Tuesday, December 26, 2017

the last sky of the earth 32 - tears in the rain

At that moment, it was raining. Ang weird lang.

At the very least, iyon ang naiisip ni Reiko Kirisaki habang hinihintay ang kaibigan niyang si Seiichi Yasuhara mula sa pagdya-jogging nito. The guy didn't even inform her that he would be going out. Pero ano ba naman ang karapatan niyang mag-usisa? She was just his friend. And she only treated him as her brother.

Pero siyempre, hindi pa rin maikakaila ni Reiko na nag-aalala siya. Seiichi didn't even bring an umbrella, though she knew it would be weird for him to do so while jogging.

"Nasaan na kaya siya?" Iyon ang paulit-ulit na tanong ni Reiko habang hindi mapakaling nag-aabang sa labas ng bahay ni Seiichi. Ugali na niyang maghintay roon kapag hindi na niya naaabutan ang binata sa bahay nito.

Tuesday, December 19, 2017

the last sky of the earth 31 - when fate decides

Hearing about the story with regards to the Swords of Ascension had only brought more headache to Kourin, if she were to be honest. Then again, it was always like that whenever she would come to learn more about aspects and stories of her family that she never knew all this time. Seriously, there was only one person at the moment that she wanted to blame for that.

Walang iba kundi si Hitoshi. Oo nga't may mga itinago rin sa kanya ang mga magulang niya. Pero para sa kanya, si Hitoshi ang mas maraming hindi sinasabi sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Even with that, there was no way at this point that she'd be able to realize the truth from him. Her brother was already murdered because of the secrets that he had hidden from a lot of people. Ito lang ang may hawak ng sagot sa mga tanong na meron siya sa mga sandaling iyon. At dinala na ng kapatid ang mga iyon sa libingan.

One other issue that gave Kourin a headache was the person she saw at the park. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkukrus ng ganoon ang landas nila ni Seiichi. Gusto niyang isiping nag-hallucinate lang siya nang magkatinginan sila nito. But those stares they got to exchange in that short moment had only given her a reason that it was real. And unfortunately, that reality had only given her a reason to create a decision enough to hurt her so much at the moment.

Hating-gabi na. Pero kahit okay lang at wala naman siyang pasok kinabukasan, gusto pa rin ni Kourin na matulog para kalimutan ang sakit na idinulot ng naging desisyon niya. She chose to turn her back on him and freeze her heart in order not to feel the hurt that she knew would cripple her.

Tuesday, December 12, 2017

the last sky of the earth 30 - ascension keys

ENDING up in a location where Kourin had almost lost her life (again) was probably something that she had considered insane. Pero may dahilan siya kung bakit naisipan niyang magtungo sa bahaging iyon ng park. Though she wanted to investigate, she knew that somehow, it was futile.

Kung tama ang hinala nilang lahat na ang kalaban nila ang may pakana ng pag-atake sa kanya nang ilang beses, mukhang kailangan na talaga nilang paghandaan ang posibilidad ng isang napakalaking laban. That means she had to speed up the progress of her own mission, as well.

Nagpatuloy na lang muna sa paglalakad sa park si Kourin habang nag-iisip ng mga posibleng paraan para magawa niya nang maayos ― at mabilis ― ang kailangan niyang gawin. But just as she was about to change her direction, she halted to a stop at the sight of someone just a few yards away from where she was currently standing.

Tulad ni Kourin, agad ding natigilan at nanlaki ang mga mata ng lalaking iyon. It was the guy that she possibly thought was Seiichi Yasuhara ― her dead brother's best friend. Pero sa klase ng reaksyon nito sa pagkakakita sa kanya, hindi lang yata isang posibilidad ang isiping iyon.

Tuesday, December 5, 2017

the last sky of the earth 29 - knight's scene: dangerous flower

"Aya! Ano'ng ginagawa mo rito?"

Iyon na lang ang nagawang itanong ni Yasha sa kawalan ng matinong sasabihin sa pagdating ni Aya. Nginitian lang siya ng babae at pinapasok na lang niya ito.

Hindi na nagtataka si Yasha nang makitang naroon na ito sa harap ng kanyang silid. Kilala na kasi ng lolo't lola niya si Aya dahil madalas itong bumisita sa kanila kahit noong bago mawala ang ilang bahagi ng kanyang alaala. Matagal na niya itong kaibigan. Nakilala niya ito sa isang traditional music concert na ginawa rito sa Pilipinas kung saan isa siya sa mga inimbitahang manood niyon.

Nginitian lang ni Aya si Yasha at tumuloy na sa pagpasok sa kuwarto niya. Napansin pa niya na tila natigilan ito nang makita si Raiden.