MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!
First Christmas greeting na maipo-post ko rito sa blog ko. Weird ba? Ewan ko lang. Pero mas okay na siguro ito para nga may variation ang mga naka-post dito. Hindi ko na naman alam kung saan patutungo ang daloy ng isipan ko pagdating sa mga maiisipan kong ilagay sa blog ko. Pero dahil para sa akin naman ito mostly, bahala na si life sa magiging kahihinatnan ng mga pinaglalalagay ko rito. Baka nga one of these days, maisipan ko pang ilagay ang journal entries ko from way back 2006. Wow! Almost isang dekada na pala. Ang tagal, ah.
Wala naman akong masabing kakaiba pagdating sa Christmas celebration namin ngayon. Maybe except for the fact na may tension na dahil na rin sa nangyari kina Mama at Papa. Magulo na talaga, eh. Kahit sabihin pang inaasahan na namin na umabot sa ganito, iba pa rin pala 'yong feeling kapag nandiyan na.
Should I even call this a good Christmas? Puwede siguro. Nandito pa naman kaming magkakapatid, eh. Nasa poder pa rin naman kami ni Mama. Sigurado, magiging mahirap. Pero... kakayanin naman siguro. Tingnan na lang natin.
No comments:
Post a Comment