[Relaina]
Isang malalim na paghinga… na nadagdagan pa ng isa. At isa pa. Pero hindi pa rin naging sapat iyon para kumalma ako. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko habang nakatayo sa labas ng gate ng ancestral house kung saan nakatira ang pamilya ni Brent. Doon din ginaganap ng mga sandaling iyon ang birthday celebration ng bunsong kapatid ng magkakambal na Montreal. Hindi ko talaga mapigilang kabahan kahit na ano'ng gawin ko.
Nakakapagtaka nga, eh. Minsan ko naman nang nakita at nakausap ang Mama ni Brent. Ganoon din naman ang birthday celebrant na si Andz. Kasundo ko naman si Neilson, maging sina Tita Marie at Miette.
Oo nga't hindi ko pa nakakausap ni minsan ang Papa ni Brent, bagaman minsan ko nang nakita ito sa abandonadong building kung saan ko naabutan noon si Brent. Dahil kaya roon kaya ako kinakabahan nang ganito? Bukod pa sa pagdating ng iba pang mga kamag-anak ni Brent na paniguradong magtatanong ng tungkol sa akin.
"They're not going to eat you alive, Laine. Kalma lang."
I sighed before glaring at the guy who said that. Of course, it was a no brainer on who it was since there was only one person who ever called me Laine.
"That's easy for you to say dahil hindi naman ikaw ang makikiharap sa maraming bagong tao, 'no?"
Natawa na lang si Brent at saka umiling. "Wala naman silang masamang gagawin sa 'yo, eh. I'm here, at hindi ko naman hahayaang mapahamak ka rito, 'no? Grabe naman kung mangyayari pa iyon sa 'yo habang nasa poder kita."
Alam ko naman iyon, eh. Pero mukhang hindi talaga maiintindihan ng lalaking ito ang dilemma ko ng mga sandaling iyon. Huminga na lang ako ulit nang malalim at saka tumingin sa paligid.
Marami-rami na ring tao sa hardin kung saan ginaganap ang birthday party ni Andz. Ilan sa kanila ay pamilyar na sa akin dahil kilala naman talaga ang mga Montreal at mga Rialande sa bayan ng Altiera. Idagdag pa ang mga Delgado na matagal nang kaibigan ng mga Rialande.
Thinking about it, meeting two of the most prominent clans in Altiera could seriously be overwhelming. And it wasn't a lie.
"Come on! Kanina pa excited si Andz na makita ka. Ano ba'ng ibinigay mo sa batang iyon at ganoon na lang ka-excited pagdating sa 'yo?"
"At ako talaga ang tinanong mo? Ikaw ang kapatid n'on. Minsan lang naman kami nag-usap ng kapatid mong iyon, eh.” Hindi na naman maganda ang paraan ng pagsagot ko, alam ko iyon.
Pero mukhang hindi naman na-offend ang Brent na ‘to. Nakangiti pa nga ang mokong, eh. Ano na naman kaya ang kalokohang tumatakbo sa utak nito ng mga sandaling iyon?
To my confusion, he didn’t say anything. He just continued smiling as he laid his one hand in front of me. Napatingin lang ako ng ilang sandali roon bago ako bumuntong-hininga at kinuha iyon.
Paglapat na paglapat ng mga kamay naming dalawa, agad kong naramdamang pinisil ni Brent ang kamay ko. At alam ko kung bakit nito ginawa iyon.
“I’m here. You’ll be alright.”
I knew that. At alam kong hinding-hindi na mawawala ang kaalamang iyon sa isip ko.
Matapos niyon ay sabay na kaming pumasok sa loob ng ancestral house. Bahala na kung ano ang mangyayari sa birthday party na 'to.
xxxxxx
Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong dapat kabahan sa klase ng pag-welcome sa akin ng mga kamag-anak ni Brent matapos akong ipakilala ni Andz sa mga ito. Parang proud na proud pa itong gawin iyon kahit na wala naman talaga akong masasabing koneksyon sa mga Montreal maliban sa pagiging kaibigan ng magkambal.
Pero hindi simpleng kaibigan lang ni Brent ang pakilala sa akin ni Andz sa mga ito. Ipinakilala lang naman ako nito bilang future sister-in-law daw nito.
I mean… What the heck?! Ano'ng klaseng pakulo ba ang naiisip ng batang ito sa mismong birthday nito? Malapit ko na ngang batukan kung hindi ko lang nakita ang pag-iling ng mag-asawang Montreal matapos sabihin iyon ni Andz.
Siyempre pa, kabi-kabilang kantyawan na ang narinig ko mula sa mga bisitang naroon. Nadagdagan pa iyon nang umayon naman si Tita Marie sa sinabi ng pamangkin at nag-umpisa nang magkuwento ng mga bagay tungkol sa mga pinagsasasabi ni Brent sa ginang mula pa noong unang beses kaming magkakilala ng lalaking iyon.
"Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang kasalanan ko sa bunsong kapatid mo para mangyari sa akin ito, ha?" umpisa ko kay Brent nang sa wakas ay nakalayo na ako nang bahagya sa mga pinsan nitong nakakausap ko at nagtatanong ng kung anu-ano sa akin.
"Bakit? Wala namang masama sa sinabi niya, ah. Iyon naman ang sinabi ko kay Andz."
"Wow! At kalmado ka pa talaga niyan. Ikaw yata ang may galit sa akin ngayon, eh."
Natawa na lang si Brent at umiling. "Wala akong dahilan para magalit sa babaeng tuluyan nang sumakop sa puso kong matagal nang tigang sa tunay na pagmamahal."
Naku po! Umiral na naman ang kakornihan ng sira-ulong 'to. Puwede ko bang sapakin ito nang matauhan? Mukhang iyon ang kulang dito, eh.
"Hoy, Mr. Brent Allen Montreal. Ako'y tigil-tigilan mo sa mga kalokohang pagpapahiwatig mo sa akin, ha? Baka maisipan kong tuluyang basagin ang pagmumukha mo kapag hindi ka pa tumigil diyan."
Siyempre pa, biro ko lang iyon. At may palagay akong alam din iyon ni Brent. Pero kailangan ko rin naman sigurong iligtas ang sarili ko sa dagdag na kaba at posibleng kahihiyan, 'no? Ang hirap ng pinagdadaanan ko sa kamay ng mokong na 'to, sa totoo lang.
Hirap na ang puso kong pakisamahan ang mga trip nito. Ilan na lang at tuluyan nang mahuhulog iyon sa lalaking ito.
At that thought, I froze. Napatingin na lang ako sa kumpulan ng mga carnations na naroon lang sa isang bahagi ng garden kung saan ginaganap ang party.
Muli kong naalala ang pinag-usapan namin ni Mayu nang matanggap ko ang invitation card para sa party. At naalala ko rin ang napagdesisyunan ko nang gawin matapos ang pag-uusap naming iyon ng pinsan ko.
"Laine? Okay ka lang? Natahimik ka naman na yata riyan. May problema ba?" Ang mga sinabing iyon ni Brent ang nagpabalik ng isipan ko sa realidad.
Tiningnan ko lang ito ng ilang sandali bago ako umiling. Matapos niyon ay bumuntong-hininga ako.
"Kinakabahan lang ako para sa duet natin. Hindi naman kasi ako kumakanta sa harap ng maraming tao, eh. At alam kong alam mo 'yan."
Ngumiti si Brent at saka hinawakan ang isang kamay ko. "Nandito na 'to. Wala nang dahilan para mag-back-out ka. At saka nangako ka naman kay Andz na gagawin mo 'to, 'di ba? At isa pa, nandito ako. Ako ang kasama mo rito. Hindi kita iiwan sa ere. Okay?"
Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang magpatuloy sa napagdesisyunan ko na? Tama naman ito. Pumayag naman ako kalaunan sa kabila ng matinding pagtanggi ko noong una. And true to his words, Brent never left me hanging during those times that we would rehearse for the duet performance.
Alam ko na seryoso ito sa sinasabi nito. Kaya… heto na. Wala nang bawian. Bahala na talaga.
No comments:
Post a Comment