[Relaina]
Confrontation… Isa pa ito sa mga ayaw kong gawin sa buhay ko. Pero… mukhang hindi ko yata talaga mapipigilan iyon. Lalo na kung ganitong laging may dahilan para kumompronta ako ng isang tao.
In this case, ang boyfriend ko pa ang kailangan kong komprontahin.
Although I understood his reason for keeping like this from me, especially the topic about the perpetrator… Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
I don’t know why I felt… betrayed, for some reason.
Mga humigit-kumulang isang oras ko ring pinag-iisipan pagkatapos ng pagtawag ni Oliver kung gagawin ko na nga ba ang pagkompronta kay Brent o hindi. It was an ongoing debate in my head at hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyayari.
Should I do it? Should I not? Should I do it? Should I not?
Ganoon! Iyon ang patuloy na umiikot sa isipan ko hanggang sa may marinig akong nag-doorbell. Siyempre pa, kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita. Isa pa, hindi magdo-doorbell si Mayu dahil may sarili naman itong susi sa bahay. Both for the front door and the back door.
Pero bumama pa rin ako para tingnan kung sino iyon. And when I moved the curtain of the first window out of the way to see who it was…
“Brent?” Kunot pa ang noo ko nang makita ko iyon.
Ang akala ko ba ay busy ito? Bakit ito nandito ng mga sandaling iyon?
My heart started beating fast. But I knew it wasn’t because of me wanting to see my boyfriend. I knew it was something else entirely.
Hindi ko alam kung kinakasihan ba ako ng pagkakataon sa nangyayaring ito o gusto lang ng tadhana na matapos na ang komprontasyong pinakaaayaw ko. I really have no idea what to think about this.
Pero… mukhang kailangan ko na nga talagang tapusin ito.
“Hey… are you okay? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” Brent was smiling when he asked that even though he was also concerned.
At least, iyon ang napansin ko sa itsura nito ng mga sandaling iyon.
Huminga na lang muna ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. If I wanted this to be a slightly peaceful confrontation —-- in a way, kailangang kalmado ako.
“Brent, bakit hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol sa pagbabanta ng sumagasa sa akin para sa buhay ko?”
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Brent at napalitan iyon ng pagtataka at… pag-aalala. Yes, he was immediately worried at inaasahan ko na iyon. Pero hindi pa rin magandang tingnan dahil iyon ang isa sa mga ayaw kong makita sa mukha nito. And yet…
“P-paano mo nalaman ang tungkol doon?” Sa halip ay balik-tanong nito sa akin.
I exhaled. “So it’s true. May ganyang klaseng bagay na pala na nangyayari and yet you’re not even telling me anything? Brent naman! Bakit pati iyon, inililihim mo pa sa akin?”
“Natakot ako, okay? Sobrang takot ako para sa ‘yo. Sa buhay mo. At mas natatakot ako na baka wala akong magawa para protektahan ka sa mga sira-ulong gusto kang saktan. Ayokong mapahamak ka.”
“Pero hindi naman nangangahulugang kailangan mong ilihim sa akin ang tungkol doon. I still deserve to know that! Buhay ko pa rin ito at ako pa rin ang magdedesisyon para sa sarili ko at the end of the day.”
“Alam ko iyon. Pero…”
Hindi na naituloy ni Brent ang gusto nitong sabihin at napasuklay na lang ng buhok nito gamit ang isang kamay. Muli na naman akong huminga nang malalim at napayuko.
I still couldn’t believe I burst out like that in front of him. But perhaps it was inevitable. Pareho kasi kaming matigas ang ulo. Iyon ang isang bagay na napatunayan ko na over time mula nang magkakilala kami ni Brent. But we still set that aside para mag-give way sa nararamdaman namin sa isa’t-isa.
Isang beses pa… Bumuntong-hininga na naman ako para pakalmahin ulit ang sarili ko. It was a little hard dahil talagang hindi naging maganda ang dating sa akin ng mga nalaman ko kay Oliver at sa pagtatago sa akin ni Brent tungkol sa totoong sitwasyon. Pero dapat naming mai-settle ito nang maayos or it would being tension to both of us.
“Brent…”
But he didn’t respond. Nanatili lang itong nakayuko. Teka… naririnig ba ako nito?
Ito naman ang sumunod na huminga nang malalim makalipas pa ang ilang sandali. Matapos niyon ay saka ito nag-angat ng ulo at tiningnan ako. The intense stare he gave to me made my heart beat faster than usual.
Hindi ko na rin napigilang magtaka. Why was he looking at me like this?
“I’m… I’m really sorry for keeping this from you, Laine. Natakot lang talaga ako. Tama ka. May karapatan ka ring malaman ang totoo, lalo na at ikaw pa rin ang involved dito.”
Hindi na ako nakatugon nang maayos habang sinasabi ni Brent ang mga iyon. Hindi ito nagsisinungaling, lalo na nang sabihin nitong natatakot ako.
“I also fear for my life ever since that incident, Brent,” sabi ko bilang pagputol na rin sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin ng mga sandaling iyon. “Pero hindi nangangahulugang kailangan kong takasan iyon. I have a feeling na lalo lang akong hahabulin n’on kahit pa itago ako sa kung saang lupalop ng mundo ako magpunta. If I want to confront this, alam ko naman na hindi ako nag-iisa kapag naisip kong gawin iyon.”
Nakatingin lang nang mataman sa akin si Brent. And if I had to be honest, kinabahan ako sa klase ng tingin nitong iyon. But I knew he was listening. In a way, I was glad that he was.
But the next thing that had happened surprised me the most.
Inilang dipa lang nito ang distansya sa pagitan naming dalawa at saka ako ginawaran ng isang malalim na halik kasabay ng mahigpit na yakap. Without a doubt, ikinagulat ko iyon. But I still responded.
I didn’t know why he did it. But I had the feeling that… he wanted to assure himself of something. And if returning his passionate kisses would do it, then I’d do it.
Ilang sandali ring nagtagal ang paghalik nitong iyon sa akin. Hanggang sa—--
Nanlaki ang mga mata ko sa naramdaman ko.
His hand was already inside my shirt, near my breast!
No comments:
Post a Comment