Wednesday, May 10, 2023

i'll hold on to you 96 - while having lunch

[Relaina]

Nakita ko na lang ang sarili ko na sinasamahan si Brent sa restaurant na katabi lang ng coffee shop na madalas kong puntahan. I could understand why he wanted the two of us to eat here. Hindi man ako madalas magpunta rito para kumain pero alam ko kung gaano kasarap ang mga pagkaing inihahain dito.

But I also knew another reason why he wanted us to go there.

This place had the most amazing view even at noon and at its peak hours. And apparently, it was Brent’s priority at the time he decided that we had lunch in this place.

“Galit ka lang ba sa akin at ganyan karaming pagkain ang gusto mong ipakain sa akin ngayon, ha?” salubong ko kay Brent na may dalang dalawang tray sa magkabila nitong kamay.

It looked like he was used to lifting and carrying such trays dahil wala sa mukha nito na nahihirapan ito sa mga dala nitong pagkain. Kahit sabihin pang may kasama itong service crew na dala rin ang isa pang tray ng pagkain, parang wala lang dito ang mga buhat nito.

“Mas mabuti na ang ganito. At saka hindi lang naman ikaw ang kakain, eh. Baka nalilimutan mo. Mas malaki ang capacity ng bituka ko kaysa sa ‘yo,” sagot naman ni Brent na ngumisi pa.

I just rolled my eyes and shook my head. “Sira-ulo! Hindi ako nakikipagkumparahan sa ‘yo ng capacity ng bituka, ‘no?”

Hindi ko na binigyan ng mahabang pansin ang pagtawa ng service crew na naglapag ng dala nitong tray sa table namin. Pinasalamatan ko na lang ito at agad na hinarap si Brent na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nito. Sa totoo lang, ang sarap sapakin ng sira-ulong ito.

Pero ayokong gawin iyon sa harap ng mga masasarap na pagkain sa mesa ng mga sandaling iyon. It would be disrespectful to the food. Saka ko na pag-iisipan ang gagawin kong pagsapak sa mukha ng lalaking nasa harap ko ng mga sandaling iyon.

“You really like it here, huh?” komento ko makalipas ang ilang sandali bilang pagputol sa mahabang katahimikan sa pagitan namin ni Brent.

Though I could understand that it would be best for us to enjoy the food in silence, hindi ko magawang kumalma sa harap ng lalaking ito na halatang nag-e-enjoy sa kinakain nito. And he was right. Parang wala lang dito ang dami ng pagkaing nasa harap naming dalawa. Tuloy-tuloy lang ito sa pagsubo at pagnguya.

“Dahan-dahan lang ng kain, Mr. Montreal. May bukas pa po,” sabi ko rito.

Pero nginitian lang ako nito at nagpatuloy lang ito sa pagsubo. Napailing na lang ako sa nakita ko bago ko ipinagpatuloy ang sarili kong pagkain. But if I had to be honest, hindi ko magawang kumain nang maayos. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Hindi ko mapigilang kabahan.

Ano ba ang gustong sabihin sa akin ni Brent? It seemed to me na ilang sandali rin akong hinanap ng lalaking ito bago ako naisipang tawagan nito.

“Seriously, Laine, you should eat properly. Lalo mo akong pinag-aalala sa ginagawa mo, eh.”

“Ha?”

Hindi ko maintindihan ang gustong ipunto ni Brent sa sinabi nito. Kaya hindi ko na naitago ang pagtataka at pagkagulat ko na rin.

“Could it be that you don’t like the food here?”

Agad akong umiling para pabulaanan ang sinasabi nito. Teka… Bakit ba nito naiisip iyon? “Bakit mo naman nasabi iyan, ha? I’m fine, okay? May mga… iniisip lang ako. But don’t worry about me or my thoughts about the food. They’re all delicious. Ngayon ko lang lubusang naintindihan kung bakit gusto mong nagpupunta rito para kumain.”

“Wait… Ang tagal mo na rito, pero hindi ka pa rin nagpupunta rito para kumain kahit minsan?”

“Hindi ako lagalag na kagaya mo, ‘no?” biro ko kay Brent bago ko ipinagpatuloy ang pagkain. “But looking at you right now… parang hindi lang ang pagkain dito ang dahilan kung bakit madalas ka rito. Narinig kong sinabi kanina ng manager na nami-miss ka nila kasi wala silang kabiruan at kaasaran.”

To my confusion, I saw him smile sadly. "Ito lang naman kasi ang isa sa pinagtatambayan ko na hindi ako nakakaramdam ng stress o frustration noong mga panahong hindi ko alam kung saan patutungo ang buhay ko."

He must be talking about that dark time of his life, huh? Pinili ko na lang huwag magkomento at saka ko ipinagpatuloy ang pagkain. Yes, it was awkward between us again. O baka nga ako lang ang nakakaramdam nito.

Would that be something weird to think about?

"O, natahimik ka na naman diyan. Wala ka na bang maisip itanong sa akin, ha?"

Doon ako nag-angat ng tingin para harapin ito. Kahit alam kong magre-react na naman nang matindi ang puso ko dahil sa ginawa ko, ginawa ko ang lahat para hindi mahalata ni Brent iyon.

"Wala na. At saka... wala naman akong dahilan para magtanong nang magtanong sa 'yo. Ikaw pa nga yata ang mas maraming magiging tanong sa akin, eh."

I said the last part as a joke, pero hindi ko maitatanggi na totoo iyon. Hindi ko na kailangang i-point out iyon sa lalaking ito. And it looked like I was right kung ibabase ko ang hinala kong iyon sa pagbabago ng expression nito pagkatapos kong sabihin iyon.

To my confusion, though, Brent chuckled —-- albeit bitterly. Pero bakit?

"Ganoon na ba ako ka-transparent sa iyo, Laine?"

I was silent for a while... before I shook my head. "Hindi ko alam kung matatawag ko nga bang transparency iyon. Pero... matagal na tayong magkakilala, eh. Even if it didn't start on a good note, it was still enough. Perhaps long enough for me to realize some things about you. Sapat na siguro ang mga panahong iyon para magawa kong malaman ang posibleng dahilan sa likod ng mga kilos mo."

This time, I was the one who let out a bitter chuckle. Hindi ko na piniling itago pa iyon sa lalaking ito.

"Ako pa nga dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo. How could you tell that something wasn't right about me?"

Hindi kaagad nagsalita si Brent. Tinitingnan lang ako nito nang mataman. Though my heart was pounding loudly once again because of this, I didn't look away. I wanted to know the answer, even if I had this feeling that he would divert the discussion away from it again.

"That's because I've observed you long enough for me to realize certain things about you, as well. Gaya nga ng sinabi mo kanina, hindi naging maganda ang umpisa sa ating dalawa. Hindi ko naman itatanggi iyon, eh. Pero kahit ganoon, gusto kong palagi kang obserbahan sa malayo. That strong urge to watch over you never disappeared, even when I was approaching you and talking to you in a different manner than my true intention of getting to know you better."

Kung ganoon... pareho lang pala kaming nag-oobserba sa isa't-isa. All this time... we decided in a way to not lose sight of each other. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi ni Brent ng mga sandaling iyon sa akin. But they were more than enough to send my heart into a frenzy once again.

“Ah! By the way, may ibibigay pala ako sa ‘yo,” biglang sabi ni Brent na pumutol sa pag-iisip ko.

Hindi ko naman napigilang pangunutan ng noo. Ibibigay sa akin? Ano na naman kaya ang pakulo nito? Pero agad na napalitan ng panlalaki ng mata ang expression ko nang makita ko ang inilabas nito mula sa tabi ng upuan nito.

Wait… Bakit hindi ko man lang yata alam na may dala itong ganoon? Why would he bring a bouquet of white carnation?

“Para saan naman ‘yan?” hindi ko na napigilang itanong dahil sa nakita ko.

Iniabot nito sa akin ang bouquet na iyon na hindi napapawi ang pagkakangiti nito. “That’s for you. Hindi ko nga lang naibigay kaagad during your first day sa bago mong kurso. But… better late than never, right?”

And he was doing it again… giving messages to me using flowers. I knew the meaning of white carnations if I were to base it on what he said. He intended to give them to me on my first day at my new course.

That day was, indeed, a new beginning for me. Just like what the flowers meant to tell me. But for some reason, why was it that I could feel as if there was another meaning to that “new beginnings” in his perception?

May dahilan ba ako para isipin iyon?

No comments:

Post a Comment