Friday, March 20, 2015

Don't Fear This Love - Story Description

Sharian always believes in a love with a happily ever after ending. At handa siyang maghintay kung kailan darating ang Prince Charming niya na tutupad sa love story na gusto niyang mangyari. Kaya lang, sa tuwing makakasalubong niya ang kinaiinisang si Nelmark, nagtataka siya sa sarili niya kung bakit mas gusto pa niyang ito ang tumupad niyon.

Never mind na lang! Dahil sigurado siya na paglalaruan lang nito ang puso niya at tiyak na ibibilang sa mga babaeng pinaluha na nito noon. Isa pa, hindi na naniniwala si Nelmark sa true love, even in happily ever after.

Pero naisip niya...

What if siya ang bumago nang tuluyan sa pananaw nitong iyon? Will she be able to do it without falling in love with him in the process?

xxxxxx

Ito ang kauna-unahang manuscript na natapos ko at ipinasa ko rin sa isang publishing company. Sadly, returned ito at medyo masakit din sa akin iyon. Ilang buwan din akong natigil sa pagsusulat pero hindi naman nangangahulugan na itinigil ko na iyon. Kaya heto, sa kakulitan ko, nakapag-publish na ako ng dalawa at may isa pang susunod. Pagpasensiyahan n'yo na lang ang kabagalan sa pagsusulat ng writer na ito.

Bakit ko ipino-post ito dito? Siguro dahil gusto kong makita at malaman na rin ang insight ninyo kung bakit hindi ito natanggap for publishing noon. Though may feedback naming ipinadala sa akin, gusto ko pa ring malaman ang feedback ng ibang tao tungkol dito. Ipo-post ko ang buong manuscript as it is. Kung ano ang pagkakasulat ko nito noon, ganoon na ganoon ang mababasa n'yo rito. Puwede n'yong pagkumparahin ang writing style ko noon sa ngayon. Mahahalata naman siguro na may nagbago, 'di ba? Hehe!

No comments:

Post a Comment