Wednesday, April 3, 2024

the last sky of the earth 106 - source of the scrolls pt. 3: possibility

Even with the confident way that Seiichi had spoken those words with regards to the memories he had about visiting Japan even before Hitoshi invited him, he knew that something was still wrong about everything from his missing past. Pero sa mga sandaling iyon, wala na muna siyang ibang iisipin kundi ang tulungan ang kaibigang si Reiko sa problema nito.

Of course, it was easier said than done. Lalo na’t ang mga scrolls na nasa pangangalaga niya ang kailangan nilang pag-aralan para mahanap ang sagot na hinahanap nito. Gayunpaman, wala na siyang ibang pagpipilian. May pakiramdam siya na para rin sa kanya ang ginagawa niyang pagtulong na ito.

Pero bago sila nagtungo sa Treasure Room, sinigurado muna ng magkaibigan na sarado ang lahat sa loob ng bahay. They just couldn't risk anyone finding out about that room. Minsan nang muntik makompromiso ang silid na iyon at hindi na niya gustong maulit pa iyon.

"Grabe naman pala ang pag-iingat mo kapag nagpupunta ka sa Treasure Room mo," komento ni Reiko matapos nilang masiguro na walang makakapasok sa loob ng bahay.

"Kailangan, eh. Pero maiintindihan mo naman kung bakit ganito na lang ang precautions na ginagawa ko bago ako pumasok doon. Hindi basta-basta ang mga gamit na ipinagkatiwala sa akin ng mga magulang ko bago sila namatay. At ganoon din ang Lolo ko."

"Was your grandfather really that strict when it comes to these treasures of yours?"

"Oo, lalo na at kami lang ng mga magulang ko ang talagang nakakaalam ng tungkol doon. May mga... ibang tao rin akong nakikitang... kausap ni Papa at ni Lolo noon..."

Pagkasabi sa mga salitang iyon ay biglang napahawak si Seiichi sa ulo niya. 'Wait a minute... What the heck was that memory just now?'

May isang lalaki at isang babae na kausap ang Lolo niya sa sala kasama ang kanyang mga magulang. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito pero hindi siya nagtangkang lumapit noon para makinig kahit papaano.

"Are you okay? Bakit parang biglang naging paputol-putol ang mga sinasabi mo ngayon lang?" tanong ni Reiko na agad na pumutol sa pag-iisip niya.

Napatingin siya sa kaibigan, hindi pa rin nawawala ang pangungunot ng kanyang noo. "Hindi ko alam. May bigla na lang akong naaalala habang nagkukuwento sa 'yo nang ganito tungkol kina Lolo at Papa."

"Has it happen before? 'Yong bigla ka na lang may maaalala na kung ano mang may kinalaman sa mga nawawalang bahagi ng nakaraan mo kapag nagkukuwento ka ng tungkol sa kanila."

Pilit niyang inaalala ang mga pagkakataong ganoon ang nangyayari sa kanya. At bilang lang sa kanyang mga daliri ang mga pagkakataong iyon.

"Oo. Kay Shuji... at sa 'yo. So far, sa inyong dalawa ko pa lang naman naikukuwento ang tungkol doon."

Si Reiko naman ang kumunot ang noo ng mga sandaling iyon. "Shuji? Sino iyon?"

Oo nga pala. Hindi nga pala niya kailanman binanggit sa babaeng ito ang tungkol sa taong iyon. "Shuji Haruta. Siya ang dating shadow guardian ni Hitoshi. Isa sa mga inihabilin ni Hitoshi sa kanya ay ang bantayan ako kapag may nangyaring hindi maganda sa kaibigan kong iyon."

"Shadow guardian? Ngayon ko lang yata nalaman na may ganyan palang posisyon sa Shinomiya clan."

"Hindi lang sa Shinomiya clan may ganoong klaseng sistema. Pati na rin sa ibang angkan sa Shrouded Flowers. Ang pinagkaiba lang, tanging ang itinalagang central leader ng grupong iyon ang may dalawang shadow guardian. Habang ang ibang active members at clan leaders, isa lang ang nakatalagang shadow guardians sa kanila."

"Sa mga nabasa mo sa scrolls, minsan na bang nabanggit ang tungkol sa mga angkan sa Shrouded Flowers? Kahit sabihin pa kasing kilalang prestihiyoso ang mga angkang kabilang doon, hindi ko maintindihan kung bakit parang ang dami pa rin niyang misteryo. At may posibilidad din na affiliated sila sa isa't-isa in some ways."

Hindi lang si Reiko ang nag-iisip ng ganoon. Maging siya, sa simula't sapul ay ganoon din ang naiisip tungkol sa mga angkang kabilang sa Shrouded Flowers.

"Iilan lang ang may impormasyong may kinalaman sa kanila. Mas madalas kasi na tungkol sa Silhouette Roses ang binabanggit sa scrolls."

"Silhouette Roses? Ano 'yon? Panibagong grupo?"

Tumango si Seiichi bago sumagot. "Parang ganoon na nga. But this was an ancient group, kasingtanda na rin ng Shinomiya clan. Binuo sila around 400 years ago sa Japan. But around 300 years ago, nangyari sa kanila ang nangyari sa Shinomiya clan. A certain group annihilated them in the middle of the night."

"Huwag mong sabihing ang grupong umatake sa Shinomiya clan ang may gawa rin ng pag-atake sa Silhouette Roses?"

"No. It was a different group. Pero... hindi pa ako umaabot sa puntong nabasa ko na ang lahat ng scroll. Kaya may mga impormasyon pa akong hindi nalalaman tungkol sa massacre na iyon. Hindi ko nga alam kung may impormasyon din sa mga scrolls na iyon tungkol sa misteryosong grupo na may pakana ng pag-atake sa kanila, eh."

"Pambihira! Ang komplikado naman pala ng buhay ng grupong sinasabi mo sa akin." Umiling-iling si Reiko at marahas pang bumuntong-hininga. Ilang sandali pa ay bigla itong natigilan bago siya tiningnan. "Pero... may nabasa ka na bang kahit na ano tungkol sa combat style ko?"

"Combat style mo? 'Yong paraan mo ng pakikipaglaban gamit ang wakizashi mo?"

"Oo."

Muli ay pinilit tandaan ni Seiichi ang mga impormasyong nabasa na niya sa scrolls.

"I did come across some information about blade techniques na exclusive lang sa pamilyang nasa Silhouette Roses. Pero hindi ako sigurado kung iyon nga ba ang tinutukoy mo."

"You know what? I think we should check it already. Tutal, nasigurado naman na natin na wala nang makakapasok dito sa loob. If there was someone who would still dare enter here, nandito naman ako para lumaban."

Hindi niya napigilang matawa sa sinabing iyon ng kaibigan. "'Di ba ako dapat ang nagsasabi niyan? Ako ang lalaki rito."

Pero si Reiko, tinaasan lang siya ng kilay. "Bakit? Wala na bang karapatang makipaglaban ang babae? At 'di hamak naman na mas skilled ako sa pakikipaglaban kaysa sa 'yo."

"Wow! Nagmayabang ka na naman ng combat skills mo. Oo na, sige na. Halika nga!"

Mabuti pa ngang magtungo na sila sa dapat nilang puntahan para lang matahimik na ang babaeng ito. Baka mamaya niyan ay tuluyan na siyang awayin nito kapag hindi ito nakapagpigil.

xxxxxx

Gusto nang matawa nang malakas ni Seiichi sa nakikitang gulat na reaksyon ni Reiko nang sa wakas ay napasok na nila ang Treasure Room. Kitang-kita rin sa mga mata nito ang pagkamangha sa lahat ng mga gamit na makikita nito sa loob ng silid na iyon.

"Ako lang ba ang nag-iisip na parang ginamit mo na yata ang buong basement ng bahay mong ito para lang maging Treasure Room mo?"

"Kailangan, eh. Marami-rami rin ang ipinagkatiwala nilang mga mahahalagang bagay sa akin. And I needed space to put them in a safe place. Kaya ito na lang ang naisip kong gawin," simpleng sagot niya habang nilalapitan ang altar kung saan naroon ang mga estatwa ng Four Celestial Beasts.

"Was it always like this? O ikaw na lang ang nag-isip na ganito ang gawin mo sa basement na ito? Isang malaking vault pa talaga ang pinto ng silid na 'to," tanong ni Reiko kapagkuwan nang makalapit na ito sa kanya.

"Matagal na 'to rito. May palagay akong si Lolo ang nag-install nito rito, sa permiso na rin ni Papa. Hindi naman kasi basta-basta umaayon si Papa sa mga plano ni Lolo nang walang permiso niya. At mukhang kailangan din ng permiso ni Mama para mangyari ito."

"But honestly, this is way too much for a place to protect these things. Kahit ganoon, naiintindihan ko naman. Masyadong mahalaga ang mga gamit na nandito. Who would've thought na makakakita talaga ako ng complete collection ng Four Celestial Beasts statues sa lugar na 'to?" komento na lang ni Reiko habang nakatingin sa apat na estatwa sa altar na naroon. Habang siya ay napayukod sa isang tuhod at binuksan ang isang kabinet na naroon. "Pero... ako lang na ang nag-iisip na posibleng may koneksyon ang mga ito sa isang importanteng ceremony sa isang angkan? Sa Silhouette Roses."

May punto ito. Pero sa totoo lang, maging siya ay ganoon din ang kutob sa mga gamit na naroon sa silid na iyon.

"Iyon naman ang sabi ni Papa at maging ni Lolo sa akin noon. Pero hindi ko maalala kung nabanggit ba nila sa akin kung anong klaseng seremonya ang pinaggagamitan ng mga estatwang ito. Not just that, even these rose tapestries... Alam kong malaki ang kahulugan nito sa Silhouette Roses."

"At hindi lang dahil sa rason na rose ang flower emblem ng angkan na 'to?"

Tumango si Seiichi at isa-isa nang inilabas ang mga scrolls mula sa wooden chest na kinuha niya sa loob ng cabinet sa ibaba ng altar. Inumpisahan na rin niyang ihiwalay ang mga nabasa na niya sa mga hindi pa. Sa buong durasyon ay nakatingin lang sa kanya si Reiko at pinapanood ang ginagawa niya.

"By the way, Seiichi. Alam mo ba ang pangalan ng mga angkan sa Silhouette Roses?" kapagkuwan ay tanong ni Reiko na ikinatigil ni Seiichi.

Ilang sandali rin siyang hindi kumilos dahil hindi siya sigurado kung sasagutin nga ba niya ang tanong nitong iyon. Pero sa totoo lang, mukhang wala naman nang dahilan para itago rito ang tungkol sa bagay na iyon.

"Yasunaga. Iyon lang ang angkan na bumubuo sa Silhouette Roses."

"Pero... paano'ng... Ang akala ko, hindi lang iisang angkan ang meron sa grupong iyon."

"Isang angkan lang ang bumubuo sa grupo ng Silhouette Roses, sa maniwala ka't sa hindi. Pero binubuo naman ito ng apat na branches ng Yasunaga clan. Each branches was acting as if they were independent clans. Ang massacre na binanggit ko sa 'yo kanina... Isa iyon sa mga rason kung bakit nagkaroon ng four main branches ang Yasunaga clan na kalaunan ay bumuo sa Silhouette Roses. At gaya ng Shrouded Flowers, meron ding central leader ang Silhouette Roses."

Ilang sandali ring hindi nakapagsalita si Reiko pagkatapos niyang sabihin iyon. Ipinagpatuloy naman niya ang pag-aayos sa mga scrolls para maumpisahan na nilang basahin ang mga iyon. Pero ang sumunod na tanong nito ang nagpagulat sa kanya.

"Posible ba na... kabilang ka at ang pamilya mo sa Yasunaga clan na iyon?"

No comments:

Post a Comment