Wednesday, March 8, 2023

i'll hold on to you 87 - laughter

[Relaina]

Hindi ko alam kung may dapat ba akong katakutan sa paraan ng pagtatanong sa akin ni Brent tungkol sa half-brother ko. Then again, if it was out of curiosity, perhaps I could give him a decent answer. Ang problema ko lang, paano ko ipapaliwanag sa lalaking ito ang sitwasyon ng pamilya ko?

Ilang sandali rin akong nag-alangan kung paano ko ba uumpisahan ang magiging kuwento ko. Napakamot pa ako ng ulo dahil magulo ang takbo ng utak ko sa kaiisip ng gagawin para maumpisahan na ang usapan. Pero nang makapagdesisyon naman na ako —-

“Sorry…” Brent said and approached me, much to my surprise. Ipinatong nito ang isang kamay nito sa ulo ko makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa akin.

Ipinagtaka ko iyon. Pero hanggang tingin lang ang ginawa ko rito bago ako nagsalita. “Bakit ka nagso-sorry?”

“It’s because I asked you something personal.”

Well, may punto naman ito. Medyo personal nga ang tanong na iyon. But I was glad that he caught on and that he apologized. “Okay lang. May plano rin naman akong sabihin sa ‘yo ang tungkol sa lalaking iyan. Nagkataon lang na… maraming nangyari nitong mga nakaraang araw. At saka hindi rin naman dumarating ang mga pagkakataong puwede kong sabihin sa ‘yo ang tungkol sa taong iyan.”

“Laging wrong timing, ganoon ba?”

Napatango na lang ako at nginitian ko si Brent. “Ganoon na nga.”

“How come hindi ko nakikita ang picture niya rito dati kapag nagpupunta ako?”

Agad kong ipinaliwanag dito ang tungkol sa nasirang picture frame na natagalan bago ko napalitan. Mukhang naintindihan naman nito iyon dahil idinagdag ko rin ang mga pangyayari nitong mga nakaraang linggo para lagi kong makalimutang ibalik sa dating pinagpupuwestuhan ang picture namin ni Kuya Evon.

Muli ay napatingin si Brent sa picture naming magkapatid matapos nitong ialis ang kamay nitong nakapatong sa ulo ko. That action alone made me miss the warmth of his hand on my head.

Oh, my gosh! Ano na ‘tong nangyayari sa akin? Why was I thinking this way? Why was I acting like… I was craving that warmth?

The warmth that… only Brent could give me.

Was I going crazy or something?

I cleared my throat soon after and faced Brent. “Teka. Bakit ka nga pala napunta rito?”

“Wala lang. Na-miss lang kita. Masama bang puntahan kita dahil gusto kitang makita?”

“Ano na namang drama ang meron ka, ha? Puwede mo naman akong tawagan lang kapag ganoon ang nangyayari, ah.” Sa totoo lang, mas magandang idaan ko na lang sa biro ang mga pinagsasasabi nito dahil baka hindi ko na naman makontrol sa pagre-react ang puso ko.

“Iba pa rin ang nakikita kita.” Ilang sandali pa ay tumikhim si Brent na ipinagtaka ko. Pero hindi ko na lang pinuna. “By the way… anong oras uuwi si Tita?”

Pero nagkibit-balikat ako bago sumagot. “Hindi sinabi sa akin ni Mama. Pero may palagay akong mamayang hapon na makakauwi iyon. Sinamantala na lang siguro niya na… may makakasama ako rito sa bahay habang wala siya. Alam mo na. Hindi pa rin siya kampante sa sitwasyon ko.”

“Kumusta na pala ang pakiramdam mo? May masakit pa rin ba?”

Tumango ako. Hindi ko gustong magsinungaling dito pagdating sa bagay na iyon. “Pero hindi na kasingsakit noong mga panahong kalalabas ko pa lang ng ospital. Bago ako pumasok sa university, kailangan ko ring bumalik ng ospital para sa check-up. Bilin sa akin ng Mama mo. Mas mabuti na raw na masiguro niyang okay na talaga ako bago ako pumasok sa Oceanside.”

It was then that I saw Brent smile gently. When was the last time I saw that smile from him, anyway? Mula kasi ng sabihin nito sa akin ang bangungot nito na patungkol sa akin, hindi na nawala ang pag-aalala sa guwapong mukha nito.

Oo na, alam ko na. Aaminin ko nang guwapo ang mokong na ito. Pero nuncang sasabihin ko iyon sa mukha nito, ‘no? Pag-iisipan ko pa kung kailan ko talaga sasabihin iyon sa lalaking ito.

Hindi ko napigilang matawa sa naisip ko. Pero sapat na iyon para mapatingin sa akin si Brent.

“Ano’ng nginingiti mo riyan, ha? Tinatawanan mo yata ako sa isip mo, ah.”

Umiling ako, pero hindi nawala ang pagkakangiti ko. Before I knew it, Brent approached me and started tickling me on both sides of my stomach.

“Hey!” Sinubukan kong lumayo at umiwas sa ginagawa nito sa akin pero nahahabol pa rin ako nito.

“Ano ba kasing itinatawa-tawa mo, ha? Nilalait mo na naman yata ako sa isipan mo, eh,” sagot nito habang patuloy ito sa pagkiliti sa tagiliran ko.

Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo kaming dalawa sa buong sala dahil kailangan kong umiwas sa pangingiliti ni Brent sa akin. At ang loko, ayaw magpatalo. Huli na nang mapansin kong mapaupo na ako sa mahabang sofa at sinamantala naman iyon ni Brent para corner-in ako at kilitiin pa ako nang husto.

“Tama na, Brent! Ano ba?”

“Hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan ng itinatawa-tawa mo habang nakatingin ka sa akin, hindi kita titigilan.” At itinodo pa talaga ang pagkiliti sa akin.

But I guess this guy was forgetting one thing. “Hindi ako puwedeng magpagod, baka nalilimutan mo. I’m supposed to be resting!”

Mukhang tumalab naman iyon. Sa wakas ay itinigil na nito ang pagkiliti sa akin. Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong pumaibabaw sa akin. His face was on my shoulder.

At that moment, I could feel it —- his hot breath on my skin.

“You smell so good, Laine…” bulong nito sa balikat ko. “I could stay here like this with you all day, you know.”

I wouldn’t call that a good idea, to be honest. Pero hindi ko magawang sabihin iyon dito. “We’re still not allowed to be seen like this together, in case you’re not aware of that. Sinasamantala mo lang yata na wala si Mama rito, eh.”

He chuckled, but still stayed there on my shoulder. Gustong-gusto yata nitong inaamoy ako nang ganoon, ah.

“I’m not planning on breaking your parents’ trust on me pagdating sa ‘yo, Laine. And ever since you decided to stay by my side, sinabi ko sa sarili ko na gagawa lang ako ng isang bagay kapag may permiso mo.”

He really made that decision? Napatingin lang ako sa ulo nitong nasa line of sight ko dahil hindi ko naman nakikita ang mukha ko. Pero alam kong nagre-react ang katawan ko dahil sa init ng hininga nito na tumatama sa balat ko.

I took a deep breath and raised my hand. Moments later, my hand slowly caressed his hair. Napangiti ako nang maisip kong ngayon ko lang nagawa ito kay Brent. Yes, we hugged. A lot of times. But not to the point that I would be able to consciously touch his hair like this.

“Can I sleep like this with you? Alas-tres na ako nakatulog kanina, eh,” kapagkuwan ay sabi ni Brent.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako rito. “Alas-tres? Hoy, pinapatay mo ba ang sarili mo at nagpupuyat ka na naman, ha? Huwag mong sabihing binabangungot ka na naman at hindi ka makatulog?”

Naramdaman ko ang pag-iling nito sa balikat ko. “May mga inasikaso pa ako kaya kailangan kong magpuyat. Pero ngayon lang iyon. Ayoko rin namang pahirapan ang sarili ko at lalong ayokong mag-alala ka sa akin.”

Why was this guy doing this, for heaven’s sake? Bakit kailangan pa nitong isama ako sa mga rasong naiisip nito?

“Mabuti naman at alam mong mag-aalala ako sa ‘yo. Mas mahina pa man din ang resistansya mo kaysa sa akin.” Ilang sandali pa ang nakalipas bago ako bumuntong-hininga. Mukhang ayaw pa ng lalaking ito na umalis sa pagkakapuwesto nito sa balikat ko habang nakapaibabaw sa akin. “Let’s change position para makatulog ka nang maayos. Ayokong mag-isip nang masama si Mama sa ‘yo kapag naabutan niya tayong ganito ang puwesto.”

Hindi ito sumagot. Pero alam kong gising pa ito. Kapagkuwan ay ito naman ang bumuntong-hininga bago umalis sa ibabaw ko. Noon lang ako nakahinga nang maluwag at saka na ako umayos ng pagkakaupo sa sofa. Tiningnan ko ito at napangiti na lang ako nang makita kong bumabagsak na ang mga mata nito. Puyat nga yata talaga ito.

“Get some sleep. Babantayan kita habang natutulog ka,” suhestiyon ko rito.

Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa nang maramdaman kong may humawak sa isang kamay ko. Agad akong napatingin kay Brent.

“Can I sleep on your lap?” he asked, almost sleepy.

Doon nanlaki ang mga mata ko. Say what now?

No comments:

Post a Comment