Tuesday, May 31, 2016

I'll Hold On To You 23 - Ice Cream

[Relaina]

NATAPOS ang practice namin ni Brent pagkalipas ng mahigit isa pang oras. Binago na rin namin ang kantang gagamitin namin para sa practicum kaya final decision na ang kantang “When Love Finds You”.

Pagkatapos ng practice, nagyaya si Brent na mamasyal daw kami for the rest of the day. Ewan ko lang talaga kung ano’ng nakain nito at naisipan pa talaga akong yayain nito. But then, did I even have the right to complain? Wala.

Kaya pinagbigyan ko na.

So there we were at the moment – sa ice cream cart kung saan ako unang dinala, or rather kinaladkad, ni Brent noon. Adik lang yata sa ice cream ang mokong na ‘to, eh. Gusto lang akong idamay.

Monday, May 30, 2016

Journal entry — August 26, 2006

I can't believe it!

For the first time in my school life, ngayon lang ako naka-top 1. I know na marami sa mga kaklase ko ang hindi maniniwala na 1st time ko pa lang maka-top 1 but that's the truth.

Kaya lang, kailangan ko pa ring ingatan ang grades ko sa Science kasi ito ang may pinaka-highest na unit (which is 1.8). Of course, kailangan ko ring ingatan ang iba ko pang grades.

Sunday, May 29, 2016

The Sunday Currently # 13

So this is another post for this entry. Well, in case you’re not aware, I’ve written this post first on paper before typing it down and posting it here. My sister was kind of busy watching anime shows saved on our desktop’s hard drive. That’s why I settled writing it this way for now.

Nothing much happened, except that I’ve been trying my best to finish my on-going manuscript before this month ends. Trust me, it’s a struggle. Especially if you really want to write a new one right now but can’t since you have to finish the on-going one first.

So this Sunday, I’m currently:

Tuesday, May 24, 2016

I'll Hold On To You 22 - Choice Of Song

[Relaina]

HIM on top of ME.

Yup… Just like the first time we've met. Only this time, hindi na masakit ang naging pagkakabagsak ko. But even still, compromising pa rin ang sitwasyon naming iyon. Dahil heto ako, dumadagundong ang tibok ng puso ko sa tainga ko. Our faces were inches close to each other as our breaths brushed our skin.

Hindi pa rin ba compromising at suggestive ang mga eksenang iyon?

“Y-you’re okay, right?” concerned na tanong nito sa akin. “H-hindi ka naman gaanong n-nasaktan?”

Monday, May 23, 2016

Journal entry — August 20, 2006

May message na dumating sa akin kaninang 2:06 PM na I think may koneksyon siguro sa akin.

"Missing you secretly is a hard thing to do... hoping, wondering, wishing na ganun din nararamdaman mo. I can't read your mind though, but whatever it is, I still miss you!"

Nice ba?

Sunday, May 22, 2016

The Sunday Currently # 12

So when was the last time I wrote something like this? I can’t remember at all. Urgh! I’ve been busy—or at least my mind was for the past weeks. Yes, I haven’t written a Sunday Currently post for weeks. I don’t want to count because it only irks me. It also reminds me of a lot of things. I couldn’t think properly. A lot had happened and I don’t even want to elaborate that. How did everything goes like this? Honestly speaking, I’ve never felt so useless in my life. It really irks me to the core, yet here I am, I can’t even do anything.

I guess what they said about me was true, after all. Even though I hate to admit it, I really feel that I don’t have the initiative to do something that could really help. I can’t really say that I’m a selfish person since I want to do something that would help my mother in some ways with regards to financial problem we’re facing. But I want to do it using the one thing that really makes me happy, and that’s writing. And yet circumstances don’t even want to help me with it.

In my current situation now, where my father can’t even do anything about fixing my birth certificate’s problem, I really don’t know what to do. I need that fixed birth certificate so I could find a decent job. Most of the companies or even just a simple job these days usually requires birth certicate issued by National Statistics Office (NSO) aside from other requirements. But my birth certificate hasn’t been fixed in a long time. Either my father was really busy or he’d just forgotten about it. I kept reminding him and yet, no results show up. Not all who hires someone for a job would be very understanding about my situation and they would insist on submitting the requirements down to the letter.

Tuesday, May 17, 2016

TLSOTE-Related: Another Thoughts About The Eight Celestial Points

Okay. Since nagkaroon ng medyo malaking pagbabago sa TLSOTE plotlines, especially the names, I might as well do this one.

Sa naunang plano ko sa plotline ng TLSOTE trilogy, the Eight Celestial Points were all locations where the Yasunaga clan leave parts of their treasures to guide the future generations of the clan about the upcoming battles to greet them with regards to the Black Thorns. Ang treasures na iyon ay tinatawag na “Eight Treasures of the Imperial Rose”. May Eight Celestial Points din ang Four Families pero lahat ay located sa Japan. Unlike sa Yasunaga clan na sa Pilipinas lahat nakalagak. Now that a certain change was done in this trilogy, heto ang (hopefully) matinong explanation tungkol sa legend ng Eight Celestial Points sa version na ito.

Monday, May 16, 2016

Journal entry — August 14, 2006

Ano ba naman ito?

Still the usual, at war pa rin ang tatlo kaya walang pansinang nangyari. But I think sinagad ng dalawa ang "pagtitimpi" nung isa... (talagang dedmahan to the max ang nangyari)

Ano ba'ng pakialam ko sa kanila in the first place?

Tuesday, May 10, 2016

I'll Hold On To You 21 - Unexpected Position

[Relaina]

IT WAS a Sunday, pero hayun, continuous pa rin ang practice namin ni Brent para sa dance practicum. Ikalimang araw na rin iyon ng truce namin ng ugok na iyon. Limang araw na maraming binago ang truce na iyon sa buhay ko, whether I admit it or not.

Or at least iyon ang pakiramdam ko nitong mga nakalipas na araw. Ayoko nang isa-isahin pa ang mga iyon dahil baka lalo lang akong maloka nang wala sa oras. Wala pa akong planong magpakabaliw at ang dami ko pang gustong gawin na matino ang takbo ng isipan ko.

Naroon kami ng kumag kong ka-partner sa practice place namin – sa room sa loob ng auditorium. Ewan ko ba rito sa buwisit na 'to. Puwede naman kaming mag-practice sa ibang lugar, eh. Pero heto, dito pa rin nito naisipang mag-practice. I admit na tahimik ang lugar at solo rin namin iyon at the same time. But that wasn’t supposed to be the point there.

Pero sige… pagbigyan ko na lang ang kumag. Mahirap na kapag tinopak pa ‘to. Ayoko pang pakisamahan ang topak nito kapag nagkataon.

Monday, May 9, 2016

Journal entry — August 13, 2006

Ang weird talaga, GRABE! For the second time, napanaginipan ko na naman iyong guy na iyon. But this time, exciting ang experience ko sa panaginip na iyon. It happened like this:

I was roaming around in the Burnham Park nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng sidewalk. Walang masyadong tao noon sa Burnham. Then nilapitan ko siya. Tinanong ko, "okay ka lang?" Then sinagot niya ako ng "Mukha ba akong okay?" Natigilan ako sa isinagot niya. Pero agad ko namang naibalik ang composure ko at umupo ako sa tabi niya. Tinanong ko ulit siya... "May problema ka ba?" Humarap siya sa akin and nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. And then I just found myself embracing him. Hinihimas-himas ko pa'ng likuran niya at... "Sige na! Tama na! Tumahan ka na. Nandito naman ako para tumulong sa iyo." And still he's crying. And then I woke up.

Kaya lang, blurred ang face niya kaya still, nagtataka pa rin ako kung sino siya. At ano ang posibleng connection niya sa buhay ko...

Thursday, May 5, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 12 (Final)

"SIGURADO ka ba na kaya mo pa? Parang pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala, ah."

Pero tiningnan lang ni Lianne si Renz nang masama na tumawa lang bago niya ibinalik ang tingin sa binabasang report. Si Jian ang nagbigay niyon sa kanya at patungkol iyon sa ipinakiusap niya rito na dapat nitong imbestigahan. Hindi na siya nagulat nang makita ang nakasulat doon tungkol sa mastermind ng pagbaril kay Aeros mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Naroon siya sa mansyon nila sa Baguio. Doon siya pinapunta ni Riel matapos siyang ipagtabuyan ni Aeros. Bagaman naiintindihan niya kung bakit nito ginawa iyon, hindi pa rin maikakailang nasaktan siya sa sinabi nito. Iyon ang dahilan kung bakit kahit gusto na niyang ipaliwanag dito ang lahat, mas nangibabaw ang sakit na naramdaman niya kaya minabuti niyang iwan muna ito at mag-focus sa kailangan niyang gawin. Seriously, was she really that bad at explaining her point?

"Lianne, ipahinga mo muna 'yang sarili mo. Ilang araw ka nang walang matinong tulog." This time, may pag-aalala nang kakabit ang tinig ni Renz.

Tuesday, May 3, 2016

A R-18 Story Idea

...and I have no clue as to where I got this.

Ewan ko ba. Medyo nagulat din ako sa sarili ko kasi hindi naman normal sa akin ang mag-isip ng ganitong klaseng story plot, eh. Oo na. Weird na ako kung weird. Pero hindi ko mapigilan, eh. But anyway, since nandito naman na ito, eh `di go na lang. Ewan ko nga lang kung kailan ko masisimulan. So I decided to write the idea down para naman hindi ko makalimutan. But if someone would actually decide to adopt this story idea for me in case I forgot about this, just comment below. Okay?

Monday, May 2, 2016

Journal entry — August 12, 2006

Ang saya-saya ko talaga! Kasi kinausap na naman niya ako. Kaya lang, iyong dalawang mokong eh mukhang pinagtitripan siya ng husto at gusto pa nila akong isama sa trip nila. But still, zipped lang ang lips ko pagdating sa isyung iyon...