Alam kong inumpisahan ko pa lang ito. Pero gusto ko namang maiba ang mga naka-post dito kahit papaano. And because pulos mga tula ang naisipan kong ilagay ko as part of my daily entries, parang ang boring naman kung ganoon lang palagi. Ang tagal ko na ring hindi nagsusulat ng tula kaya kung ano na lang talaga ang maisipan kong i-post dito para lang magkalaman ito sa ngayon.
And with that, gusto ko namang gamitin ang blog na ito as a greeting corner sa mga taong special sa akin. Naks! May ganoon talaga? Joke lang.
First up sa greeting --- HAPPY BIRTHDAY, DES! She's my sister one year and three months younger than me. Pero sa totoo lang, parang mas mature pa siya kumpara sa akin. Ang weird, 'di ba? Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa 'yo. You may or may not read this. At kahit hindi ako malambing katulad mo, sana ma-appreciate mo pa rin ito. Kung minsan kasi, nakakalokang mag-post ng mga ganito sa FB. Ang sappy, para sa akin. Weird ba? Anyway, ano'ng bago? Lagi namang weird ang nag-iisang ate mo. Hehe!
Love you, sis! (◍•ᴗ•◍)❤
No comments:
Post a Comment