Wednesday, March 29, 2023

i'll hold on to you 90 - both grateful

[Relaina]

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano na ang dapat kong isipin. I just met Brent’s little brother for the first time. He was the one who approached me all of a sudden, by the way. Here was the catch, though.

Ito pa talaga ang nag-invite sa akin na pumunta kami sa coffee shop at doon mag-usap tungkol sa anumang pag-aalalang nararamdaman ko para kay Brent. If I were going to be honest, I really needed that talk. Hindi ko muna ginustong istorbuhin si Mayu dahil alam kong may mga kailangan din itong asikasuhin sa bahay nito.

Tama na ang panggugulong nagawa ko rito nang maaksidente ako.

Pareho na kaming nakapag-order ng choice of coffee namin at pati na rin ng pastries na available sa shop nang araw na iyon. Si Andz na ang hinayaan kong mamili ng mauupuan namin sa second floor. Wala raw magiging istorbo roon kapag doon kami pansamantalang tumambay habang inuubos namin ang mga inorder naming kape.

Noon ko lang naisip na may pagkakahawig ang sense of humor ng magkakapatid na Montreal. Siyempre pa, wala akong planong sabihin iyon dito. Baka kung ano pa ang isipin nito tungkol sa akin.

Then again, kung naikuwento na pala ako ni Brent kay Andz, ano pa ba ang kailangan kong itago mula rito?

“Pasensiya ka na po, Ate Relaina. Basta na lang kitang kilaladkad na magkape at mag-usap,” simula ni Andz.

Hindi ko na napigilang ngumiti sa sinabi nito. “Huwag kang mag-aalala. Hindi mo naman ako pinuwersa, eh. Hindi ka naman siguro katulad ng Kuya Brent mo na basta na lang nangangaladkad para lang makipag-date sa kanya.”

“Ginawa niya iyon sa ‘yo?”

Tumango ako. “A few times, yeah. Ang sarap ngang sapakin, eh,” biro ko.

“Grabe naman si Kuya Brent. Wala naman siyang naikukuwentong ganoon sa amin.” Ilang sandali rin itong tumahimik bago muling nagsalita. “Pero… alam ko pong sa inyo niya lang iyon ginawa.”

What? “Ha? What do you mean, sa akin lang? Ang daming naging girlfriend ng Kuya Brent mo, ‘di ba?”

“‘Yong closet romantic na iyon? Malabo ‘yang sinasabi mo, Ate. Lahat ng mga napapabalitang naging girlfriend ni Kuya, mga fling. Pampalipas-oras. Most of the time, hindi pa nagtatagal ng isang linggo. Pinakamaikli na ang dalawang araw.”

Oo nga’t ilang beses na rin akong nakakarinig noon ng ganoong klaseng impormasyon tungkol sa mga naging relasyon ni Brent. Pero ang marinig kay Andz ang tungkol sa totoong estado ng mga so-called relationships na iyon ng sarili nitong kuya, hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong isipin.

Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong mainis? Masaktan?

Wait… Masaktan? Bakit naman ako masasaktan? Dapat ko bang maramdaman iyon?

“Ikaw lang po talaga ang babaeng matiyagang nilalapitan at hinahabol ni Kuya Brent nang ganito katagal,” pagpapatuloy ni Andz.

At sa totoo lang, parang bombang ibinagsak sa harap ko ang mga sinabing iyon ng bunsong kapatid ni Brent.

“Alam mo, parang sinabi mo na rin na hindi marunong magseryoso ang kuya mo pagdating sa relasyon,” nasabi ko na lang bilang paraan para mapakalma ko ang maingay ko na namang puso.

Grabe naman kasi kung magbagsak ng impormasyon ang batang ito sa akin, eh. Hinay-hinay lang. Puwede? Hindi maka-keep up ang puso ko nito, sa totoo lang.

“Kung noong bago pa po mamatay si Kuya Vanz, hindi ko masasabi iyan. Pero alam ko po na ang laki ng ipinagbago ni Kuya Brent matapos ang pangyayaring iyon. Siyanga po pala —-” Tumigil si Andz sa pagsasalita at tumitig sa akin kapagkuwan.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa nakita ko. Pero ginawa ko ang lahat para tatagan ko ang sarili ko. May gustong iparating sa akin si Andz tungkol sa kuya nito. At gusto kong malaman kung ano iyon.

“I want to thank you for saving my brother that day,” Andz said, his voice somber. “Nasabi po sa akin ni Kuya Neilson ang ginawa mo para kay Kuya Brent noon sa abandonadong building na iyon. Totoo po bang pinalo kayo ni Kuya Brent nang araw na iyon?”

Oh, my goodness! Pati ba naman iyon ay ipinaalam pa ni Neilson kay Andz? Masasapak ko talaga ang lalaking iyon, sa totoo lang.

Huminga ako nang malalim makalipas ang ilang sandali bago ako sumagot. “Ito ang gusto kong tandaan mo tungkol sa nangyari ng araw na iyon, okay? Totoong napalo ako ng Kuya Brent mo sa braso ko. But I could tell that he didn’t mean to do it. Gusto lang maglabas ng matinding galit ang kuya mo. In fact, kasalanan ko kung bakit ako napalo ng tubo. I was trying to stop your brother from further hurting people. Pero makulit ako, eh. Dahil siguro nabubulagan pa rin ng matinding galit sa mga taong malaki ang kasalanan sa pagkamatay ni Vanz, huli na nang mapansin niyang ako na pala ang nasaktan niya.”

Nang tingnan ko si Andz, napangiti na lang ako nang malungkot nang makita kong parang maiiyak ito sa mga sinasabi ko. Pero alam ko rin kung para saan ang nararamdaman nitong iyon. It was all for Brent. Doon ko napatunayan kung gaano nito kamahal ang nakatatandang kapatid nito.

“But what he did to me… I think it was more than enough to wake him up from that hatred. Hindi naging madali na kumbinsihin ang kuya mo na tigilan na ang pagpapataw ng hustisya gamit ang sarili niyang mga kamay. Pero aaminin ko, iyon ang unang pagkakataong nakita ko si Brent na napaka-vulnerable. Alam mo bang umiyak pa siya sa harap ko na nakaluhod at yakap-yakap ang tiyan ko?”

Hindi ko na ikinagulat na marinig ang pagsinghap ni Andz matapos kong sabihin iyon. It was probably unexpected for him to hear Brent being that vulnerable. But I knew that everyone had their vulnerable side. Ang sakit na tiniis ni Brent mula nang mamatay ang kaibigan nito ang nagpalakas —-- and at the same time ay nagpahina —-- sa kalooban nito.

“I figured that… if I stay with him, if I did my best to watch over him, tuluyan na niyang tatalikuran ang paghihiganti nito at ng personal na pagpapataw ng parusa sa mga taong naging dahilan kung bakit naging mapaghiganti siya. I might be asking for too much, though. Pero gusto kong umasa na may mababago sa kuya mo kapag ginawa ko iyon," pagpapatuloy ko bago ako huminga nang malalim.

Ilang sandali ring pumalibot sa aming dalawa ni Andz ang katahimikan. Pero okay lang iyon sa akin. Kailangan ko ring kalmahin ang sarili ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong sabihin iyon sa bunsong kapatid ni Brent.

"Sorry, ha? Naging madrama pa ako sa pagkukuwento sa 'yo. Pero huwag mong sasabihin sa kuya mo na sinabi ko sa 'yo kung ano ang itsura niya pagkatapos niyang magwala, ha? Hindi ako titigilan n'on," sabi ko pagkatapos kong inumin ang kape ko.

Noon lang ngumiti ulit si Andz at pinahid ang maliit na luhang muntik nang bumagsak mula sa mata nito. Tumango ito. "Sige po. Alam ko naman pong ayaw na ayaw n'on na inaasar siya tungkol sa itsura niya pagkatapos niyang umiyak."

"Ang weird ng Kuya mo, 'no?"

Pareho kaming natawa sa komento kong iyon. Ilang sandali pa ay muli akong nagseryoso. May mga bagay pa akong hindi nasasabi kay Andz.

"Natatakot pa rin ang Kuya mo, alam mo ba iyon?" umpisa ko at saka ko tiningnan si Andz. "Nabanggit na niya sa akin noon na natatakot siya para sa akin. Na ilang beses na raw niya akong napanaginipang naliligo sa sarili kong dugo. Na wala nang buhay. Kahit ilang beses daw niyang tawagin ang pangalan ko, hindi raw ako nagigising. Ayoko nang isipin kung ano ang naramdaman ni Brent nang malaman niya ang nangyari sa akin nang araw na iyon."

Walang naging komento si Andz sa sinabi ko. Pero kung ibabase ko sa kilos ng lalaking ito pagkatapos kong sabihin iyon, mukhang may ideya na ako sa sagot na hinahanap ko.

Huminga ako ng malalim makalipas ang ilang sandali. I guess it was about time I say something to this young man with regards to that event. “Salamat nga pala sa ginawa mo para sa akin. Kung hindi dahil sa ginawa mo, malamang na nahihirapan pa rin ako ngayon. O baka naman, baka patay na ako ngayon.”

“Hindi ka pa puwedeng mamatay, Ate Relaina,” sabi ni Andz. “Mukha kasing binabalak pa ni Kuya Brent na pakasalan ka pagkatapos ng lahat, eh.”

Ano raw? Anong kalokohan naman ang pinagsasasabi ng batang ito, ha? “Ha? Seryoso ka lang sa sinasabi mo sa akin ngayon, ha?”

Parang inosenteng batang tumango si Andz at ngumiti pa nang nakakaloko. Magkapatid nga ito at si Brent. Halos pareho ang ngiti ng mga ito kapag may kalokohang naiisip, eh.

“Hindi niya talaga sinabi sa akin iyon. Pero sa maniwala ka at sa hindi, iyon ang nakikita ko sa mga kilos niya mula nang maging maayos ang relasyon ninyong dalawa. Kung tama ako ng pagkakaalala, it was right after you saved him that day. Huwag kang mag-alala. Full support ako sa inyong dalawa ni Kuya Brent.”

Hindi naman iyon ang isyu rito! Pambihira naman, o.

Anong klaseng misconception na naman ang itinanim ng Brent Allen Montreal na iyon sa isipan ng kapatid nito, sa totoo lang?

But the idea of actually getting married to that guy…

Damn it! Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko dahil lang naisip ko iyon, ha? Ano ba?

No comments:

Post a Comment