[Relaina]
“Sigurado ka bang okay ka na? Wala ka na bang nakalimutan?”
Kulang na lang talaga ay bumuga na ako ng pagkalakas-lakas na hangin dahil sa kakulitan lang naman ng lalaking nasa tabi ko ng mga sandaling iyon.
It was finally the first day of school for that semester. It was supposed to be my second year now. Pero dahil nga nagpalit ako ng kurso, irregular 1st year college student na ako. May mga ilang subjects kasi akong kinuha last year na sakop ng kursong kinukuha ko ngayon. Kaya sa ngayon, karamihan ng mga subjects ko ay maikokonsidera ko nang major subjects. Hindi na muna ako kumuha ng minor subjects dahil ayokong bigyan ng pressure ang sarili ko.
Mabuti na lang talaga at wala nang problema sa katawan ko pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. At sa mga sandaling ito, wala na akong magiging problema sa pagpasok sa university.
Hinarap ko ang lalaking wala pa ring tigil sa pag-aalala at pagbibilin sa akin ng mga sandaling iyon.
“Brent, ‘di ba may klase ka ngayon? Bakit ako pa rin ang binabantayan mo rito samantalang magkatabi lang naman ang college building na pinapasukan natin?”
“Ito naman. Nag-aalala lang ako sa ‘yo, eh.”
At ang loko, kuntodo simangot pa talaga. Para namang tatalab sa akin.
‘Sus! Hayan ka na naman sa pagiging denial mo, eh.’
Ang isip ko, bumanat na naman. “Alam kong nag-aalala ka sa akin. Pero hindi rin naman puwedeng maapektuhan nang husto ang pag-aaral mo dahil sa pag-aalala mo sa akin. Baka gusto mong masapak nang wala sa oras kapag pinabayaan mo ang pag-aaral mo.”
“Brutal ka na naman.” Pero mukhang napangiti ng mga sinabi kong iyon si Brent at saka umiling. “Sige na nga. Hindi ka kita kukulitin. Pero pahalik muna sa pisngi ko.” At talagang itinuro pa nito ang kanang pisngi nito saka lumapit sa akin.
Ano raw? “Hoy! Baka naman gusto mong suntukin ko na lang ‘yang pisngi mong inilalapit mo sa akin ngayon. Gagawin ko talaga iyon.”
Pero ang bruho, nakuha pa talagang humalakhak. Grabe! Ang sarap lang sapakin, sa totoo lang. Saan ba nito nakukuha ang confidence nitong iyon na sabihin ang mga salitang iyon sa akin? Hindi ko talaga mapaniwalaan ang sinabi sa akin noon ni Andz na wala pa talaga itong pormal na niligawan kahit na kailan.
“High blood ka na nga talaga. Sige na. Basta sabay tayong uuwi mamaya, ha?”
Bumuntong-hininga na lang ako. Talaga nga yatang hindi ako titigilan ng lalaking ito. “Oo na. Para namang may pagpipilian pa ako. Baka mamaya niyan, magsumbong ka pa kay Mama.”
“At isa pa, sabihin mo rin sa akin kung may mambu-bully sa ‘yo rito, ha?”
“Don’t treat me like I’m some weakling, okay? Kaya ko sila. And I don’t think they’d be foolish enough to actually do something bad. Dahil kung tama ang sinabi sa akin ni Vivian noon, kalat na ang reputasyon ko tungkol sa pagsuntok ko sa ‘yo noong mga unang buwan mula nang magkakilala tayo.”
Tumawa si Brent pagkatapos kong sabihin iyon. Mukhang wala nang hard feelings ang lalaking ito kapag napag-uusapan namin ang tungkol sa mga nangyari noon. Though I was glad that we could actually make a joke about these memories, hindi ko maintindihan kung bakit naroon ang pakiramdam na parang… nalalayo yata ako.
Nalalayo saan? Hindi ko rin alam. Pero baka dumating din sa akin ang sagot na kailangan ko sa mga susunod na araw. Sa ngayon, kailangan ko munang pagbutihan ang pag-aaral ko. I hoped na maintindihan iyon ni Brent.
“Papasok na ako sa loob, okay? Pumunta ka na rin sa first class mo ngayon,” sabi ko at saka ako naglakad palayo roon.
Nginitian lang ako ni Brent bago ito tumango at kumaway nang mag-umpisa na akong maglakad palayo rito. I just smiled and proceeded to go up para makarating sa unang klase ko.
xxxxxx
My day proceeded smoothly kahit papaano. May mga nagtangkang kausapin ako na mga kaklase ko sa room na iyon. Pero alam ko na kung ano ang gustong itanong sa akin ng mga iyon. Laking-pasalamat ko na lang na may iba ring nakatunog sa gustong gawin ng mga babaeng iyon.
So to sum it up, marami ang gustong tanungin ako tungkol kay Brent. May ilan pa nga akong napapansin sa buong durasyon ng klase ko roon na ang sama ng tingin sa akin. Pero may talent na akong mangdedma ng mga katulad ng mga iyon. Not to mention, marami na ang nakakakilala sa akin doon. Kaya naging madali para sa akin na dedmahin ang mga ilusyunada, sabi nga ni Ate Katrina.
Sabihin na nating may kinalaman ang dating reputasyon ko sa CEA department para mangyari iyon. Isa pa, minsan ko na ring nakakasalamuha ang ilan sa mga nagtatanggol sa akin kaya hindi naman naging mahirap sa akin ang makipagkaibigan.
Huling klase ko na nang oras na iyon. Wala naman kaming masyadong ginawa kundi ang magpakilala at kumpirmahin ang bilang ng mga pumasok ng araw na iyon. No pressure for now. Inaayos ko na ang mga gamit ko sa backpack ko nang may biglang tumayo sa harap ko at talagang lantarang tinapakan ang paa ko ng gamit nitong heel shoes.
I could’ve reacted to that with a shout, but I chose to stay silent. Instead, ginamit ko ang hardbound book na hawak ko nang mga sandaling iyon at walang sabi-sabing ibinagsak ko iyon sa paa nitong ipinangtapak niya sa paa ko. Mabuti na lang talaga at naka-rubber shoes ako at medyo makapal din iyon kaya hindi ko masyadong naramdaman ang heel shoes nitong nakatapak sa akin.
As soon as I did that, ito ang sumigaw at kalmanteng kinuha ko na lang ang may kabigatan din na librong ibinagsak ko sa paa nito.
“You witch! Bakit mo ginawa iyon?” sigaw ng babae sa akin.
Nang mag-angat ako ng tingin, noon ko lang nakita kung sino ang nangahas na gumawa n’on sa akin. Hindi ako puwedeng magkamali. It was Marjie —-- the girl that Brent immediately rejected a long time ago.
I couldn’t help scoffing at her question kahit na mukhang nanggagalaiti na ito sa galit sa akin dahil sa ginawa ko.
“Nagtanong ka talaga sa akin kung bakit ko ginawa iyon? ‘Di ba dapat alam mo na ang sagot diyan? Nananahimik ako rito, basta-basta ka na lang mang-aapak ng paa ng ibang tao.”
Kinuha ko ang bag ko pagkatapos kong sabihin iyon at isinukbit sa likod ko. Mukhang nakakuha na rin ng atensyon ng ibang tao ang ginawa ni Marjie kaya hindi na ako nagsalita pa.
“Kahit na kailan talaga, malas ka sa buhay ko! Kung bakit ba naman kasi ikaw pa ang pinili ni Brent. Ako ang mas bagay sa kanya, hindi ikaw!”
Hindi ko talaga maintindihan ang pinupunto ni Marjie nang mga sandaling iyon. Kaya naman hindi ko na napigilang pangunutan ng noo dahil doon. Iniisip ba nito na kami na ni Brent?
“Eh, ano naman sa ‘yo ngayon kung si Relaina nga ang pinili ko kaysa sa ‘yo?”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Agad akong napalingon sa pinagmulan ng boses na iyon.
“Brent?”
Teka, ano’ng ginagawa nito rito? ‘Di ba may klase pa ito?
“Ang lakas ng loob mong magwala at mag-assume na inagawan ka,” pagpapatuloy ni Brent habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.
Mukhang hinayaan lang ito nina Ate Katrina na pumasok sa loob ng classroom para makalapit sa akin.
“Totoo naman, eh! Kahit noong mga panahong sinasabi ko na sa ‘yo na mahal kita, lantaran mong sinasabi sa akin na kahit kailan, hindi ako ang pipiliin mo. Ano ba’ng ginawa niya sa ‘yo para mahumaling ka sa bruhang ‘yan nang ganyan, ha? Ginayuma ka niya siguro, ‘no?”
Sa totoo lang, unti-unti nang namumuo ang galit sa dibdib ko dahil sa mga sinasabi ng Marjie na ito tungkol sa akin. Madali lang namang ihampas sa mukha ng babaeng ito ang librong hawak ko. Baka sakaling matauhan. Pero hindi ko gagawin iyon sa harap ng maraming tao.
Lalo na sa harap ni Brent. Kahit sabihin pang alam na nito ang pagiging brutal ko, ayokong lagi ko na lang ipinapakita iyon dito.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Brent, dahilan para mapaharap ako rito. Mukhang gusto na talagang manakit ng lalaking ito pero alam ko naman na nagpipigil lang ito.
“Kung iyan ang gusto mong isipin, bahala ka sa buhay mo. Wala na akong pakialam kung masira ang isip mo ng mga assumptions mo na wala naman nang pag-asang mangyari pa. But let me make something clear to you, Marjie.”
Bawat salitang binibigkas ni Brent, nararamdaman ko ang galit nito. Naroon ang intensidad na minsan ko lang narinig mula rito.
“Hindi na kailangan pang gayumahin ako ni Relaina kung ang nararamdaman ko rin lang para sa kanya ang pag-uusapan dito. I was the one who chased after her and made her know na hindi ko siya susukuan. Sabihin mo nga sa akin. Narinig mo bang sinabi ko iyon sa ibang babae mula nang makilala kita, ha? Minsan ko na bang sinabi sa ‘yo iyon?”
Walang naging komento si Marjie. Kahit ako, wala rin akong masabi pagkatapos kong marinig iyon.
Sa totoo lang, ano ba talaga ang gustong ipunto ng mga sinasabi ni Brent ng mga sandaling iyon?
No comments:
Post a Comment