Wednesday, May 3, 2023

i'll hold on to you 95 - small talk

[Relaina]

I never thought I would be seen in such a state. Hindi ko naman inaasahan na magpupunta roon sa treehouse si Brent. Pero agad ko ring naalala ang sinabi ni Manong Sorbetero noong unang beses kaming kumain ng ice cream ni Brent na madalas na tumambay sa cliffside at sa treehouse ang lalaking iyon kahit noong bata pa ito.

But I couldn't help wondering if he was doing that to clear his mind. Gaya ng ginagawa ko ng mga sandaling iyon na pagtambay sa cove malapit sa cliffside para mag-isip. It would be fun to think about if it was like that.

At the end of that unexpected phone call, sinabi ni Brent na hintayin ko raw ito sa kinapupuwestuhan ko at pupuntahan daw ako nito. Honestly, I had the urge to run away from them the moment he said that.

Pero hindi ko ginawa. Wala naman akong dahilan para tumakas mula rito, eh. Ang sarili ko lang ang kinakalaban ko at niloloko ko kapag ginawa ko nga iyon.

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko habang hinihintay na dumating sa kinauupuan ko si Brent. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin ngayong mukhang malalim na naman ang magiging pag-uusap namin ng lalaking iyon. Mukha ngang wala na akong kawala rito.

Pero… sa totoo lang, bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko pagdating sa lalaking iyon? That intense desire to stay away from him was nothing to that other desire I had whenever he was with me.

The desire to be with him for all time.

Kaya lang, imposible naman ang naiisip ko, ‘di ba? Wala akong dahilan para ganoon ang isipin ko patungkol kay Brent. Hanggang magkaibigan lang kami nito. And even friends would end up separated one day at some point. But even so…

“Mabuti naman at hindi mo ako tinakasan,” sabi ng isang pamilyar na tinig sa baba ng malaking bato na kinauupuan ko. Hindi ko na kailangang tumingin doon para malaman kung sino iyon.

Huminga na lang ako ng malalim at saka tumingin sa baba kung saan naroon ang hinihingal pang si Brent. “Huwag mong sabihing tinakbo mo pa ang hagdan diyan sa likod ng cove para lang makarating dito?”

“Kailangan, eh. Mahirap na. Baka takasan mo pa ako.”

Pambihira. Nagdahilan pa talaga ang loko. “Sira-ulo. Bakit naman kita tatakasan?”

“Eh ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Kahit noong magkasama tayong umuuwi galing Oceanside, hindi kita makausap nang matino.”

Pagkatapos niyon ay umakyat na ito sa malaking batong kinauupuan ko at naupo pa talaga sa tabi ko. Kahit pinanlakihan ko na ito ng mata ay nginitian lang ako ng loko at prente lang sa pag-upo sa tabi ko.

“So? Ano’ng problema mo at parang kung saan na yata naglakbay ang isip mo? Ang hirap tantiyahin ng mood mo these past few days. Sorry kung may nagawa na naman ako sa ‘yo na hindi maganda na hindi ko alam.”

Napabuntong-hininga na lang ako sa litanya ng sira-ulong ito. Ano na naman kaya ang pinag-iiisip nito at ganoon na lang ang mga sinasabi nito ng mga sandaling iyon?

“Ikaw yata ang madrama sa ating dalawa, eh. Wala naman akong sinasabing may nagawa kang hindi maganda. Saan mo ba napupulot iyan, ha?”

“Hindi ko maiwasang mag-isip nang ganoon, eh.”

“Puwes, wala kang nagawa sa akin na hindi maganda. Okay? Marami lang talaga akong kailangang… pag-isipan nang maayos nitong mga nakaraang araw.” Well, it was the truth. Pero hindi ko lang alam kung magagawa ko bang sabihin kay Brent na isa ito sa mga kailangan kong pag-isipan nang maayos.

Then again, as I thought about it…

Kailan ko nga ba magagawang sabihin iyon dito? Baka kasi iba na naman ang isipin nito sa ginagawa kong… pag-iwas dito pansamantala. Wala talaga akong kailangang pagdebatehan sa loob ng isipan ko kung dumating lang talaga ang sagot na kailangan ko.

“But at least it’s good to know na hindi mo talaga ako iniiwasan. Maganda ring malaman na wala akong nagawang masama sa ‘yo,” sabi ni Brent makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Honestly speaking, gaano katagal ba akong hindi nagsasalita dahil sa kaiisip?

“Ikaw lang naman ang nag-iisip ng hindi maganda, eh. Hindi naman kita iniistorbo kapag gusto mong mag-isip, ah.”

“Dahil hindi ko naman sinasabi kasi sa ‘yo na may iniisip ako, ‘no? At saka kahit ganoon, gumagawa pa rin ako ng paraan para maisantabi iyon kahit pansamantala man lang. Mas gusto ko kasing nakalaan ang oras ko sa pakikinig sa mga sinasabi mo at binibigay sa ‘yo ang atensyon na alam kong ako lang ang makakapagbigay sa ‘yo.”

I couldn’t help scoffing at his words after hearing them. What the heck? “Talagang lantaran na ang ginagawa mong pagbibigay ng mga pick-up lines, ah. Then again, I wouldn’t even consider them pick-up lines.”

“Hindi tatalab ang pick-up lines sa ‘yo, Laine. I know that better than anyone mula nang magkakilala tayo. Just know that they were real and they’re all meant for you. Okay?”

Seriously, even if I did know those words he was saying, papaano kaya kakayanin ng puso ko ang mga pinagsasasabi nito? Gusto ba talaga nito akong patayin sa atake sa puso?

“Alam kong ayaw mo pa rin akong paniwalaan, masakit mang isipin sa parte ko,” pagpapatuloy ni Brent, dahilan para mapatingin ako rito ulit. “Pero hindi ako titigil sa pagsasabi ng mga ganitong bagay sa ‘yo, okay? Para sa ‘yo ang mga iyon at hindi ako magsasawang sabihin ang mga salitang iyon hanggang sa magawa mo na silang paniwalaan.”

Brent, sa totoo lang, ilang beses nang sumisigaw ang puso ko na pinaniniwalaan ko ang mga sinasabi mo. Gusto ko talagang sabihin iyon sa lalaking ito. Pero hindi ko alam kung bakit napakahirap gawin iyon.

“Anyway…” pagpapatuloy ni Brent matapos ang ilang sandaling katahimikan na naman sa pagitan naming dalawa. “Do you want to get something to eat? Magtatanghalian na, ah.”

Noon ko lang naisipang tingnan ang cellphone ko para tingnan ang oras.

11:45 AM.

My gosh! I couldn’t believe I lost track of time para lang makapag-isip. Hindi ko tuloy napigilang bumuntong-hininga.

“Come on. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil sa dami ng iniisip mo. You might have already recovered from the accident pero hindi sapat na dahilan iyon para magpagutom ka.”

I almost rolled my eyes at his statement. Daig pa nito ang nanay ko sa pagsesermon sa akin, ah.

“Halika na. Let’s find some place else to have lunch. And then may sasabihin ako sa ‘yo.”

Sasabihin sa akin? Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan ng kamoteng ito ng mga sandaling iyon?

No comments:

Post a Comment