Sunday, May 21, 2017

Yuna's Tulip: Believe In Me - Story Description

Story of Yunara Limietta and Jerricko Arilla

ーーーーーー

Trust—ito ang isang bagay na hindi na madali para kay Yuna na ibigay sa kahit kanino. Lalo na sa isang lalaki. She already lost that ability a long time ago. Kaya naman sanay na siyang laging mag-isa, walang ibang inaasahan kundi ang sarili at mga piling tao lang, at hindi na umaasa pa na pagbubuksan siya ng pintuan ng pag-ibig. Wala na siyang aasahan pang lalaking mag-aabang sa kanya sa pagbubukas ng pintong iyon.

And maybe that's why she was unaware of one guy's advances to her. That is, until that guy named Jerricko did more than rescue her from her worst nightmare. Pagkatapos niyon, kahit ayaw niya, unti-unti siyang nagkakaroon ng dahilan na umasang bibigyan siya ng pagkakataon ng pag-ibig na mapagbuksan ng pinto niyon at hayaan siyang makapasok. Hindi niya iyon napigilan hanggang sa huli.

Okay na sana ang lahat. Pero dumating ang pagkakataong nalaman niyang hindi siya kailanman magiging karapat-dapat sa inaalay nitong pag-ibig para sa kanya.

Not when she knew she would always be broken and not even the love that Jerricko was giving her would be enough to fix the damage she has...

No comments:

Post a Comment