Tuesday, May 30, 2023

i'll hold on to you 98 - excitement

[Brent]

I knew it was a bit of a bad idea. Pero matagal nang gustong makilala ni Tita Marie si Relaina. Matagal na rin akong inaasar at tinutukso ni Tita pagdating sa progress ng ginagawa kong “panliligaw” kay Relaina.

Though if I were going to be honest, hindi ko alam kung tama bang sabihin na panliligaw nga ang ginagawa ko pagdating kay Relaina. I would definitely call that crazy, you know.

Pagkatapos kong ihatid si Relaina sa bahay nito ay agad na akong dumiretso pauwi. But instead of heading to the ancestral house, naisipan ko na lang na magtungo sa flower farm ni Tita Marie.

Kaya lang, nagpunta pala sa kabilang bayan si Tita dahil may kailangan daw itong kausapin. Pero nagtungo pa rin ako sa loob ng bahay nito dahil pagod na rin ako at gusto kong magpahinga kahit na pansamantala lang.

Agad akong nahiga sa mahabang sofa na naroon at ipinikit ko ang mga mata ko bago ko ipinatong ang isang braso ko roon.

“Wow! Anong himala ang nangyari at nandito ka ngayon, Kuya Brent? Tapos na ba ang impromptu date mo kasama si Ate Relaina?”

Hindi na ako nag-angat ng tingin mula sa pagkakahiga at pagkakapatong ng braso ko sa mga mata ko kahit nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

“Kailangan kong ihatid nang maaga sa kanila si Laine. Isa pa, ayokong mapahamak na naman ang babaeng iyon. Mabuti na lang talaga at nagawa ko siyang hanapin noong akala kong nawawala siya.”

Narinig kong bumuntong-hininga si Miette bago ko ito naramdamang umupo sa bakanteng sofa sa tabi ko.

“Kuya, hanggang ngayon pa rin ba, paranoid ka pa rin na posibleng mapahamak ulit si Ate Relaina?”

“Nandoon pa rin ang posibilidad, Miette. Hindi mo maiaalis sa akin ang makaramdam ng takot na mangyari ulit iyon. Lalo na’t hindi pa rin nahahanap ang may gawa ng pagkakabangga kay Laine noon. Who knows? Baka may iba pang taong involved sa nangyari.”

I never found myself filtering my words whenever Miette would talk to me. Madali naman kasi itong makahalata ng nararamdaman ko, eh. Isa pa, para ko na rin itong kapatid. Kahit sabihin pang magpinsan lang kami, iba pa rin ang closeness naming dalawa.

“Mukhang seryoso ka na talaga kay Ate Relaina, ah. Grabe na talaga ang pag-aalala mo sa kanya, ah. So… kailan ang kasal?”

Pambihira talaga ang babaeng ito! Ang ganda na ng mga pinag-iiisip ko tungkol dito. Bigla pa talagang naisingit nito ang birong iyon?

“Ano’ng kasal ang pinagsasasabi mo riyan, ha, Miette? Ni hindi pa nga ako umaamin ng nararamdaman ko sa kanya, eh. Kasal na agad ang nasa utak mo?” Kulang na lang talaga, isipin kong nag-uumpisa nang magkaroon ng saltik sa utak ang pinsan kong ito.

“Doon din naman ang punta n’on, ‘di ba? Ngayon lang kaya kita nakitang ganyan kadesido at kapursigido pagdating sa isang babae. O, huwag mong sabihing hindi mo napapansin iyon? Baka gusto mong upakan kita nang wala sa oras diyan.”

Napailing na lang ako sa mga naririnig kong salitang lumalabas sa bibig ng babaeng ito. Hindi na talaga ako magtataka kung magiging magkasundo sina Miette at Relaina kapag nagkita na sa unang pagkakataon ang dalawang iyon.

“Lumalabas na naman ang pagiging brutal mo. Hindi ka naman amasona, sa pagkakaalam ko,” sabi ko na lang bago ako bumuntong-hininga. Pero hindi ko alam kung para saan iyon.

“Hindi nga ako amasona. Pero karamihan ng mga babae, lumalabas ang pagkabrutal kapag tinawag ng sitwasyon at panahon. Lalo na kung kailangang bigyan ng leksyon ang isang sira-ulo o ‘di kaya ay gisingin sa mahabang pagkakatulog ang isang tao.”

“Kung ano-ano na naman ang pinasasasabi mo riyan.” Yes, this young lady was brutal. No questions asked.

Kawawa talaga ang magiging boyfriend nito ‘pag nagkataon.

“Siyanga pala. Inimbitahan ko na si Laine na magpunta rito sa farm. Tutal, ilang beses na rin akong kinukulit ni Tita Marie tungkol sa kanya.”

Wala akong dahilan para itago pa ang plano kong iyon dito sa pinsan ko.

“Talaga? Nagawa mo siyang kaladkarin dito?” At ang babaeng ito, halatang excited. Ano’ng meron para maging ganoon ang reaksyon nito?

At ano ang pinagsasasabi nito? Kinaladkad? Si Laine? Nagbibiro yata si Miette nang sabihin nito iyon.

“Hindi ko siya kinaladkad, okay? Hindi ako kailanman nangaladkad ng babae. Ano bang klaseng masamang hangin ang pumasok sa utak mo at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo?”

Pero ang sira-ulong pinsan kong ito, nakuha pang humalakhak. Mukhang gagawin na naman akong source of amusement nito habang naroon ako sa bahay nito.

“Ito naman, nagbibiro lang ako, eh. Masyado ka kasing seryoso. Parang ang laki ng problema mo gayong nagawa mo naman palang imbitahan si Ate Relaina na magpunta rito sa wakas. Pero teka, pumayag ba siyang magpunta rito?”

Tumango ako. “Pumayag siya, huwag kang mag-alala. Sa Linggo siya pupunta, dahil iyon lang naman ang free time niya, eh. Ipapaalam ko na rin iyon sa mga magulang niya sa susunod na magpunta ako kina Laine.”

Ayokong ilagay sa dilim ang mga magulang ni Relaina pagdating sa mga plano ko sa unica hija ng mga ito. Not to mention, it was also courtesy that I would tell them.

“Wow… Bilib din ako sa dedikasyon mo pagdating sa babaeng iyon, ah. Kulang na lang talaga, isipin kong kinulam ka ni Ate Relaina para maging ganyan ka.”

Pambihira ka, Miette! Sunud-sunod na ang nagiging banat at pang-asar mo sa akin ngayong araw na ito, ah. Huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Noon lang tuluyang rumehistro sa isip ko ang mga pinagsasabi ng babaeng ito sa akin.

“Sana nga, ganoon ang nangyari para naman maging madali sa akin ang umamin sa kanya ng nararamdaman ko. Pero si Laine ang huling babaeng alam kong gagamitan ako ng gayuma. Masyadong proud ang babaeng iyon. Too proud to actually need a man in his life after her heartbreak.”

Oh, great! Here comes another self-pity for me. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko ng mga sandaling iyon.

Pero totoo naman ang sinasabi ko, eh. Like what I had mentioned, hindi ako nakakapagsinungaling sa pinsan ko. Lalo na kung patungkol ang mga hinaing ko sa babaeng talaga namang kumuha ng puso ko. Iyon ay kahit hindi ko pa rin magawang aminin ang katotohanang iyon kay Relaina hanggang sa mga sandaling iyon. It was frustrating me, indeed.

“O, huwag mong sabihing sumusuko ka na dahil lang naisip mo iyon? Hindi ako maniniwala sa ‘yo kung ganoon nga talaga ang mangyayari.”

I could only scoff at her words. But perhaps that scoff was directed to myself instead of my cousin. Kilalang-kilala na nga yata ako ng babaeng ito. She knew what was running in my mind and even how my mind worked.

“Alam mo, Miette, ilang beses ko nang gustong sukuan ang panliligaw ko kay Laine. Lalo na noong mga panahong talagang gusto kong itago sa kanya ang nakaraan ko. I never wanted to let her see my dark side. Pero… mukhang may ibang plano ang tadhana sa akin pagdating sa nararamdaman ko para sa babaeng iyon.”

Hay… heto na naman ang umpisa ng kakornihan ko. Pero wala naman akong planong itago iyon.

“Seriously, Kuya Brent, who would’ve thought na aabot ka ng ganito katagal sa pagpapalipad-hangin at sa panliligaw mo na, sa tingin ko, hindi masyadong sineseryoso ni Ate Relaina. May palagay akong may kinalaman iyon sa naunang impression niya sa ‘yo,” sabi ni Miette makalipas ang ilang sandaling katahimikang nakapalibot sa aming dalawa ng mga sandaling iyon.

Another bitter smile appeared on my face. I couldn’t help wondering if I would even run out of reasons to smile as if I’ve given up or something like that.

“Hindi ko na magagawang burahin iyon sa isip niya. Pero gusto kong gawin ang lahat para patunayan sa kanya na higit pa ako sa unang impresyon niya sa akin na hindi man lang maganda. Not that I could blame her for doubting me.”

“Huwag kang mag-alala, Kuya Brent. Isa ako sa mga number one supporters mo pagdating sa panliligaw mo kay Ate Relaina. Grabe! Gusto ko na talaga siyang makilala. Sana maging magkasundo kami.”

This time, hindi ko na naiwasang mapangiti sa mga pinagsasabi ni Miette. Hindi ito nagbibiro sa excitement na nararamdaman nito. At sa nakikita ko, maging ako ay nakakaramdam na rin ng excitement na ipakilala si Relaina sa dalawang taong mahalaga sa akin.

No comments:

Post a Comment