[Relaina]
“Can I sleep on your lap?”
Okay. That question definitely threw me off guard, to be honest. Ilang sandali rin akong hindi nakapag-react nang maayos sa narinig ko. Oo, alam kong inaantok na ang lokong ito. Pero, hello! He was seriously asking that?
“Hoy, Mr. Montreal! Ano na namang klaseng masamang hangin ang pumasok sa utak mo at naisipan mong itanong iyan, ha?” hindi ko tuloy napigilang itanong dito.
Hawak pa rin nito ang kamay ko. I didn’t mind that, though. I did love the warmth of his hand on mine, after all. Kahit na wala akong planong sabihin iyon dito. Pero tiningnan lang ako ni Brent at mukhang hinihintay ang isasagot ko sa tanong nito.
“Matulog kasama ako? Then why do you have to be so specific as to sleep on my lap?”
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na itinanong nito iyon sa akin. But I guess I couldn’t stay angry at this guy for asking that. At least, marunong itong humingi ng permiso. Hindi tulad ng iba.
“Gusto ko lang ma-experience iyon, ‘no? And mind you, I never asked that to any other girls before.”
“At proud ka pa talagang sabihin iyan sa akin, ha? Okay ka lang?”
Pero ang loko, tinawanan lang ako. Nakakainis! Ang sarap sapakin nito, sa totoo lang. Napailing na lang ako nang makita ko iyon. But I could tell na seryoso nga ito sa hiling nitong iyon.
Not that I actually mind. Pero… nakakahiya kaya. Paano kung maabutan kami ni Mama na ganoon ang posisyon namin?
Ilang sandali rin ang pinalipas ko bago ako huminga nang malalim. Hinarap ko si Brent pagkatapos. “Kumain ka man lang ba bago ka nagpunta rito, ha?”
Okay. Alam kong hindi iyon ang dapat na itinatanong ko rito. Pero gusto ko pa ring kumpirmahin na hindi nito pinababayaan ang sarili nito para lang puntahan ako rito.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ako pinaalis ni Mama ng bahay hanggang hindi ako kumakain,” paliwanag nito at nahiga nang padapa sa sofa.
“Day-off ba ng Mama mo ngayon?”
Tumango ito, nasa sofa ang mukha. Hindi ko tuloy napigilang matawa sa itsura nitong iyon. Ilang sandali rin akong tumahimik bago muling nagsalita.
“Kukunin ko lang muna ‘yong librong binabasa ko sa kuwarto ko para hindi ako ma-bored habang binabantayan kitang matulog. Pagbibigyan na kita sa gusto mo,” sabi ko rito kapagkuwan.
I saw him stiffen. Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa akin. Pinanlakihan ko rin ito ng mata at saka ako natawa. Ewan ko ba kung bakit ko naisip na ang cute nitong tingnan kapag nagugulat ito nang ganoon sa mga sinasabi ko.
“Seryoso ka?” paniniguro ni Brent.
“Gusto mong bawiin ko?” balik-tanong ko.
Marahas naman itong umiling na ikinangiti ko lang. Gusto ko talagang tawanan ang mga kilos at reaksyon nito ng mga sandaling iyon. Pero baka magtampo naman ito sa akin. Tutal, hindi pa naman ako puwedeng lumabas dahil nagpapagaling pa ako.
“Hintayin mo na lang ako rito.”
xxxxxx
Walang salitang pumuwesto ang lokong Brent na ito sa hita ko pagkaupong-pagkaupo ko. Oo, nagulat ako sa ginawa nitong iyon. Pero wala naman itong ibang ginawa maliban sa pagpupuwesto ng ulo nito sa utak ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang patag na paghinga nito.
Kulang na lang talaga, isipin kong may lahing pusa ang lalaking ito dahil sa napansin ko. Then again, this was the first time I saw him like this with me. Hindi man ito ang unang pagkakataong pinapanood ko ang pagtulog nito, iba pa rin pala ang pakiramdam na makita itong payapang natutulog sa tabi ko.
Or in this case, sa hita ko. Hindi naman kasi kami natulog na magkatabi kahit na kailan, eh. I would have to exclude the times na nakakatulog ito sa ospital noong binabantayan ako ni Brent dahil madalas sa hindi na sa sofa ito natutulog.
Sa totoo lang, Brent Allen Montreal… Bakit ko ba pinupuna ang pagtulog mo sa hita ko, ha? Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko dahil sa ginawa mong ito.
Of course, it wasn’t as if I could actually say it to his face, you know. That would be embarrassing. Baka lalo lang lumaki ang ulo nito kapag sinabi ko ang mga iyon sa lalaking ito.
Itinuloy ko na lang ang pagbabasa ko sa librong kinuha ko mula sa kuwarto ko. Iyon na lang siguro ang pagkakaabalahan ko habang busy na natutulog ang lalaking ito sa hita ko. Baka sa ganitong paraan, makatulong man lang ako para makapagpahinga nang maayos si Brent. At sana, hindi naman ito bangungutin habang kasama ako nito. Baka hindi ko malaman ang gagawin ko kapag bigla nga itong binangungot.
“Laine…”
Agad akong napatingin kay Brent pagkarinig ko n’on. Hinintay ko rin kung may sasabihin pa ba ito. Pero mukhang hanggang doon na lang iyon.
Pambihira naman. Hanggang sa pagtulog ba naman, nababanggit pa rin nito ang pangalan ko? Hindi ko na napigilan ang pag-iinit ng mga pisngi ko habang nag-iisip ng kung anu-ano dahil lang binanggit ni Brent ang pangalan ko sa pagtulog nito.
“Nanggugulo ka na naman ng isip ko, sira-ulong kamote ka…” Kapagkuwan ay natawa na lang ako nang mahina sa sinabi ko. Laking-pasalamat ko na lang siguro at tulog si Brent.
Kung hindi, baka naisipan na naman akong kilitiin nito dahil inaasar ko na naman ito.
“...but I guess it’s not bad. As long as maganda ang dahilan ng panggugulo mo sa isip ko,” dagdag ko. Pero sa sarili ko na lang iyon.
Ilang sandali pa, kusang kumilos ang libreng kamay ko at hinaplos ang buhok nito. Tama pala ang unang naisip ko kanina noong nakapaibabaw ito sa akin. Malambot ang buhok nito. Mukhang naalagaan nang husto. He really seemed like he cared for his appearance a lot before. Pero kung hindi sinabi sa akin ni Vivian at Mayu noon ang dahilan kung bakit ganoon na lang ito kadesididong magpakitang-gilas ng kaguwapuhan nito, baka hanggang sa mga sandaling iyon ay naiisip ko pa ring walang kuwenta ang lalaking ito.
Brent chose to bear the pain all by himself. Soon after, that pain almost ate him up. Until I decided to step up and actually do something to save him from fully succumbing to the darkness that consumed him. Alam kong hindi pa ito tuluyang nakakaalis sa kadilimang iyon. Pero nagdesisyon naman ako na tutulungan ko ito.
“Don’t make things hard for me habang tinutulungan kita, okay?”
…and please, don’t make things hard for my heart, as well. Don’t give me a heart attack one of these days because of you.
No comments:
Post a Comment