

Nagkatawanan naman ang ilan na ikinailing na lang ng ulo ni Brent. Sa nakikita ko, mukhang sanay na ito sa mga ganoong asaran sa pagitan ng mga magpipinsan.

"But… I'm definitely taking this opportunity to do this with her dahil alam kong matatagalan bago ko magawa ito ulit kasama siya," pagpapatuloy ni Brent.

Kunot ang noo kong napatingin ako rito. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa mga sinabi nitong iyon. Oo, alam kong may implikasyon ang mga salitang iyon sa aming dalawa, sa hindi ko malamang dahilan.

"So today, sa unang pagkakataon, maririnig n'yo na naman ang magandang boses ko kasama ang boses ni Relaina for the first time. Alam n'yo namang hindi ako basta-basta nakikipag-duet sa kahit kanino, 'di ba?"

Sumang-ayon naman ang mga bisitang naroon ng mga sandaling iyon. And here I thought this guy was a social butterfly or something, kahit sa mga kapamilya nito. Mukhang mali pala ako.

For some reason, I looked around and immediately found Mayu. Kasama ko itong pumunta roon dahil nga hindi talaga matanggal-tanggal ang kaba sa dibdib ko simula pa kahapon. Hindi ko alam kung bakit ito kaagad ang hinanap ko habang nagaganap ang mga kalokohang iyon. Pero nginitian lang ako ng pinsan ko at nag-thumbs up pa. Ganoon din ang ginawa ni Vivian, maging ni Neilson.

Strange as it sounded, I easily found comfort when they did that. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. Ilang sandali pa at ang ka-duet ko naman ang tiningnan ko. Muntik ko nang mabitiwan ang mic na hawak ko dahil ito naman ang nakangiti habang nakatingin nang mataman sa akin.

Sa totoo lang, dapat sanay na ako sa ginagawang ito ni Brent, eh. Pero hindi yata ganoon kadali iyon. Lalo na ng mga sandaling iyon.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata bilang senyales na tigilan na nito ang ginagawang pagtingin sa akin at nang maumpisahan na naming dalawa ang dapat masimulan.

With that, the song finally started playing. Or at least, the ‘minus one’ of the song we both chose to sing for that day. May palagay na ako kung bakit ang kantang ito ang pinili ko nang tanungin ako ni Brent kung ano ang gusto kong kantahin sa birthday ni Andz.

“Now, I've had the time of my life… No, I never felt like this before… Yes, I swear, it's the truth and I owe it all to you…”

One more sigh… and then it was my cue.

“‘Cause I’ve had the time of my life and I owe it all to you…”

To be honest, I thought of it as something crazy. ‘Yong lalaking kulang na lang ay sakalin ko sa tuwing magkukrus ang mga landas namin… Ngayon ay iba na ang tingin ko.

Iba na ang nararamdaman ko pagdating sa presensya ni Brent sa buhay ko.

“I've been waiting for so long. Now, I've finally found someone to stand by me…”

Was he really? Parang ang hirap paniwalaan. Kahit noong una. Pero… all this time, mula nang magkakilala kami, ngayon ko lang nalaman kung ano ang totoo sa mga sinasabi nito at hindi.

The realization about that made me unable to sleep last night.

“We saw the writing on the wall as we felt this magical fantasy…”

Magical fantasy… Mukhang ganoon ko na nga yata dapat i-describe ang mga nangyari sa amin ni Brent ever since. Kahit ilang beses kong i-deny sa sarili ko ang bagay na iyon, marami na ang nakakakita at nagsasabi sa akin ng dapat ay matagal ko nang makita.

Heto at nag-umpisa na rin ang duet portion ng kinakanta namin. Grabe! Alam kong ilang beses na naming nag-practice ni Brent para lang hindi ako mapahiya. Pero kinakabahan pa rin ako.

But all I ever did was to look at him and everything around me seemed to have faded, for some reason. Mukhang totoo nga yata ang sinasabi ng karamihan pagdating sa pag-ibig. May pagkakataon na para bang naglalaho ang lahat sa paligid kapag kayong dalawa ang magkasama.

“I've had the time of my life. No, I never felt this way before. Yes, I swear, it's the truth and I owe it all to you…”

Nagpatuloy pa rin kami sa pagkanta kahit ganito na ang nararamdaman ko. Whether I admit it or not, I was enjoying this. I enjoyed doing this with him.

With Brent.

At… mukhang ang lalaking ito lang yata ang dahilan ko kung bakit walang kaso sa akin ang request na ito ni Andz. Ako nga lang yata ang laging tumamanggi na merong kakaiba sa lahat ng mga nangyayari.

Before I knew it, the song finally ended. Huminga ako ng malalim at saka napatingin kay Brent. And before I could comprehend what was happening after that, I found myself opening my eyes wide because of what he did.

His lips were on mine.

‘Wait! Wait! Wait! What’s going on?!”

No comments:

Post a Comment