Wednesday, June 3, 2020

I'll Hold On To You 66 - Proposal? Sort Of

[Relaina]

What happened after that one summer day felt like a dream. Aminin ko man o hindi, ganoon ang nararamdaman ko. After that, parang dumaan lang ang araw na... mahirap isipin kung tama ba o hindi. Lalo kasing lumalala ang pagiging sweet ng mokong na Brent na iyon, eh.

Oo, isa pa iyon sa aaminin ko. Hindi makakapag-deny ang lalaking iyon sa akin na hindi ito sweet at maalaga sa akin pagkatapos ng mga nangyari. Para bang... bumabawi ito sa akin in some way. Wait. Ganoon nga ba iyon?

No, I didn't think it was like that. Hindi iyon pagbawi dahil alam ko sa sarili ko na wala itong kasalanan. At least sa akin. But it seemed that... he was trying to bury something through those sweet actions. Ang weird siguro para sa akin na maramdaman iyon. Pero iyon na ang obserbasyon ko sa mga ikinikilos nito since that night I made him promise.

Basta. Ang hirap ipaliwanag. Ang alam ko lang, may gusto itong panindigan. May gusto itong kalimutan o burahin sa isip nito na hindi ko matukoy sa ngayon kung ano nga ba iyon.

May palagay akong may kinalaman iyon sa nangyari sa abandonadong bahay na iyon. The day I saw that vengeful side of him and I ended up getting hurt because of witnessing that. Sa totoo lang, hindi ko na muling nakita pa sa mga mata nito ang galit na nakita ko noong araw na iyon. Pero hindi naman nangangahulugan na tapos na ang lahat. I could feel that there was still a long way to go before that hatred in his heart for those who made his friend suffer would disappear.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging papel ko sa buhay ni Brent na maaaring magsilbing daan para tuluyan nang pakawalan ng lalaking iyon ang galit nito.

Or could it be that I was asking for the impossible at the moment?

"Laine!"

Napaangat ako ng tingin at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin kong patakbong lumalapit sa direksyon ko si Brent. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito at grabe kung makatawag sa nickname na ibinigay niya sa akin?

Then again, that nickname became easy for me to know that it was none other than Brent who was calling me.

"Sa pagkakaalam ko, hindi pa ako nawawala para lakasan mo ang pagtawag sa pangalan ko," salubong ko rito na hindi ako umaalis sa pagkakaupo ko sa bench sa park.

Naisipan kong tumigil muna roon at mag-unwind dahil wala naman ang mga magulang ko sa bahay at may kailangang asikasuhin sa kabilang bayan. Busy naman si Mayu na sumama kay Neilson na hinayaan ko na lang dahil alam ko namang mas masaya ang pinsan kong iyon kapag ang kakambal ni Brent ang kasama nito.

Of course, I was only stating that in a joking way.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Brent nang tuluyan na itong makalapit sa kinauupuan ko.

"'Di ba, ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo? And besides, wala naman sigurong masama kung tumambay ako rito. Boring sa bahay, eh. Wala sina Mama at Papa."

"Eh 'di sana nagpunta ka na lang sa ancestral house. May mga makakausap ka naman doon," sabi nito bago naupo sa tabi ko nang wala man lang warning sa akin.

Then again, sanay na ako sa kilos ng mokong na ito. Lagi na lang pabigla-bigla at feeling close sa akin. Taking advantage, kumbaga.

"Hoy! Hindi porque nakapunta na ako sa bahay n'yo, eh lulubus-lubusin ko naman. Isa pa, hindi ako close sa pamilya mo. Si Ate Julia nga lang ang pinsan mo na nakausap ko noon, eh. Pero ikaw na rin ang nagsabi sa akin dati na hindi sa ancestral house nakatira si Ate Julia at nagpupunta lang siya roon kapag magbabakasyon o may kailangan sa ibang mga pinsan mo na nakatira sa hacienda."

"Well, totoo iyon. Pero hindi naman nangangahulugan na hindi ka kilala ng mga pinsan ko. In fact, gustong-gusto ka ngang makilala nang husto ni Andz, eh."

Andz? Ah, si Carl Armand na bunsong kapatid ni Brent. Oo nga pala. Wala pala ito sa ancestral house nang minsan akong nag-stay over doon. Hindi ko alam ang rason kung bakit hindi kami nagpang-abot nang araw na iyon. Hindi ko na rin nagawang itanong dahil lagi ko namang nakakalimutan.

"Kilala ba ako ng kapatid mong iyon para sabihin mo sa akin na gusto niya akong makilala nang husto? Never pa naman kaming nagkita, ah," sabi ko at saka ko tiningnan si Brent.

Sa gulat ko, nakangiti ang bruhong kamote habang nakatingin sa harap. To be specific, nakatingin ito sa dalawang batang nasa isang picnic mat at masayang nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa nakita ko. But I was sure it wasn't anything negative.

"Would we end up being close just like them if we met when we were children?" Narinig kong mahinang tanong nito bago ito  bumuntong-hininga. "Pero mukhang nakikinita ko nang hindi kita titigilan ng pang-aasar kapag nagkakilala nga tayo noong nakatira ka pa rito."

Hindi ko naman napigilang mapangiti sa sinabing iyon ni Brent. "Nai-imagine ko rin 'yang sinasabi mong pang-aasar mo sa akin kapag nagkakilala nga tayo noong mga bata pa tayo. Baka nga mas malala pa tayong mag-away noon kaysa ngayon." Hanggang sa may naisip ako. "By the way, hindi ka nga ba talaga naglalalabas ng mansyon n'yo noon, gaya ng sinasabi ni Manong Sorbetero noon?"

Narinig kong natawa si Brent, dahilan upang mapatingin ako ritong muli. Iiling-iling din ito na para bang amused na amused sa tanong ko. Pero wala namang masama sa tanong ko, 'di ba?

"Believe it or not, hindi ako sociable na tao noon kung ikukumpara mo sa ngayon. At the time, masaya na ako na nasa loob ako ng bahay at naglalaro lang sa isang sulok. O 'di kaya ay pinapanood ang Papa at Mama ko na nangangabayo. Around that time, napansin din ni Papa na madalas akong tumambay sa cabin na nakatayo sa paanan ng punong kinatatayuan ngayon ng tree house. Doon ako madalas abutan ni Papa na nakakatulog pagkatapos kong maglaro."

"Sobra naman iyon. Parang ginawa mo nang bahay mo ang cabin house na iyon, ah."

Tumango ito at nagpatuloy sa pagkukuwento. "That was when my dad decided to have a tree house built there, in accordance to the meager design of the house that I drew on a paper back then. Simple lang naman ang design. Even the furnitures were a bit childish. Pero nakita mo naman, nagawan nila ng paraan na gawing parang isang matinong bahay ang tree house na iyon."

"Oo nga. Puwede mo na ngang tirhan iyon kasama ng magiging asawa mo." Hanggang sa matigilan ako sa sinabi ko. I did not just say that, did I?

Oh, my gosh! Ano na naman ba ang lumabas sa bibig ko? Tama ba namang iyon ang itanong ko? Grabe naman!

"Okay lang sa akin. Basta ba ikaw ang ititira ko roon, walang problema."

I looked at Brent incredulously. Did I hear that right? At nakuha pa talaga nitong mag-isip ng pick-up line para sabihin sa akin. Or was it a proposal?

No way! Bakit ganito ang itinatakbo ng pag-iisip ko ngayon?

"Alam mo, gutom lang iyan, Mr. Brent Allen Montreal. Hindi ka pa yata nanananghalian, eh. Ikain mo na lang iyan. Kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig mo." As I was saying those words, expected ko nang wala na namang tigil sa kapapasag ang buwisit kong puso na excited lang dahil kay Kamoteng Brent.

Kung hindi ba naman kasi isang sira-ulo 'tong kamoteng 'to sa mga pinagsasasabi, eh.

Pero naisipan pa talaga nitong ilapit nang husto sa akin ang mukha nito at ngumisi. And as usual, nag-react na naman ang pasaway kong puso dahil sa kilos nitong iyon. I mean, I was pretty he made his point across by now.

"Bakit, affected ka ba sa mga nasabi ko, Miss Relaina Elysse Avellana? Or should I say... future Mrs. Brent Allen Montreal?"

Okay, naging over na yata sa excitement ang puso ko dahil sa huling sinabi ng Kamoteng Brent na 'to. "Gusto mo yatang binabasag ko ang pagmumukha mo, eh, ha? May nalalaman ka pang 'future Mrs.' diyan. Mukha ba akong easy to get, huh? At paano ka nakakasigurong ikaw nga ang pakakasalan ko?"

"If there's a will, there's a way, Laine. And as long as I can see a way for that to happen, as long as I'm not overstepping my bounds, then I'm going all out to make sure it happens. Ganoon ako kaseryoso. Lalo na pagdating sa 'yo."

Tuluyan na akong natameme sa mga salitang iyon. I mean... hindi ko na nga yata maide-deny na seryoso ang kumag na 'to sa mga sinasabi nito. Pero... kasal talaga? Bakit ganoon naman yata ka-advanced mag-isip ang lalaking 'to? Ano'ng meron? May nakain ba 'tong kung anong hindi maganda?

I had no idea what else to think anymore. Hindi na talaga epekto ng gutom ang mga sinasabi nito. Mukha na itong sinapian ng isang lovesick na multo.

"Hindi mo pa naman ako susukuan at lalayuan pagkatapos kong sabihin sa 'yo ang mga 'to, 'di ba?" tanong nito kapagkuwan.

Though still speechless, his words still registered in my mind. Pagsuko? Paglayo? Sa nangyayari ngayon sa puso ko basta ang lalaking ito ang involved, mukhang malabo ko na yatang magawa iyon.

No comments:

Post a Comment