SA BUONG durasyon ng pagbabantay ni Shigeru ay hindi niya inaalis ang tingin sa magkasamang sina Kourin at Seiichi. Sa pagtataka niya ay hindi sa mall nagtungo ang dalawa para mamasyal kundi sa isang park na 'di masyadong napupuntahan ng kahit na sino. At iyon ang medyo delikado. Madali lang para sa mga kalaban na patumbahin ang prinsesa at ang kaibigan ni Hitoshi.
Naalala ni Shigeru ang naging pag-uusap nila ni Mari sa mansyon patungkol kay Seiichi. Aminado siya na hanggang sa mga sandaling iyon ay palaisipan pa rin sa kanya ang tunay na kaugnayan ni Seiichi sa namatay na prinsepe ng Shinomiya clan. Sigurado siya na hindi lang isang simpleng pagkakaibigan ang dahilan ni Hitoshi para makipaglapit dito.
Pero bago pa man makapag-isip ng mga posibleng sagot sa namumuong mga tanong sa isipan ni Shigeru, agad niyang inalerto ang sarili nang may mapansin sa paligid. May isang lalaking kanina pa niya napupunang pabalik-balik malapit sa kinapupuwestuhan nina Kourin at Seiichi.
Hanggang sa isang realisasyon ang tumama kay Shigeru.
"That guy... It can't be...!" usal ni Shigeru nang tuluyang rumehistro sa kanya ang posibleng sitwasyon.
Hinanap ng mga mata ni Shigeru ang kinapupuwestuhan ng ilan sa mga nagbabantay kina Kourin at Seiichi nang palihim. Alam niya na bukod sa kanya ay nagtatalaga pa ang ibang clan leaders ng mga magbabantay sa prinsesa ng Shinomiya clan. At hindi siya nagkamali.
Ilan sa mga nakita ni Shigeru ay sina Tetsuya, Takeru, Shuichi, at Akira. Sa pasimpleng paraan ay nagawa niyang senyasan ang apat na ito patungkol sa lalaking kanina pa niya nakikitang umaaligid kina Kourin at Seiichi. Pero bago pa man makakilos ang mga sinenyasang kasama ay nakarinig na siya ng putok ng baril. Naalerto silang lahat dahil kahit may kalayuan iyon sa dalawa, sapat naman iyon para makitang kumilos ang taong kanina pa niya minamatyagan.
At ang kilos na ginagawa nito--ang paglapit kina Kourin at Seiichi habang inilalabas ang isang baril mula sa likuran nito. Hindi na nagdalawang-isip si Shigeru na ilabas ang dalang baril na may nakakabit na silencer at dalawang beses na pinaputukan ang target niya. Hindi na siya nagulat na nailagan ng taong iyon ang naunang bala na para bang inasahan na nito iyon, ngunit hindi ang pangalawa. Tumama ang ikalawang bala sa kaliwang binti ng taong iyon.
Mukhang nakatunog na si Kourin sa gulong parating kung ibabase ni Shigeru sa pasimpleng pag-ikot nito ng tingin sa paligid. 'Di nagtagal ay napansin na siya ng dalaga. Isang tango lang ang ibinigay nitong tugon sa kanya. Sapat na iyon bilang isang mensahe. Alam na niya ang dapat na gawin.
Muling tiningnan ni Shigeru ang taong pinaputukan niya ng baril kanina. Pero laking-gulat niya nang makitang nakatakbo na ito palayo sa lugar. Hindi pupuwede! Kailangang maabutan niya ito. Kailangan na niyang gumawa ng hakbang para matapos ang isa sa mga sagabal sa kanilang lahat na kabilang sa Shrouded Flowers. And if it meant killing those who would stand in their way...
...then he'd do it!
'Di nagtagal ay naabutan na ni Shigeru ang target niya. Pasakay na ito sa isang itim na kotseng nakaparada sa isang tabi 'di kalayuan sa lokasyon nina Kourin at Seiichi. Natanggal na nito ang hood ng suot na jacket kaya agad na niyang nakilala kung sino iyon. At hindi nga siya nagkamali.
'Oceanus!' Sinasabi na nga ba niya. At tama nga ang hinala ni Mari sa plano ng demonyong ito.
Muling hinugot ni Shigeru ang baril sa kanyang likod para muli sanang paputukan si Oceanus at nang hindi na ito makatakas pa. Pero bago pa niya maisagawa ang plano ay nakaramdam siya ng matinding pagsigid ng sakit sa kaliwang balikat niya kasabay ng pagtumba niya. His eyes widened at the sight of his bleeding shoulder. When he eyed his surroundings, he cursed as he gritted his teeth in anger upon seeing Oceanus starting to get away using his car.
Mukhang pinaghandaan pa talaga ng mga kasama nito ang pagbabantay na gagawin nila ng mga kasama niya. Kaagad siyang tumayo at tinangkang sundan si Oceanus pero napatigil siya nang biglang may maalala. His car was parked on the other side of the park. Paano pa niya mahahabol ito ngayon?
"Get in!" narinig ni Shigeru na sigaw ng isang pamilyar na tinig.
Nakita niya ang isang motorsiklo na tumigil 'di kalayuan sa kinatatayuan niya. Hindi na siya nagulat nang makita si Chrono at itinapon sa kanya ang kaaalis na helmet nito sa ulo. Agad naman niyang nasalo iyon.
"What are you doing here?"
"Finish that demon first. I'll answer your question later. Right now, I have to deal with Apollo." Iyon lang ang sinabi nito at iniwan na sa pangangalaga niya ang motorsiklo nito.
Napailing na lang na sinunod ni Shigeru ang gusto ni Chrono. May trabaho pa siyang kailangang tapusin. Iyon muna ang dapat niyang pagtuunan ng pansin sa ngayon.
'Di nagtagal ay nagawa na niyang mahabol ang sasakyang gamit ni Oceanus para tumakas. Hindi niya alintana ang patuloy sa sumisigid na sakit sa balikat pinatamaan ng bala. Magagawa pa niyang magamot iyon. Muli ay inilabas niya ang dalang baril at pinaputulan ang side window ng driver's side ng sasakyan. Mukhang hindi bulletproof ang mga salamin ng sasakyan dahil nakita niyang tumagos doon ang balang galing sa baril na gamit niya. Hindi pa nga lang niya magawang patamaan si Oceanus dahil bukod sa nakakaiwas ito sa mga balang ipinapaputok ng kanyang baril niya, nagagawa rin nitong pabilisin pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
And Shigeru was not an idiot to know that Oceanus was driving the car beyond the speed limit. 'So it's a do or die, then.' He knew he would be risking a lot just for him to end the life of this demon. Pero sapat naman na siguro ang ilang taong pagdurusa, hindi lang ng kanyang pamilya kundi pati na rin ng mga kasamahan niya, dahil sa mga demonyong tulad ng Oceanus na ito. Pinabilis na rin niya ang pagpapatakbo ng motorsiklo ni Chrono.
Gusto sana niyang matawa dahil tiyak na malalagot siya kay Chrono kapag nasira niya ang isa sa mga paborito nitong motorsiklo. Pero saka na niya pagtutuunan ng pansin ang magiging reaksyon ng kanyang kasamahan.
Nagawa nang maabutan ni Shigeru ang sasakyan ni Oceanus sa kabila ng napakabilis na pagpapatakbong ginagawa nito. As soon as he managed to reach the driver's side of the car, he brought out another gun--this time, the one concealed on his ankle. But he didn't shoot it towards the driver. What he did was to shoot the two wheels on the left side of the car, sending it to a sudden screech and spin. Agad siyang nakalayo sa sasakyan nang mag-umpisa na itong mawalan ng kontrol. Pero malabong ito ang papatay kay Oceanus.
Nakumpirma ni Shigeru na tama ang hinala niya nag bumangga ang kotse sa isang malapit na poste. Mula sa posisyon niya ay nag-uumpisa na niyang makita ang tumatagas na gasolina. Wala pa siyang nakikitang lumalabas mula sa sasakyan pero hindi ibig sabihin niyon ay patay na si Oceanus. Nanatili lang siyang pinapanood ang mga nagaganap hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang pagbaba ng bintana sa driver's side.
Agad na pinaandar ni Shigeru ang motorsiklo nang makumpirmang may itinutok nang baril sa direksyon niya si Oceanus. Sunud-sunod itong nagpaputok sa kanyang direksyon sa kabila ng mabilis na pagpapatakbo niya sa motorsiklo. Pero kahit anong iwas niya ay nagawa pa ring paputukan nito ang kanang hita niya, dahilan upang ma-distract siya na sanhi ng pagsigid ng matinding sakit.
Kasabay niyon ay ang pagtilapon ni Shigeru mula sa motorsiklo. Ilang sandali din siyang nagpagulong-gulong sa sementadong daan at sa kabila ng sakit ay pinilit pa rin niyang bumangon para tingnan si Oceanus. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya at nakatutok ang baril na hawak nito sa kanya. Nagtataka siya kung bakit kahit alam na siguro nito na may tumatagas ng gasolina mula sa sasakyan ay hindi pa rin ito umaalis doon.
Until Shigeru noticed the wreck in front of the car. Matindi ang pagkakayupi niyon at kung hindi siya nagkakamali, iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin umaalis doon si Oceanus. Mukhang naipit ang paa nito sa pagkakayupi ng sasakyan nito. When he looked at Oceanus, he seemed to be mouthing some words that registered in his mind soon after.
'It's over.'
That was the final spark that triggered Shigeru to get up and pull out a reserved gun from his back. Hindi na niya alintana ang matinding sakit na patuloy na sumisigid sa kanyang hita. Nang makatiyempo ay agad niyang pinaputok ang kanyang baril ng dalawang beses. Parehong tumama iyon sa target niya. Ang una ay sa baril na hawak ni Oceanus, dahilan upang mabitawan nito iyon. At ang ikalawa ay sa pagitan ng mga mata ni Oceanus.
It was only then that Shigeru was able to breathe out a sigh of relief, followed by gritting his teeth because of another surge of pain. Tuluyan siyang napaluhod dahil sa sakit at muling tiningnan ang ngayon ay wala nang buhay na si Oceanus. Nanatiling dilat ang mga mata nito kahit patay na. nang mga sandaling iyon ay rumagasa ang iba't-ibang alaala sa kanyang isipan patungkol sa gabing napatay ang kanyang ama--si Hisato Miyuzaki na dating leader ng Miyuzaki clan limang taon na ang nakakaraan.
Naputol lang ang pag-iisip ni Shigeru nang may maramdaman siyang kakaiba. And it was a foreboding feeling, to add. Nang mapatingin siya sa isang tabi ay napansin niya ang isang gray na van. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pasimpleng pagputok ng kung sino man sa loob ng sasakyan ng isang sniper's rifle na puwedeng gamitin kapag may kaliitan ang distansya ng target mula sa puwesto ng gunner. Bago pa man siya makahuma ay nakarinig na siya ng isang malakas na putok, tanda na pinaputok na nito ang rifle sa target--na nagkataong sasakyan ng patay nang si Oceanus.
That one shot was all that it took to blow up the gasoline-leaking car. Hindi na nag-iwas ng tingin si Shigeru mula sa nagliliyab na sasakyan. 'So this is how they're playing this game now...' sabi na lang niya sa isip at pinilit tumayo para pagmasdan ang mga pangyayari.
One of the Dark Rose Agency's 27 confirmed survivors from the Shinomiya mansion attack two years ago was now dead. Killed by the Death Stalker, Shigeru Miyuzaki--the leader of the 12 Knights of the Sky. Pero sa nakikita niya, ito ang magiging hudyat ng mas titindi pang laban na haharapin nilang lahat na kabilang sa Shrouded Flowers.
Sana lang ay kayanin nilang lahat na tapusin ang matinding laban na iyon.
No comments:
Post a Comment