"SIGURADO ka ba na kaya mo pa? Parang pinapagod mo lang ang sarili mo sa wala, ah."
Pero tiningnan lang ni Lianne si Renz nang masama na tumawa lang bago niya ibinalik ang tingin sa binabasang report. Si Jian ang nagbigay niyon sa kanya at patungkol iyon sa ipinakiusap niya rito na dapat nitong imbestigahan. Hindi na siya nagulat nang makita ang nakasulat doon tungkol sa mastermind ng pagbaril kay Aeros mahigit isang buwan na ang nakakaraan.
Naroon siya sa mansyon nila sa Baguio. Doon siya pinapunta ni Riel matapos siyang ipagtabuyan ni Aeros. Bagaman naiintindihan niya kung bakit nito ginawa iyon, hindi pa rin maikakailang nasaktan siya sa sinabi nito. Iyon ang dahilan kung bakit kahit gusto na niyang ipaliwanag dito ang lahat, mas nangibabaw ang sakit na naramdaman niya kaya minabuti niyang iwan muna ito at mag-focus sa kailangan niyang gawin. Seriously, was she really that bad at explaining her point?
"Lianne, ipahinga mo muna 'yang sarili mo. Ilang araw ka nang walang matinong tulog." This time, may pag-aalala nang kakabit ang tinig ni Renz.
Pero umiling siya at saka bumuntong-hininga. "Magpapahinga lang ako kapag nahuli na ang babaeng 'yon," aniya na ang tinutukoy ay si Maricar.
Ngayon kasi ang araw na huhulihin na ng mga awtoridad si Maricar at ang mga kasabwat nito para pabagsakin si Aeros ang mga kompanyang hawak ng binata sa Esovia Corporation. Though Maricar's group doesn't have any relation to the people who was trying to take down the Monceda clan, Lianne still sought the help of her brother and a few of her clan's active members—including Jian—to finish her own mission. Tutal, ayaw naman siyang isabak ng kapatid niya sa pagtulong dito para matapos ang problema ng angkan nila. Kaya sa ibang bagay na lang niya itutuon ang atensyon niya.
"Iba na rin talaga ang nagagawa ng obsession, 'no? Kaya mo nang manakit ng tao at pumatay para lang mapasaiyo ang isang bagay na pinilipit mong ariin," iiling-iling na komento ni Renz kapagkuwan. "Well, in Maricar's case, it wasn't called obsession anymore. She was just plain insane. As for my cousin, he's just a jerk."
Kahit hindi maganda ang sinabi nito tungkol kay Aeros, hindi pa rin niya napigilang matawa. "Alam mo, pasalamat ka't wala ang pinsan mo rito. Malamang, kapag narinig niya 'yang sinabi mo, kanina ka pa niya binatukan."
"Hindi ka man lang nagagalit sa kanya? Ikaw na ang itinaboy niya, ikaw pa itong nagtatanggol sa kanya. Ganoon mo ba talaga siya kamahal?"
Hindi nga lang siya kaagad nakasagot. Pinag-iisipan niya kung bakit nga ba kahit itinaboy siya ni Aeros ay hindi pa rin niya makuhang magalit dito. He probably misunderstood something about what she said when she thought he was still sleeping. Idagdag pa na nakita siya nito kasama si Elias sa canteen ng building ng opisina niya. Kung hindi pa ikinuwento sa kanya ni Fatima ang tungkol doon, hindi niya ito magagawang intindihin. Isa pa iyon sa mga dapat niyang ipaliwanag kay Aeros kapag natapos na niya ang mga dapat niyang gawin at kapag kumalma na ito.
Pero malay ba niyang aabutin ng mahigit isang buwan ang imbestigasyon nila?
"Hay... Ang sama talaga ng tama mo sa pinsan ko, 'no?" ani Renz na pumutol sa pag-iisip ni Lianne.
"Parang sinabi mo na rin na masamang ma-in love sa pinsan mo, 'no?" Iyon yata ang bagay na ayaw niyang pagsisihan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay niya mula nang mamatay si Henry.
"Hindi naman sa ganoon. In fact, I'm glad that you fell in love with a good person. Pero hindi ko naman akalaing paiiralin ng sira-ulo kong pinsan ang kakitiran ng utak niya sa mali pang oras at lugar. Ayaw pang aminin kaagad na nasaktan siya sa narinig niyang sinabi mo at nagselos pa nang makita niya kayo ng singer na iyon na magkasama sa canteen."
"Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ni Aeros, na kung totoo ngang nagseselos siya kay Elias nang makita niya kaming magkasama, aamin ka ba kaagad?" naghahamong tanong niya rito.
"Oo naman," mabilis at proud pang sagot ni Renz na nagpapitlag sa kanya. "Para alam ng babaeng gusto ko na ayokong may ibang lalaking umaali-aligid sa kanya dahil ako lang ang nararapat na lalaking magmamahal sa kanya."
Napailing na lang siya. Hindi naman siguro nakuha ni Aeros ang pagiging possessive ni Renz, 'no? Well, assuming that what Renz told her about Aeros being hurt and jealous was the truth, how was she supposed to take that?
Bago pa mabigyan ng kasagutan ang tanong niyang iyon, nag-ring ang cellphone niya. "About time," mahinang aniya at itinapat ang cellphone sa kanyang tainga matapos buksan ang linya ng tawag na iyon.
= = = = = =
WALANG tigil sa pagkabog nang malakas ang puso ni Aeros nang payagan na siya ng guwardiyang nakatalaga sa gate na makapasok sa loob ng mansyon nina Riel. Dalawang araw matapos mahuli ng mga pulis sa wakas si Maricar, pati na rin ang mga kasamahan nito sa kasong attempted murder, theft, at fraud. Nagdesisyon siyang puntahan na si Lianne doon dahil mukhang wala pa itong planong bumalik sa trabaho nito.
Hindi pa naman kasi ito pumapasok sa opisina. At ang sabi sa kanya ni Fatima, ipinapadala lang nito sa mansyon ang reports at iba pang papeles na kailangang pag-aralan ni Lianne. Si Riel naman ang pumupunta sa meetings na kailangan ng personal appearance ni Lianne.
Nang maiparada na niya ang sasakyan sa bakanteng parking space doon at lumabas doon ay pinilit niyang palakasin ang kanyang loob bago naglakad patungo sa entrance ng mansyon. Pinindot niya ang doorbell. Hindi nagtagal ay bumukas ang malaking pinto ng mansyon at isang pamilyar na mukha ng lalaki ang bumungad sa kanya.
Si Elias Song—ang lalaking kasama ni Lianne sa canteen noong araw na mabaril siya. Ano'ng ginagawa nito roon? Tiyak niyang si Lianne ang binisita nito. Pero bakit? Pinigil niya ang namumuong inis sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Gusto niya itong komprontahin tungkol sa nakita niya sa canteen ng office building ni Lianne. Pero bago pa siya makapagsalita para magtanong ay inunahan na siya nito.
"Nasa garden si Lianne, may kausap sa cellphone niya. Puntahan mo na lang. Dumiretso ka lang sa hallway na iyon at kumaliwa ka," walang emosyong sabi ni Elias at itinuro ang direksyong tinutukoy nito.
Napatingin lang si Aeros dito, hindi maapuhap kung ano ang dapat na maging tugon doon. Kapagkuwan ay tumango siya. Niluwangan ni Elias ang pagkakabukas ng pinto at tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng mansyon. Nang pasadahan niya ng tingin ang paligid, napansin niya na bagaman may Japanese ancestry ang magkapatid na Willard, mas malaki ang bakas ng European influences sa mga gamit na nakikita niya sa mansyon na iyon.
Bago pa man siya tuluyang makapunta sa dapat niyang puntahan, naramdaman niyang ipinatong ni Elias ang kamay nito sa balikat niya. Napokus tuloy ang atensyon niya rito.
"Don't make my friend sad again, Aeros. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanya ang mawalan ng minamahal. I've seen her suffer because of it. Just don't ever leave her side. At sinisiguro ko sa 'yo na wala siyang ibang pag-aalayan ng puso niya kundi sa taong handa niyang ipaglaban hanggang kamatayan. Iyon rin ang patuloy na magsisilbing dahilan niya para bumalik nang buhay," ani Elias at lumabas na ng mansyon.
Hindi siya kaagad nakahuma dahil sa bilis ng pangyayari at dahil na rin sa mga sinabi nito. How come Elias knew his name? Naikuwento ba siya ni Lianne dito? At sa nakikita niya, mukhang aware din ito sa totoong pagkakakilanlan at kakayahan ng pamilya ni Lianne. Kahit papaano, tumatak sa isipan niya ang mga sinabi nito. Lalo na ang mga ipinakiusap nito.
Mukha ngang kailangan talaga niyang humingi ng tawad kay Lianne. Pambihira! Dahil lang sa maling pagkakaintindi sa mga sinabi ng dalaga at pati na rin sa selos na naramdaman niya nang magkamali siya ng akala sa relasyong meron sina Lianne at Elias, heto at nagdusa siya. Parusa na nga siguro iyon para sa sarili niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Aeros bago hinatak ang direksyong itinuro sa kanya ni Elias. Isang glass door ang sumalubong sa kanya nang kumaliwa siya gaya ng itinuro ni Elias. Pero kaagad siyang itinulos sa kinatatayuan nang makitang binuksan iyon ni Lianne at pumasok ito.
= = = = = =
OKAY, this had to be a dream.
At least, iyon ang gustong ipilit na isiksik ni Lianne sa kanyang isipan nang sumalubong sa kanya pagpasok sa mansyon ni Aeros. Tila naestatwa ito sa kinatatayuan pagkakita sa kanya. Teka, ano'ng ginagawa nito sa lugar na iyon? At paano nito nalaman na naroon siya?
"Umm..." Urgh! This is crazy! Why can't I even say anything? Nagwawala na lang siya sa kanyang isipan imbes na lapitan na si Aeros at kausapin ito gaya ng madalas niyang sabihin sa sarili kapag nagkita na silang muli ng binata.
Ilang sandali rin niyang pilit na pinakalma ang makulit niyang puso bago hinarap si Aeros. Pero sa pagbuka pa lang ng bibig niya ay nagulat siya nang humakbang ito palapit sa kanya. Inilang hakbang lang nito ang distansya nilang dalawa. Hindi na siya nakahuma nang kunin nito ang kamay niya at hilain siya palapit dito.
"A-Aeros..." tanging nasabi niya nang makita ang sariling mahigpit na niyayakap ng binata. Sumasabay sa malakas na kabog ng kanyang dibdib ang nararamdaman niyang bilis ng tibok ng puso nito. Ramdam din niya sa higpit ng yakap nito na para bang takot itong pakawalan siya.
"I'm sorry, Lianne. I'm sorry for pushing you away," puno ng pagsisisi na paghingi ng tawad ni Aeros. Inusal nito iyon sa tapat ng tainga niya.
Naghatid iyon ng kakaibang kilabot sa kanya. Agad ding napalitan ng kakaibang init at tuwa iyon nang maramdaman ang masuyong paghalik nito sa buhok niya at maging sa kanyang noo. Kapagkuwan ay dumistansya ito sa kanya nang bahagya.
"Mapapatawad mo ba ako?" may pag-aasam na tanong ng binata. Mababakas din sa tinig nito ang takot na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Napangiti na lang siya at umiling. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng disappointment at lungkot sa mukha nito. Naku po! Mukhang nagkamali na naman ito ng pagkakaintindi sa ginawa niya.
"Kahit naman siguro ilang beses mo akong itaboy, hindi pa rin ako mawawala sa buhay mo, 'no?" maagap na sabi niya bago pa ito gumawa ng kung ano na magpapahiwatig na nagkamali nga ito ng pagkakaintindi sa ginawa niyang pag-iling. "At saka alam ko namang may topak ka lang, eh. Well, it came late to me as to why you decided something like that. Pero inintindi na lang kita dahil iyon ang tama at alam kong iyon ang kailangan mo. Isa pa, may mali rin naman ako. Hindi ko ipinaliwanag kaagad ang ibig sabihin ng mga sinabi ko sa iyo." Hinawakan niya ang braso nitong bahagyang nakapulupot sa kanya.
How she really loved being enveloped in his arms like that. Ilang beses lang siyang niyakap nito mula nang magkakilala sila. Pero sa pakiramdam niya, ayaw na niyang mawalay pa rito. Oo, sigurado na siya sa nararamdaman niyang iyon ngayong nakita na niyang muli si Aeros.
"Gusto ko pa ring humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa 'yo nang araw na iyon. After all that you did to be with me and make sure I make it out alive, iyon pa ang nasabi ko sa 'yo. I was... just hurt when I heard what you said that day," mahinang pag-amin ni Aeros na ikinakunot ng noo niya.
"Hurt? Bakit naman?" So tama pala ang hinala niya na narinig nito ang sinabi niya rito habang inaakala niyang wala pa itong malay.
Ilang sandaling tinitigan siya ng binata na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. It was like that each time he would look at her like that, anyway. Somehow, she was trying her best to get used to it. Kahit alam niyang medyo mahirap gawin iyon.
"Sinabi mo kasi na... mas gugustuhin mo pang pigilan ang sarili mo na mahalin ako kapag pinapili ka kung ang pag-ibig o pamumuhay nang mag-isa. Sinabi mo na iyon ang gagawin mo kung iyon ang paraan para maprotektahan ako. Hindi ko lang magawang matanggap na... kaya mo palang isantabi ang nararamdaman mo nang ganoon-ganoon lang para lang protektahan ang taong importante sa 'yo. I don't want you to do that, Lianne. Kahit alam kong mahirap, gusto kong manatili ka sa tabi ko. Sa buhay ko. I don't need anyone's protection if it means losing sight of the only person who made me love again after all the hurt I've been through," mahabang sagot ni Aeros na hindi inaalis ang matamang tingin sa kanya.
Pero sa dinami-dami ng sinabi nito sa kanya, may isa na tumatak sa kanyang isipan. "G-gusto mong... manatili ako sa buhay mo? Ako ba ang... tinutukoy mo na tumulong sa 'yo na muling magmahal?" Wait. May kulang sa tanong niya. Or rather, may iba pa siyang gustong malaman mula rito. Tama ba ang hinala niya? Tama kaya si Renz sa sinabi nito sa kanya noon?
Wala naman sigurong masama kung umasa siya, 'di ba? After all, this man had truly invaded her mind even before she knew his name. At nang magkaroon na sila ng pagkakataon para magkakilala, ang puso naman niya ang unti-unti na nitong nasakop at huli na nang namalayan niya iyon. Kailan man ay hindi niya magagawang pagsisihan iyon.
"Wala nang iba, Lianne. Ikaw ang gusto kong tumupad sa mga pangarap sa mga nasira kong pangarap noon para sa amin ni Maricar. Ayokong manatiling isang bangungot ang hiling ko simula pa noon na magmahal nang totoo at manatili sa piling ng taong pinili ng puso ko na makasama sa habang-panahon. Sinasabi ko ito hindi dahil ginagamit kitang panakip-butas o kung ano pa man. Sa 'yo ko lang nakita ang sarili ko na hindi mapapagod magmahal at kasama kong bubuo ng isang pamilyang mamahalin nating dalawa," madamdaming saad ni Aeros.
Lianne's heart swelled in overwhelming happiness because of that despite the initial shock. Higit pa iyon sa naramdaman niyang kasiyahan nang yayain siya ni Henry na magpakasal noon. Ibang lalaki na ngayon ang humihiling na manatili siya sa tabi nito. Hindi pa man diretsahang sinasabi sa kanya, pero kung aanalisahin ang naging pahayag ni Aeros, isang bagay lang ang napagtanto niya.
Mahal siya ni Aeros!
"I love you, Lianne. I guess I did ever since I found out your name from Riel that April 23. 'Kita mo naman, ginamit ko pang password sa cellphone ko ang date na iyon. Ganoon kaimportante sa akin iyon. Hindi man tayo nagkakausap, walang araw na hindi ko hiniling na sana, dumating ang pagkakataong makilala na kita. Wala akong pakialam sa kahit na anong pamilyang pinagmulan mo. Wala akong pakialam sa gulong posibleng sumira sa lahat ng pinaghirapan ng pamilya mo. Ang nasa isip ko lang, kahit na ano'ng mangyari, gusto kong manatili sa tabi mo. Hinding-hindi na kita iiwan," dagdag pa nito.
That did it. Hinayaan na ni Lianne na umagos ang kanina pa niya pinipigilang pagluha. Siya na ang yumakap kay Aeros nang mahigpit na nagsara sa bahagyang distansya na meron sila. Hindi nagtagal ay ginantihan nito ang yakap niyang iyon nang kasinghigpit at hinalikan ang kanyang buhok. The gesture was a chaste one but it surely sent indescribable warmth to her whole being. It was amazing!
"Pambihira ka naman! Pinatagal mo pa talaga ang katigasan ng ulo mo ng isang buwan bago mo sinabi sa akin iyan," reklamo niya at hinampas sa dibdib si Aeros. Mukha namang hindi malakas ang pagkakapalo niya dahil tinawanan lang siya nito. Napangiti na lang siya. "Kung hinayaan mo na lang sana akong magpaliwanag nang araw na 'yon at kung tinanong mo lang sana ako tungkol sa ibig sabihin ng sinabi ko, hindi na sana tayo umabot sa ganito."
"I know. I'm sorry for that. Nasaktan kasi ako, eh. At saka... nagselos din sa singer na kasama mo. Ang saya-saya n'yo pang nag-uusap nang araw na makita ko kayo mula sa labas ng canteen ng office building mo."
Ang cute pala ni Aeros kapag nagseselos. Gusto tuloy niyang kurutin ang pisngi nito. Pero sa halip ay hinawakan lang niya ang magkabilang bahagi niyon at tinitigan ito sa parehong paraan kung paano siya tingnan nito—puno ng intensidad at pagmamahal.
"Ikaw ang mahal ko, okay? Mula pa noong makita kita sa restaurant ni Kuya. Kahit hindi tayo nagkakausap nang mga panahong iyon, alam kong nagkaroon ka na ng puwang sa puso ko. Lumago iyon nang magkalapit tayo, sinadya man o tadhana na ang may kagagawan. At ikaw rin ang sumira sa prinsipyo ko na mas pipiliin ko pa ang mag-isa kaysa ang magmahal at makasama ang taong iyon na pinili ng puso ko. As for Elias, he's a family friend who happened to be just like you were before—someone who's heart was terribly broken and having a hard time to move on. Gusto ko siyang tulungan kaya madalas kaming magkasama. At ang publishing company na pinamamahalaan ko ang madalas niyang pagtambayan dahil malaya siya sa lugar na iyon. Walang reporters o kung sino mang paparazzi at journalists na puwedeng manggulo sa kanya. Alam ni Renz ang lahat ng iyon. The three of us went to the same high school together before. Okay na ba 'yon bilang paliwanag ko? Klaro na ba ang lahat sa 'yo?"
Tumango lang si Aeros at hinawakan ang mga palad niyang nakapatong sa mga pisngi nito. Pinagdikit nito iyon at parehong dinampian ng masuyong halik. She felt butterflies flutter in her stomach because of that and all she could do was to smile gratefully. Bago pa siya makapagsalitang muli, mariin nang inilapat na ni Aeros ang mga labi nito sa labi niya. Namalayan na lang niya ang sarili na mainit na tinutugon ang halik nito kasabay ng paghapit nito sa baywang niya.
It was their second kiss ever since they began talking to each other. But it felt so much more that Lianne couldn't even fathom as to how she found herself doing this with him. Pinatunayan lang ng halik na iyon kung gaano siya nangulila kay Aeros at talaga namang hindi na niya kakayanin pang mabuhay nang wala ito sa buhay niya.
Pareho silang habol ang hininga nang matapos ang halik na pinagsaluhan nito at saka pinagdikit ni Aeros ang mga noo nila. Bahagya lang ang distansya ng mga labi nila at nakatingin lang sila sa isa't-isa. Kapagkuwan ay pareho silang napangiti.
"Will you marry me, then?" tanong ni Aeros matapos ang ilang sandali.
"Marry you agad? Magpaalam ka muna kay Kuya."
"He already knows. Even before his birthday," nakangising sabi nito na ikinagulat niya.
Pero tinatawanan na lang niya iyon mayamaya. "Talaga ngang ibinubugaw na ako sa 'yo ni Kuya." Sumeryoso siya at hinarap si Aeros. "But if I agree to marry you, I can't prevent you from getting caught up in my family's battles. At hindi iyon mga simpleng laban lang na maidadaan sa korte o negosasyon. They're the kinds of battle where you have to put your life on the line to protect everything—literally."
"Sinabi ko na kanina, 'di ba? Wala akong pakialam doon. Aware na ako sa bagay na iyon mula nang balaan ako ni Riel na huwag munang makipag-communicate sa inyo. But I'm still asking you to marry me because I want to stay by your side. Hindi kita iiwan at hindi kita hahayaang lumaban nang mag-isa kahit na ano ang mangyari."
How could such a man be so understanding and stubborn at the same time in her situation? Kung ibang tao siguro iyon, malamang agad nang natakot at iniwan siya. Napakasuwerte talaga niya sa lalaking ito.
"Siguro naman, puwede mo nang tanggapin ang proposal ko."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at niyakap ito nang mahigpit. Maluwang siyang napangiti sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ngayon. Pareho silang nasaktan nang mawalan ng minamahal kahit na sa magkaibang paraan pa naganap ang mga iyon. Ang kagustuhang paghilumin ang naiwang sugat niyon sa kanilang mga puso ang nagsilbing daan para magkalapit sila. Tadhana na nga siguro ang gumawa ng paraan at nagpatuloy na tulungan sila para mapagtanto nila ang kanilang tagong damdamin para sa isa't-isa.
Hindi siya alam. Pero ang isang bagay na sigurado siya, marami pa ang puwedeng mangyari sa kanilang dalawa ni Aeros sa mga darating na araw. Kung ano man iyon, panghahawakan ni Lianne ang ipinangako ni Aeros na mananatili ito sa tabi niya kahit na ano ang mangyari. Gaya ng ipinangako niya rito.
Ilang sandali pa ay muli siyang hinagkan ni Aeros na buong-puso niyang tinugon. She guessed choosing to love this man over living alone wasn't a bad thing, after all. It gave them more reason to heal each other's broken hearts. Now she knew she would never regret her choice.
-WAKAS-
No comments:
Post a Comment