[Relaina]
Kahit na anong pangungulit sa akin ni Brent, hindi ko sinabi rito ang totoong dahilan kung bakit wala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. As if I could easily blurt out the fact that he was the reason for me to feel that way. Hindi pa ako nasisiraan ng bait, 'no?
Isa pa, mahal ko pa ang puso ko. Tama na ang pagpapahirap na ginagawa ng lalaking iyon sa puso ko kahit na tinitingnan ko lang ito.
"Salamat nga pala sa paghatid mo sa akin hanggang dito sa bahay," umpisa ko para lang maputol ang katahimikang nakapalibot sa aming dalawa the whole time na naglalakad lang kami.
Siyempre pa, walang pasubaling hinawakan ni Brent ang libreng kamay ko. Nasa isang kamay ko naman ang white carnation bouquet na ibinigay nito sa akin.
"Para namang hahayaan kitang maglakad nang mag-isa sa pag-uwi mo, 'no? At saka sinabi ko naman kina Tito't Tita na sisiguraduhin kong makakauwi ka nang maayos."
Napatingin lang ako kay Brent pagkatapos nitong sabihin iyon. Lalo na nang marinig ko sa tinig nito na para bang... may gusto pa itong sabihin sa akin. And there was also fear in his voice…
Nag-aalala pa rin ba ito sa akin dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko noon? Kailan ba magagawang kumalma ng lalaking ito?
Huminga na lang ako ng malalim at saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Brent. Hindi na ako nagtaka nang maramdaman kong natigilan ito, na para bang hindi nito inaasahan ang ginawa kong iyon.
“Mukhang nagagawa mo nang gayumahin ang mga magulang ko para pagkatiwalaan ka nila nang ganito pagdating sa akin, ah,” biro ko bago ko hinarap si Brent.
For some reason, my heart soared at the sight of his cheeky smile as soon as I faced him. Nagagawa lang kumalma ng puso ko kapag nakikita kong ganito ang lalaking ito. Whether I would admit it or not, I’d like for this guy to maintain his smile like that.
Pero dahil sa nangyari sa akin na muntik ko nang ikamatay, at dahil hindi pa rin nahahanap ang taong may gawa n’on, alam kong malabo pang mangyari ang hiling kong iyon para sa lalaking ito.
“Ayokong mag-alala sila na sasaktan kita o kahit na ano pa. As much as I can, I want to prove to them na mapagkakatiwalaan ako. Lalo na pagdating sa intensyon ko sa ‘yo.”
Seriously, Brent? Mukhang habit mo na yata ang palakasin ang pagtibok ng puso ko dahil sa mga pinagsasasabi mo sa akin. Magkaganoon man, nararamdaman ko naman na nagsasabi ito ng totoo.
And if I had to be honest, that was scary for me. For my heart, as well.
“Inaalala mo pa rin ba ang mga sinabi ni Marjie sa ‘yo?” tanong ni Brent sa akin kapagkuwan.
Muli ay napatingin ako sa lalaking ito. This time, nakakunot ang noo ko. I wasn’t going to lie, his question had confused me. Bakit naman napasok sa usapan ang baliw na babaeng iyon?
“Wala akong panahong isipin ang sira-ulong iyon, ‘no? And besides, wala naman akong dahilan para isipin pa siya. You made your point, I made mine. Ang kapal na lang ng mukha niya kapag hindi pa niya nakuha ang ibig sabihin n’on.”
“I guess it was a mistake for me to point out my intentions for you to her before.”
“Before? May mga sinabi ka na ba sa kanya noon?”
Hinarap ako ni Brent na nakakunot ang noo. “You didn’t know? Nandoon ka pa sa classroom nang sabihan ko siya dahil sa ginagawa niyang panlalait sa ‘yo.”
It was my turn to frown this time. Pinilit kong halungkatin ang isip ko sa anumang alaalang konektado sa sinasabi ni Brent ng mga sandaling iyon.
It didn’t take me long to recall the memory that he was talking about, though. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin dito. “Are you talking about… that day? Nang makita ko kayo ni Marjie sa labas ng classroom?”
Tumango ito at nagpatuloy sa paglalakad. Siyempre pa, kasama na ako roon dahil hindi pa naman nito binibitawan ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
“That was the last time I ever talked to any other girls na lumalapit sa akin. At doon na rin ako naging sigurado sa kung ano talaga ang gusto kong gawin pagdating sa… mga bagay na may kinalaman sa ‘yo.”
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko napigilan ang panlalaki na naman ng mga mata ko. This time, dahil sa mga sinabi nito. “Alam mo, hindi ko na tuloy maiwasang matakot sa ‘yo dahil sa mga lumalabas sa bibig mo.”
“Huwag kang mag-alala, okay? Wala akong planong masama sa ‘yo. Hindi lang dahil sa kung ano ang kaya mong gawin sa akin, kundi dahil ayokong kamuhian ako ng mga magulang mong nagtitiwala sa akin pagdating sa ‘yo,” sabi ni Brent at saka hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin sa mga pinagsasasabi ng lalaking ito. Even Oliver had never made me confused like this when we were still a couple. Hindi naman kami ni Brent ng mga sandaling iyon. Pero mukhang ganoon ang gustong iparating nito sa akin ever since that night he promised me that he would try to let go of his dark past and the emotions related to that.
He was doing his best to be vocal about the things he said he wanted to do with me.
“Tigilan mo na nga ang pag-iisip ng mga bagay na magpapagulo lang sa isipan mo. For now, concentrate on your new life as a Journalism student and… possibly more moments together with me.”
“Ha?” Ano na naman ang gustong iparating nito sa akin ng mga sandaling iyon? “More moments with you? You mean like a date?”
“We’ve had lots of dates already. Pero sa totoo lang, hindi ko maikokonsiderang ‘ideal date’ ang mga iyon dahil… hindi naman tayo, eh. At least not yet.”
Woah! Bold one, right there! Seryoso ka lang, Brent Allen Montreal? “Umiral na naman ang pagiging hambog mo, Mr. Montreal.”
“Marami pang posibleng mangyari, Ms. Avellana. Lalo na pagdating sa ating dalawa at sa mga maaaring kahantungan ng pagiging seryoso ko pagdating sa ‘yo at sa gusto kong iparating sa ‘yo.”
And there he was, declaring things like that again. Mukhang hindi talaga marunong sumuko ang lalaking ito pagdating sa mga bagay na gusto nitong ariin. I should be scared, you know? But for some weird reason, I couldn’t feel anything like that.
Gaya na rin ng gusto nitong iparating sa akin, wala akong dapat na ipag-alala na maaaring ikasira ng tiwala ko rito at pati na rin ng tiwala ng mga magulang ko rito. He truly valued that.
“Kahapon ko lang na-realized, ang tagal ko na rin palang hindi nagbibigay ng bulaklak sa ‘yo,” sabi nito makalipas ang ilang sandali. “Then again, sa dinami-rami ng mga nangyari, lalo na sa ‘yo, hindi na ako nagtaka kung bakit pati ang isang bagay na tumutulong sa akin para maiparating ko ang mga gusto kong sabihin sa ‘yo, nakalimutan ko na.”
“Is that the reason why you gave me this white carnation bouquet today?”
Narinig kong tumawa si Brent, dahilan upang muli akong mapatingin dito. “Ibibigay ko nga dapat iyan noong unang araw mo sa bagong kurso mo. Pero sinira ng Marjie na iyon ang plano ko. Mabuti na lang at hindi ako kinagalitan ni Tita Marie na hindi ko naibigay sa ‘yo kaagad ang bouquet.”
“Siya ba ang may-ari ng flower farm na pinagkukuhanan mo ng mga bulaklak na pinagbibibigay mo sa akin mula nang magkakilala tayo?”
Tumango ito. “Kapatid siya ng Papa ko. Dati siyang nakatira sa New Zealand pero nagdesisyon lang na dito na tumira mula nang magpakasal ang mga magulang ko. Nagkataon naman na may bakanteng lupa malapit sa hacienda at ini-offer iyon ni Mama kay Tita Marie para gawin ang gusto nito.”
“And that happened to be horticulturing?”
“Oo. May kinalaman din kasi roon ang naging trabaho ni Tita Marie sa New Zealand. Kumbaga, ginamit lang niya ang mga natutunan niya roon para magpalago ng isang flower farm.”
It was around that time na nakarating na kami sa bahay ko. Pambihira, hindi ko na naman namalayan. Lagi na lang ganito ang nangyayari kapag nag-uusap kami ng lalaking ito habang naglalakad pauwi.
With a sigh, nagpaalam na ako kay Brent. Papasok na sana ako sa loob nang bigla na naman akong tawagan nito.
“Hm? May problema ba?”
Ilang sandali rin akong tiningnan ni Brent bago ito magsalita. “Wala kang pasok sa Sunday, ‘di ba?”
Tumango ako, kahit na nagtataka ako sa tanong nitong iyon. Wala naman talagang klase sa Oceanside kapag Linggo, maliban na lang sa mga NSTP students. Pero bakit nito tinatanong iyon?
“Gusto ko sanang dalhin ka sa flower farm. Gusto ko sanang makilala ka na ni Tita Marie.”
Ha? Ano na naman ang pinaplano ng lalaking ito, sa totoo lang? Meeting a relative of his? Pero bakit?
No comments:
Post a Comment