Wednesday, August 2, 2023

i'll hold on to you 107 - sudden rain

[Relaina]

Wala naman talaga akong planong lumabas ng bahay ng Linggo na iyon. Pero dahil hindi pa rin nawawala sa utak ko ang pinatunguhan ng pinag-usapan namin nina Ate Katrina, Mayu, at Vivian ilang araw na ang nakakaraan, kailangan kong mag-unwind. Hindi ko naman kailangang pumunta sa malayong lugar para gawin iyon.

Kailangan ko lang talagang mag-isip nang maayos at walang istorbo. But even with that plan, I had a feeling that it would head nowhere somehow. I hated that, to be honest. Ayokong maging ganoon ang end result ng gagawin kong pag-iisip ng araw na iyon.

Even so, I knew I had to do something.

Wala akong specific na lugar na gustong puntahan. Hahayaan ko na lang muna ang mga paa ko na dalhin ako kung saan posible akong makapag-isip nang matino. Iilan lang ang napuntahan ko nang umagang iyon.

Sa tabing-dagat kung saan naroon ang malaking batong madalas kong pagtambay... at sa cliff kung saan naroon ang Promise Tree. Siyempre pa, alam kong naroon din ang treehouse na isa sa mga sanctuary ni Brent.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang dalhin ako ng mga paa ko roon. Hindi naman ganoon kadulas sa cove nang umagang iyon kaya naging maayos ang pagpunta ko sa Promise Tree na hindi nadudulas papunta roon. The weather was gloomy at the moment. Pero kahit papaano ay hindi naman madulas ang daan papunta sa Promise Tree.

Along the way, I recalled the first time I traversed that usually slippery path going to the Promise Tree on the cliffside. Naalala ko lang na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang panganib ng dinadaanan ko dahil sa pag-aalala ko para kay Brent that day. I guessed I was desperate to reach the place dahil alam kong late na ako sa pagdating ko. And yes, hanggang sa mga sandaling iyon ay sinisisi ko pa rin ang malakas na ulan na iyon kung bakit nangyari iyon.

A little while later, I finally reached the place. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa mga sandaling iyon sa laki ng punong iyon. Regardless of the legend surrounding it, isang malaking milagro pa rin na patuloy na nakatayo ang ganoong kalaking puno sa lugar na iyon nang ganoon katagal.

But as much as I wanted to admire it further, alam kong hindi iyon ang ipinunta ko sa lugar na iyon. I was hoping that this place would be able to clear my mind. Hindi ko alam kung paano mangyayari iyon. But I wanted it to happen.

Nanatili lang akong nakatayo sa ibaba ng malaking puno roon habang nakatingala ako. Just the swaying of the leaves there even with the gloomy weather signifying a heavy rain to come would slowly calm me down, for some reason. Ilang sandali pa ang lumipas na pinagmamasdan ko lang ang punong iyon at namalayan ko na lang ang sarili ko na napapangiti.

It was strange... but in a good way, if I say so myself.

"Laine? Ikaw ba 'yan?"

The familiar voice that called out to me did startle me. Pero sinubukan kong huwag ipahalata iyon. Of course, he would be here. This was one of his favorite hideaways, after all. Bakit ba ako umasa na hindi ko ito makikita o makakasalubong man lang doon?

I turned to the source of that voice. Oo nga't nasa mukha nito ang sorpresa nang makita ako roon. Pero kitang-kita ko naman sa mga mata nito ang saya.

Nginitian ko na lang si Brent, kahit na alam kong medyo pilit iyon. "Nandito ka pala. Tumatambay ka na naman ba rito?"

Umiling ito at nag-umpisa nang maglakad palapit sa akin. "Hindi naman. Kararating ko lang, actually. Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong tumambay na lang muna rito. I didn't expect you to be here at all, though. May problema ba?"

May problema nga ba? Oo, meron. Pero nuncang sasabihin ko rito na ito ang source ng problema ko. Bahala na itong mag-isip ng ibang dahilan.

"I just needed a place where I could think properly. Alam mo na. Tinamaan na naman ng magulong utak," sabi ko na lang.

"Again? Ayaw ka talagang bigyan ng utak mo ng pahinga, ah."

Kung alam mo lang... Pero nuncang sasabihin ko iyon sa lalaking ito. Hindi na lang ako sumagot at saka ako huminga nang malalim. Mukhang hindi nga yata ako bibigyan mg pahinga ng utak ko ngayong nasa harap ko na si Brent —-- a.k.a. the source of my mind's dilemma.

"Do you want to go with me to the tree house?" kapagkuwa'y tanong ni Brent.

Ang tanong na iyon ang pumutol sa pag-iisip ko. "Ha?"

"Don't look at me na para bang may kalokohan akong gagawin sa 'yo. Mas mabuti nang may mapagpupuwestuhan kang maayos habang nagpapakalma ka ng utak mo. And I would also feel at ease na nasa malapit ka lang at nakikita kita."

Napatingin lang ako kay Brent pagkatapos nitong sabihin iyon. Well, his suggestion was okay. Wala naman talagang masama roon. Pero as usual, ang puso ko na naman ang pinoproblema ko. Lagi ko na lang ba talagang poproblemahin ito?

Pero bago pa ako nakasagot, bigla akong may naramdamang tumulo sa ulo ko at sa pisngi ko. Agad akong napatingin sa kalangitan dahil doon. Laking-gulat ko na lang na nag-uumpisa nang lumalakas ang biglaang pagpatak ng ulan.

"What the heck?!" I exclaimed and soon placed my hands over my head.

Nanlaki ang mga mata ko nang sumunod kong naramdaman na may ipinatong sa ulo ko. Agad akong napatingin sa tabi ko at agad kong napansin ang isang denim jacket na ipinatong sa ulo ko. Kasunod niyon ay tinangay na ako paalis doon ni Brent.

We were both heading towards one direction.

Sa tree house nito.

"Let's take shelter there, okay?"

Napatango na lang ako. Mukhang wala na akong pagpipilian kundi ang pumunta roon... kasama si Brent. But I didn't think I had to worry about anything at the moment. I trusted this guy.

I chose to.

At least, this sudden rain finally made me realize that.

"Thank you..."

No comments:

Post a Comment