[Brent]
Isa na namang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pakiramdam ko talaga, hindi ako makahinga nang maayos sa dami na rin ng mga nangyari ng araw na iyon.
And then… there was that crazy deed that I almost did to Relaina if it wasn’t for her quick wits. Para talaga akong nawala sa sarili ko at that moment. Sobrang laki ng takot ko dahil sa mga bagay na hindi ko nagawang ipaalam dito.
Oo, aaminin ko. Kasalanan ko iyon. But my intention at the time for doing that was to protect her. To protect the only woman I’ve ever loved this much in my life. Iyon lang ang nasa isipan ko ng mga sandaling pinipilit kong bigyan ng matinong rason ang sarili ko.
But I never thought I’d almost… take her and make her mine. Kailan pa nangyaring ang pagnanasa ko sa isang babae ang sumakop sa isipan ko dahil sa takot at galit sa lahat ng mga nangyayari sa aming dalawa ng babaeng mahal ko? This was the first time that something like this had happened to me.
Napayuko na lang ako sa babaeng kasalukuyang nakaunan sa dibdib ko ng mga sandaling iyon. Relaina was sleeping peacefully, using my chest as her pillow. Hindi ko napigilang mapangiti sa tanawing iyon. Napakapayapa talaga ng itsura ni Relaina habang ganoon ang posisyon nito.
It seemed that she really trusted me.
“Thank you…” masuyong bulong ko malapit sa tainga nito at hinaplos ko ang buhok nito.
That deed made her stir from her sleep. But only for a few moments. Muli na naman itong bumalik sa mahimbing na pagtulog.
Why did I say thank you to her in her sleep? Marami akong gustong ipagpasalamat dito, sa totoo lang. Hindi lang dahil sa mga nangyari ng araw na iyon. Everything about her existence and the changes she made in my life… Lahat ng iyon, gusto kong ipagpasalamat dito. Pero alam ko na hindi sapat ang mga salita para iparating iyon dito.
And so that was why I asked that crucial question to her.
Ano ba ang pumasok sa isipan ko at naitanong ko rito kung gugustuhin ba nitong ikonsidera ang posibilidad na magpakasal sa akin in the near future? I was very specific about that. At talagang nasabi ko pa na pagkatapos naming gr-um-aduate, gusto ko nang pakasalan si Relaina?
I was definitely insane for asking that to her at the time. Kahit alam kong iyon ang totoong nararamdaman ko, hindi ko dapat binibigyan ng pressure si Relaina pagdating sa napakaimportanteng bagay gaya ng kasal. Mabuti na lang at hindi nagalit si Relaina sa akin dahil sa tanong na iyon.
But her statement at the time confused me, though.
«~Kung ako talaga ang nakatadhana para sa ‘yo na pakasalan mo, kahit siguro walang time frame at time range pagdating sa pagpapakasal, mangyayari’t mangyayari pa rin iyon kahit na ano’ng kahihinatnan ng relasyon natin in the future. So I don’t think na dapat nating madaliin ang tungkol sa pagpapakasal. I know it will happen. Pero huwag mo na lang puwersahin. Okay?~»
There wasn’t anything wrong with that statement. May punto naman ito, eh. And yet… Why did I feel fearful about something from those words? May laman ang sinasabi ni Relaina. Yes, it wasn’t the answer I was looking for. But it also offered a bit of hope that it would still happen between us.
Kailangan ko lang magtiyaga… at magtiwala.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo.”
Those words snapped me off from my reverie at napayuko ako para tingnan si Relaina. Only to be surprised to see her already looking at me with those sleepy eyes of hers.
“Good afternoon, sleepyhead. Hindi ka na makakatulog niyan mamayang gabi,” sabi ko na lang at saka ko hinaplos ang buhok nito.
I smiled when she snuggled closer to my body. Once again, the heat I felt before started to consume me. But this time, I knew better.
“Kapag ganyan ka nang ganyan, baka hindi ko na talaga mapigil ang sarili ko na angkinin ka,” I whispered, almost growling in her ear.
Naramdaman ko ang paninigas ni Relaina pero sandali lang iyon.
“Parang ayaw mo pa yatang maglambing ako sa ‘yo, ah. Sabihin mo lang, ititigil ko na ‘to.”
Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni Relaina. At ito pa talaga ang nagreklamo, samantalang ako ang dehado sa sitwasyon naming dalawa ng mga sandaling iyon.
“Marunong ka nang manakot ngayon, ah.”
She looked up once again and faced me with a gentle smile. “Sinasabi ko lang ang totoo. Kahit alam kong may kakaiba kang nararamdaman kapag ganito tayo kalapit, I still want to be this close to you. Para kapag nangyari na ang kasal na sinasabi mo in the future, hindi na magiging mahirap sa atin ang lahat. Or… maybe that’s just me.”
“It’s not just you, Laine. Ganoon din ang nararamdaman ko. And I’m glad that you felt the same way as I do.” After that, I kissed her hair and pulled her even closer to my body. “Mukhang matagal-tagal pang paghahanda ang gagawin natin kung talagang gusto kong pakasalan ka. Pero habang naghahanda tayo, ipagpatuloy lang natin ang pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t-isa. We’ll keep proving to the world that we’re truly meant for each other kahit na ano’ng mangyari. Kahit na sino pa ang gumawa ng paraan para hindi mangyari ang pangarap ko para sa ating dalawa.”
It was another of my cringey moments kapag naiisipan kong magtapat kay Relaina at sabihin dito nang paulit-ulit kung gaano ko ito kamahal. But it looked like she didn’t mind it. Laking-tuwa ko nang tuluyan nang mawala ang distansya sa pagitan naming dalawa ng babaeng mahal ko.
“Here in my heart lies a promise that you and I will be together whatever happens. No matter what may come between us, we’ll love each other till beyond eternity.”
I frowned when I uttered those words. Saan ko nakuha iyon?
“Where in the world did you get those words? Kailan ka pa naging poetic, ha?”
To be honest, that wasn’t even a poem, Relaina. Pero hindi ko na lang ito sinagot. Maybe I should write those words and frame it somewhere. Pero… mukhang galing yata talaga iyon sa puso ko, as cringey and corny as it sounded.
“They’re my promise to you, Laine.” Without a doubt. My heart had uttered that promise that was solely meant for you to hear and for me to fulfill only to you.
No comments:
Post a Comment