Tuesday, May 24, 2016

I'll Hold On To You 22 - Choice Of Song

[Relaina]

HIM on top of ME.

Yup… Just like the first time we've met. Only this time, hindi na masakit ang naging pagkakabagsak ko. But even still, compromising pa rin ang sitwasyon naming iyon. Dahil heto ako, dumadagundong ang tibok ng puso ko sa tainga ko. Our faces were inches close to each other as our breaths brushed our skin.

Hindi pa rin ba compromising at suggestive ang mga eksenang iyon?

“Y-you’re okay, right?” concerned na tanong nito sa akin. “H-hindi ka naman gaanong n-nasaktan?”

But then I noticed something. Was it me or did he just stutter?

Wow lang, ha? The infamous Brent Allen Montreal stuttered? At sa harap pa ng babaeng kinaiinisan/dance partner nito?

Surely a moment to remember but… this wasn’t the time for me to dwell on that thought. “I’m fine. At least walang batong tumusok sa ulo ko para sugatan ako this time.” And I even laughed at that.

Pero si Brent, hindi man lang natawa sa sinabi kong iyon. He had this guilty look on his face. “I’m sorry… that I became the reason for you to get hurt that day.”

Well… speechless ako roon, to be honest. It even looked like he was sincere. And I really needed to do something to break this awkward feeling between us. I'd rather deal with the weirdness I had in my mind because of him than this awkwardness surrounding the two of us.

“Ano ka ba naman? Tapos na iyon, ‘no? And…” I paused dahil kailangan kong huminga nang malalim. Feeling ko kasi, magkakaroon ako ng heart attack sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, eh. “…would you mind getting off of me? Ang bigat mo kasi, eh. Ilang kilo ba ng bigas ang nilalantakan mo sa isang araw, ha?”

The way I said those words had somehow helped, considering the fact na napangiti at napahalakhak ko si Brent kahit ang weird na ng puwesto naming dalawa. Feeling ko pa nga, nag-uumpisang mag-init ang katawan ko dahil sa puwesto namin.

Waah! Don’t pester my mind, you damn hormones! Focus tayo! Focus!

Akala ko mang-aasar pa ‘tong mokong na ‘to at kalilimutan ang mga pinagsasasabi ko. Mabuti na lang at naisipan na nitong umalis sa ibabaw ko. And he even helped me stand up, without knowing that doing so would make me feel a jolt of electrifying sensation that coursed throughout my body.

My gosh naman! Bakit kailangan ko pa talagang maramdaman ito from him, of all guys?

Hindi ako ignorante pagdating sa kahulugan ng nararamdaman ko. But this was seriously crazy! Nonsense!

“Sigurado ka bang okay ka lang? Walang masakit sa iyo?” tanong ni Brent sa akin, in which I answered with a reassuring smile – na noon ay bihira ko lang talagang ipakita rito dahil sa matinding pang-aasar nito sa akin.

Naku naman! Umiral na naman ang speechlessness ko. Ano ba namang klaseng araw ‘to?

“Sigurado ka?”

Doon na nawala ang speechlessness ko. I faced Brent with narrowed eyes and annoyance. “Ilang beses ka bang inire ng nanay mo at saksakan ka ng kulit, ha?”

“Ito naman, parang concerned lang iyong tao sa iyo, eh.”

At ang bugok na ‘to, sumimangot lang talaga? Ano ‘yon, paawa effect o pa-baby effect?

'Puwede ring both.'

Eww!

And didn’t I tell you to shut up, brain?

I groaned in frustration. Pambihira lang talaga. Ako yata ang magkakaroon ng saltik sa utak sa mga tumatakbo sa isip ko sa mga sandaling iyon, eh.

“You know what? Let’s have one more round of practice and then let’s wrap this up. Mamasyal na lang tayo for the rest of the day para naman mapahinga tayo,” bigla ay suhestiyon nito na ikinakunot naman ng noo ko.

Feeling close lang talaga ‘tong kamoteng ‘to, ah. But hey, why not? Ang sabi ko nga, sasamantalahin ko na lang ang kabaitan ng lalaking ‘to bago matapos ang truce sa pagitan namin. I somehow knew he was doing this because of our truce and I kind of accepted that fact already.

Pero… bakit may bahagi ng puso ko ang parang gustong tumanggi sa isiping iyon? That somewhere in my heart, there was an even more reason for him to do all these…

A reason that I guessed I knew but hasn’t fully acknowledged it yet.

“Listen to this.” Iyon ang narinig ko mula kay Brent na nagpabalik ng isipan ko sa realidad.

At sa pagkabigla ko, parang nakaramdam pa ako ng paghihirap sa paghinga nang namalayan ko na lang na inilapit na pala ng mokong na ‘to ang mukha nito sa akin. Before I knew it, I just found myself wearing earphones from his IPod.

[Now playing “When Love Finds You” by Vince Gill]

** Love sure is something no one can explain
It can bring you such joy, it can bring you pain
And with every emotion, love puts us through
There's nothing you can say, when love finds you**

Pumailanlang sa tainga ko ang kantang gusto nitong iparinig sa akin. I thought at first that it was ballad. But as I listened further, country song pala iyon na may beat na kailangan namin para sa waltz.

And I had to be honest, it was a beautiful song.

** Love is the power that makes your heart beat
It can make you move mountains, make you drop to your knees
When it finally hits you, you won't know what to do
There's nothin' you can say, when love finds you**

Pumikit ako habang pinapakinggan ko ang kantang iyon. Ginawa ko iyon sa dalawang dahilan.

Una, gusto kong namnamin ang pakikinig sa kanta. Gusto kong maintindihan ang lyrics na kasabay ng music na iyon.

At pangalawa, ayokong tingnan si Brent na alam kong matamang tumititig sa akin hanggang sa mga sandaling iyon. How did I know that? I could feel it as if he was boring a hole into my soul. Seriously, bakit kailangang tingnan ako ng lalaking ito nang ganoon? Hindi ba nito alam na nakakailang iyon?

** Give it all you can give it, when your love comes around
If you put your heart in it, then it won't let you down
You'll find out it's true, baby, someday when love finds you**

But then, I stopped listening after that part. Agad ko nang tinanggal sa tainga ko ang earphones na isinalpak na lang basta ni Brent doon. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Gusto lang naman nitong iparinig ang kantang iyon, ‘di ba? Besides, it does have the beat we needed for the waltz.

Pero bakit iba ang nararamdaman ko? What exactly does he want me to learn from this song? It was like… he was saying I hadn't actually found the one love I'd been trying hard to look for.

“O, bakit? Okay ba?” tanong ni Brent sa akin in a childishly hopeful tone – at least childish in my perception.

Wait… Was there even a description like that?

Pero isang tango lang ang tugon ko. Ewan. Parang nawalan ako ng tinig na hindi ko maintindihan.

Brent smiled wildly after that. Mukhang nagustuhan yata nito ang naging sagot ko. Tumango lang naman ako, ah.

“Ito na lang ang gamitin natin sa practicum.” Hanggang sa napansin niyang tila unti-unting naglaho ang ngiti sa labi nito nang iabot ko na rito ang earphones nito. Saka ito tumingin sa akin. “Magsalita ka naman. Mapapanisan ka ng laway sa ginagawa mo, eh.”

Ako naman ang napanguso nang wala sa oras. “Kung magsasalita ako, ang dami mong reklamo. Ngayon namang tahimik ako, may reklamo ka pa rin. Saan ko kaya ilalagay ang sarili ko, ha?”

“Eh ‘di sa gitna,” pamimilosopo nito.

Ngali-ngaling upakan ko ‘tong buwisit na ‘to, eh.

Pero hinga, Relaina… Remember the truce. Pagtiisan mo na lang ang kinaaasaran mo. Tutal, ilang araw na lang naman…

Or at least iyon ang gusto kong sabihin sa sarili ko. Ilang araw na lang pala, ‘no? Magtatapos din ang lahat ng ito.

“Come on. Let’s continue para matapos na tayo ng mas maaga,” yaya ni Brent sa akin.

Ilang sandali ko rin itong tinitigan na alam kong ipinagtaka rin nito. Pero hindi na lang ito nagkomento roon. Instead, he just beckoned me to take his hand.

Isinantabi ko na lang muna ang kung anumang isiping bumabagabag sa akin. Kailangang i-focus ko muna ang isipan ko sa mga importanteng bagay. Saka ko na aalalahanin ang iba pang bagay na magiging panggulo lang sa isipan ko.

I took his hand and we danced once more. Needless to say, that moment was surely stirring up a lot inside of me.

Ano na ba ‘tong nangyayari sa akin?

No comments:

Post a Comment