[Relaina]
Probably because of the shock I felt when I realized that, hindi ako nakapag-react nang tama. My hand was searching for something between us —-- anything —-- that I could use to stop him from going further.
But the sensation coming from his kiss —-- oh, that deep, longing kiss —-- was starting to make me lose my mind. This was the first time someone had kissed me like this deep enough to make me lose my reasoning.
Not to mention, his touch on my bare skin underneath my shirt…
“Hmm…” hindi ko na napigilan ang ungol na iyon habang patuloy si Brent sa ginagawa nito sa akin.
I knew I had to stop him. Hindi rin maganda ang takbo ng utak nito at mukhang ginagamit lang ni Brent ang nararamdaman nito para kumalma ito.
Though before I could do anything, I was surprised to find myself moving backwards and finally landing my back on the sofa. The kiss was never broken, for some reason. He just continued kissing me as his embrace tightened and his hand was starting to reach my bra hook—--
Doon na ako tuluyang natauhan at gamit ang buong lakas ko ng mga sandaling iyon, itinulak ko si Brent.
“Wait, Brent, stop, please…” I said, a little breathless and thankfully, still have my sanity intact even with all the brand new sensation I felt.
Pero dahil sa bigat nito, hindi ko ito nagawang itulak palayo sa akin. I only managed to push his body a little further, which was enough to break the passionate kiss we were sharing. But that push seemed to be enough to wake him up.
“Laine…” he uttered, almost in a daze, before shutting his eyes and placing his head on the crook of my shoulder.
Good… mukhang natauhan na ito kahit papaano. And yet his hand… Gosh, that large warm hand of his… Hindi pa rin nito inaalis ang kamay nito sa loob ng t-shirt ko. But thankfully, it wasn’t placed near my breast anymore. It was on my waist.
But the sensation was still there. It was still lingering. Aaminin ko man o hindi, hindi ko alam kung dahil doon kaya parang pakiramdam ko ay muntik na akong mabaliw kanina habang hinahalikan ako ni Brent.
The passionate kiss was also fatal enough for my sanity. But when you add the touches that roamed my body… Unbelievable!
“I’m sorry, Laine. I don’t know what came over me,” Brent said as he was breathing in and out, it was almost heavy.
Was this also his way of calming himself down?
“Ano’ng nangyari sa ‘yo? I wasn’t expecting you to do that, kung ako ang tatanungin mo. Nagkakasagutan lang tayo kanina, pagkatapos…” Hindi ko na nagawang ituloy ang sinasabi ko. Well, for one thing, I felt my face heated up nang maisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin.
“Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin. But… I’m glad you’re still in your senses to stop me from going further.” With a heavy sigh, Brent raised his head from my neck and looked at me.
Naroon pa rin ito sa ibabaw ko habang pareho kaming nasa sofa. It was indeed a compromising position, and it wasn’t something new to both of us. Ilang beses na rin naman kaming naaabutan ang mga sarili namin sa ganoong posisyon kahit noong hindi pa kami.
It was just that… this time, it was really different. Iba na ang status ng relasyon namin. Being in this position could mean something different.
Very different.
“Are you okay now?” tanong ko kay Brent at saka ko hinaplos ang mukha nito.
Once again, he closed his eyes and leaned his face on my hand. It was as if he was trying to further feel my hand that way. A few moments more, he opened his eyes and smiled at me.
“I am now. Thanks to you. I’m sorry if I made you feel scared dahil sa nagawa kong iyon.”
Before I could even answer, he finally lifted himself off of me and helped me sit properly on the sofa. Ipinatong din niya ang ulo ko sa dibdib nito at hinawakan ang kaliwang kamay ko na mas malapit lang sa kaliwang kamay nito.
Napangiti na lang ako. This guy knew my favorite position kapag magkasama kaming dalawa.
“It did scare me. Pero… may gayuma yata ang halik mo sa akin para agad na mawala ang takot na iyon.” And then I realized… Was I just joking when I said that?
“Should I kiss you again?”
Iniangat ko ang ulo ko at ipinakita rito ang kamao kong nakakuyom. “Ito, gusto mong mag-landing diyan sa mukha mo, ha?”
“Ano ba ‘yan? Tayo na nga’t lahat, ipinapakita mo pa rin ang pagiging brutal mo.”
“Baliw ka na naman, eh.”
He sighed not long after. “Yeah, maybe I was. Muntik na akong mabaliw dahil sa kamuntikan ko nang magawa sa ‘yo kanina. If your parents were here, baka napatay na nila ako kapag nalaman nila iyon.”
“Uy, hindi ko namana sa kanila ang pagiging brutal ko, okay? They’re nice and kind. Pero siyempre, mga magulang ko pa rin sila. Natural lang na maging overprotective sila sa akin, lalo na’t ako lang ang anak nila.”
“Your half-brother… Evon ang pangalan niya, ‘di ba?”
Kahit nagtataka ako sa itinungo ng usapan namin, tumango ako bilang sagot. “Teka, paano mo nalaman ang pangalan niya? May binanggit na ba ako sa ‘yo noon?”
“Hindi ko rin maalala kung minsan ka nang may nabanggit sa akin. But Oliver told me about him. Was he your father’s son in his first marriage?”
Umiling ako. “No. It was college at nagre-ready si Papa para sa board exam for Architecture. Pero hindi kaagad nalaman ni Papa ang tungkol kay Kuya dahil umalis si Tita Evelyn papuntang Amerika sa utos na rin ng mga magulang nito. Nalaman na lang ni Papa ang tungkol kay Kuya noong manganak sa Amerika si Tita at sinabi nito kay Papa na noon lang daw ito nakagawa ng paraan para makatawag sa kanya. Siyempre pa, nagalit si Papa dahil wala man lang sinasabi si Tita rito tungkol sa existence ni Kuya.
“Pero… sa umpisa pa lang pala ay hindi na gusto ng mga magulang ni Tita Evelyn si Papa. Ang paglayo sa Pilipinas kung nasaan si Papa ang tanging paraan ni Tita noon para protektahan si Papa. Nagbanta raw kasi ang mga magulang noon ni Tita Evelyn na masasaktan si Papa kapag walang ibang ginawa si Tita para tigilan ito ni Papa.”
Naramdaman ko ang paghalik ni Brent sa buhok ko. It was one of his sweet gestures na talaga namang nakakapagpakalma sa akin. And I was glad he did it. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay nito.
Saka ko ipinagpatuloy ang pagkukuwento.
“She did leave the country to do that. Pero ang kapalit naman n’on, ipinagkait ni Tita ang pagkakataon na makita ng mga magulang niya si Kuya. And to think at the time, they wanted so badly to have a grandchild. Pero hindi naman magkaanak ang pamilya ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Tita Evelyn. Kaya ganoon na lang ang pagtatago ni Tita kay Kuya mula sa mga magulang niya. Kahit ganoon, hindi ipinagkait ni Tita kay Papa na makilala si Kuya at maging ama rito kahit nasa magkaibang bansa sila. Kahit papaano, nakatulong ang palagiang tawagan nila sa isa’t-isa na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Kahit nang magpakasal na si Tita Evelyn sa isang Amerikano doon at si Papa naman ay nagpakasal kay Mama. Of course, alam ni Mama ang tungkol kay Kuya kahit noong bago pa sila magpakasal.”
“Bakit hindi sinundan ng Papa mo si Tita Evelyn?” tanong ni Brent sa akin.
I couldn’t believe he was that interested in knowing that other part of my family’s story.
“The threat was still there at saka hindi sapat ang kinikita ni Papa noong mga panahong iyon. Hindi na rin pinayagan ni Tita Evelyn na sundan siya ni Papa dahil mapapahamak lang daw ito. She also ended their relationship para wala na raw dahilan ang mga magulang ni Tita na takutin siya o kaya ay ipahamak siya. Pero hindi nangangahulugang mawawalan sila ng komunikasyon ni Papa. She would always make sure na hindi mapuputol ang komunikasyon nila ni Papa at maging aware ito sa buhay ni Kuya Evon, ng anak niya, sa Amerika. Mabuti nga at hindi naging mahirap kay Papa na tanggapin iyon. At mabuti na rin lang na hindi niya inilihim sa amin ang tungkol kay Kuya Evon.”
Pagkatapos ng pagkukuwentong iyon ay napangiti ako at saka ko lalong isiniksik ang sarili ko kay Brent. He chuckled at that and I smiled. Mukhang gusto nitong ginagawa ko iyon, ah.
Silence ensued between us after that, but I didn’t consider that weird. Until…
“Laine… In the near future, pagkatapos nating gr-um-aduate… would you consider getting married to me?”
No comments:
Post a Comment