Wednesday, April 26, 2023

i'll hold on to you 94 - mulling over

[Relaina]

Hindi ko naman talaga ugali ang magmuni-muni nang ganito katagal pagdating sa ibang bagay, sa totoo lang. Pero wala na talaga akong ibang pagpipilian kundi ang lumayo muna sa ibang tao at mag-isip-isip. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako naka-survive ng isa pang linggo na hindi nasisiraan ng bait, eh.

At least, the school week went well. Hindi ko na nga masyadong pinagtuunan ng pansin ang nangyari noong unang araw ng pasukan, eh. No thanks to that Marjie. Thank goodness na hindi na ako tinangkang guluhin ng bruhang babaeng iyon.

Oo na. Manlalait na ako rito. Tutal, hindi naman ako maririnig n’on. She nearly made my first day worse. Kung hindi dahil kay Brent at kay Ate Katrina, baka hindi na ako nakapagpigil at binasag ko na ang mukha ng sira-ulong babaeng iyon. Mabuti na lang talaga at may dumating na milagrong nagpigil sa akin na maging bayolente.

Linggo ng araw na iyon. Wala naman akong mga assignment na kailangang asikasuhin pa dahil nagawa ko namang tapusin iyon kagabi. Sinadya ko talagang gawing libre ang araw na iyon para makapag-isip. I didn’t care if I had to do it all day.

Ang importante lang sa akin ng mga sandaling iyon, magawa kong klaruhin ang takbo ng utak ko.

Kung bakit ba naman kasi ganoon na lang kung magtapat ang lalaking iyon, eh. Brent’s words that day pagkatapos ng nangyari sa classroom… They remained in my mind all throughout the week. Sapat na ang mga salitang iyon para laging magwala ang puso ko kapag naiisip ko ang mga pinagsasasabi ng Kamoteng Brent na iyon.

Sa totoo lang, dapat nga ay sanay na ako na naririnig ang mga salitang iyon mula rito. Then again, the majority of what I heard from him were either a joke or he didn’t really mean them that much. At least… that was what I felt at the time he was saying them.

So what made the words he said to me that one afternoon any different from his usual “confessions”? Could it be that… I could tell that it was different? As if… it felt real.

“Yeah, right. Para namang mangyayari iyon,” komento ko sa sarili ko bago ako huminga ng malalim.

Napaigtad ako nang marinig kong tumunog ang Call Alert tone ng cellphone ko. Nawala sa utak ko na dala ko nga pala ang cellphone ko dahil baka hanapin ako ng mga magulang ko kapag natagalan ako rito sa labas. But I chose not to answer it in the meantime. Kailangan ko ng katahimikan, kahit pansamantala man lang.

I decided to go to the cove para makapag-isip. To be specific, I was sitting on a boulder by the cove. Iyon din ang pinagtambayan ko noong araw ng Christmas Ball last year para makapag-isip noon. And yes, mukhang iisa na naman ang dahilan ng pag-iisip ko ng mga sandaling iyon at noong araw ng Christmas Ball.

Si Brent Allen Montreal.

Iba nga lang ang dahilan kung bakit ko iniisip si Brent ng mga sandaling iyon na naisipan ko na namang magpunta roon. Kung noon, iniisip ko kung susundin ko ba ang sinabi sa akin ni Oliver na manatili sa tabi ni Brent para hindi ito maghasik ng lagim —-- literally. Iba naman ngayon. It was his constant declaration of his so-called feelings for me.

“Oh, my God… Pati ba naman ang nararamdaman ng lalaking iyon, pinagdududahan ko pa?”

It was a weird question, let us be honest. Pero hindi ko mapigilang mag-isip nang ganoon, eh. One, because Brent’s reputation towards girls wasn’t really that commendable. Kahit sabihin pang napatunayan ko nang may dahilan kung bakit ito ganoon, hindi pa rin sapat para mag-subside iyon. And two, I couldn’t trust myself in realizing what I really felt about all of his confessions. Dapat ko ba talagang pagkatiwalaan ang mga sinasabi nito sa akin?

Muli na namang tumunog ang Call Alert tone ng cellphone ko. This time, naisipan ko nang sagutin iyon. But as soon as I saw the name flashing on the screen, I frowned. Bakit ako tinatawagan ni Brent ng mga sandaling iyon?

When I looked at the time, it was already 9:30 in the morning. Sa pagkakaalala ko, wala naman kaming napag-usapan ng lalaking ito na magkikita o mamamasyal. Kaya ano na naman ang topak nito para maisipan akong tawagan nito?

With a sigh, I answered the call.

“Hello?”

“Mukhang hindi ka masayang tumatawag ako sa ‘yo ngayon, ah. Hindi ba maganda ang mood mo ngayon?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na iyon ni Brent. Pero hindi totoong hindi ako masaya na tumawag ito sa akin.

“Just doing some deep thinking. Pero lilipas din ito. Bakit ka nga pala napatawag? May problema ba?”

“No. But I did notice these past few days na wala ka sa sarili mo. Sabihin na nating gusto lang kitang guluhin para naman hindi ka masyadong nag-iisip.”

Ang galing mong t-um-iming ng assumption mo, Mr. Brent Allen Montreal, sa totoo lang. As if naman na ganoon lang kadaling gawin iyon kung ito naman ang dahilan ng pag-iisip ko these past few days. At heto, sasabihin mo pang gusto mong akong guluhin kung ganito namang matagal na nitong ginagawa iyon sa akin.

“Bored ka na naman, ‘no? Ako na naman ang gusto mong guluhin, eh,” sabi ko na lang para mabago ang usapan. Ayoko pang banggitin dito ang panggugulong ginagawa nito sa utak ko.

“Ito naman. Nami-miss lang kita, eh.”

At ang sira-ulong ‘to, nakuha pang magpaawa-effect. Seryoso ka lang, Brent? Nai-imagine ko rin ang pagsimangot nito habang sinasabi iyon. Damn it! Bakit kahit sa imahinasyon ko, ang cute pa ring tingnan ng lalaking iyon?

“But seriously, Laine, why are you in the cove right now? May nangyari ba na hindi ko alam?”

Doon ako natigilan. Teka… paano nito nalaman na nasa cove ako? At doon ko naalala na malapit nga pala sa cliff kung saan naroon ang treehouse ni Brent ang cove na kinauupuan ko ng mga sandaling iyon. Agad-agad akong napatingin sa taas ng cliff kung saan alam kong naroon ang treehouse at ang Promise Tree.

Napasinghap na lang ako nang makita kong matamang nakatingin sa akin mula sa kinatatayuan nito si Brent. Nasa tainga nito ang cellphone nito.

“Are you okay?" tanong nito mula sa kabilang linya. Pero ang mga mata nito… Kahit malayo kami ng mga sandaling iyon, kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang matamang pagtitig nito sa akin na may kahalong pag-aalala.

Oh, great! Heto na naman tayo, eh. Binigyan ko na naman ito ng alalahanin. Paano ko ba ipapaliwanag dito ang lahat? Then again, did I even have to explain things to him in the first place?

No comments:

Post a Comment