1. Hilig kong takpan ang kahit na anong sinusulat ko ng kamay ko. Alam mo 'yong feeling na may mangongopya ng sagot mo kapag may quiz o test at ginagamit mo ang kamay mo para takpan ang mga sagot mo? Ganoon. Minsan na ring nasabi ng Mama ko na weird nga iyon. ðð
2. Gusto kong natutulog ng nakatagilid lang at fetal position pa kahit na ano pa ang panahon.
3. Super Sentai fan since 2012. Starting to become a Kamen Rider fan since 2018. Ito ang rason kung bakit hindi ako nahihilig sa mga K-Drama kasi mas gusto ko pang panoorin ang mga ito.
4. Because of Fact # 3 kaya mas marami akong crush na Japanese celebrities kaysa Korean. Probably one other reason kung bakit mas madalas sa hindi, feeling ko isolated ako sa FB. Hehe!
5. Gusto kong pinagsusulatan ng mga story drafts ko ang mga scrap papers (hand-outs, books na x-in-erox lang at hindi na gagamitin, natirang notebook pages na hindi nasulatan) and cutting it to a designated writable size.
6. Mas gusto kong maglakad mula bahay hanggang town kahit may jeep namang puwedeng sakyan. Eh 35-45 minutes ding lakaran iyon compared to 10-15 minutes kapag sumakay ng jeep.
7. Hanggang ngayon, may mga pagkakataon na napapaiyak pa rin ako sa kantang "How Can I Not Love You?" Hindi ko pa rin alam kung bakit.
8. Anim na lengguwahe ng mga kanta ang nasa SD card ko. Filipino, English, Korean, Japanese, Chinese, at Thai. Karamihan, ballad at old songs dahil iyon ang mas gusto kong pakinggan, sa totoo lang.
9. I'm a reader, but not a voracious one. Pero kapag may nagustuhan talaga ako, uulit-ulitin ko ng basa iyon. Walang sawa, kahit malapit na yatang mabura ang mga nakasulat doon. ðð
10. Mabigat ang kamay ko kahit pabiro. Kaya sorry sa mga nasasapak ko noon kahit pabiro o kung nagkakatuwaan na at nahahampas ko nang 'di ko namamalayan.
11. Hindi ako marunong lumangoy pero gusto ko talagang magbabad sa dagat.
12. 2018 lang akong nahilig na mag-selfie dahil noon, talagang masasabi kong once in a blue moon lang akong mag-picture sa sarili ko.
13. Wala pa akong nakikitang multo sa tanang buhay ko, samantalang ang mga kasama ko sa bahay, may mga nakita na. Marami na nga, eh. At hindi ko na pinangarap na makakita ng kahit na isa. ðð
14. NBSB — certified 'yan hanggang ngayon na 27 na ako. Teka, weird bang maikokonsidera iyon?
15. Hindi ako mahilig magbasa ng erotic stories sa edad kong ito. Dadalawa pa nga lang ang naisusulat ko na may BS, eh. I tried reading Crossfire series by Sylvia Day. Natapos ko naman, kahit papaano. But after that, hindi na nasundan. Hehe! Balik adventure, historical fiction at fantasy ang mga genres na binasa ko pagkatapos n'on.