Wednesday, April 10, 2024

the last sky of the earth 107 - source of the scrolls pt. 4: realizations

"Posible ba na... kabilang ka at ang pamilya mo sa Yasunaga clan na iyon?"

Kahit kailan, mula nang mawala ang alaala ni Seiichi ay hindi niya ikinonsidera ang posibilidad na iyon. But in each day that passed by since returning from New Zealand, unti-unti nang nagbabalik ang mga alaala na hindi niya inakalang maaalala pa niya.

It was a crazy thought, to be honest. Pero wala siyang makitang dahilan para pagdudahan pa ang mga iyon. Lalo na nang dukutin siya ng Dark Rose para sabihin sa mga ito ang mga impormasyong kailangan ng mga ito.

He still couldn’t figure out the exact thing that they wanted. Pero mukhang maging siya ay hindi pa magagawang malaman ang totoo tungkol sa tunay na pakay ng mga demonyong iyon sa kanya.

“O, natahimik ka na riyan. May mali ba sa tanong ko?” tanong ni Reiko makalipas ang ilang sandaling pananahimik, dahilan upang maputol din ang pag-iisip niya.

Gustuhin man niyang umiling, hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa. Marami pa siyang hindi alam pagdating sa Silhouette Roses. Posibleng limited din lang ang mga nakalagay sa scrolls na ipinagkatiwala sa kanya ng Lolo niya. Pero siyempre, hindi siya sigurado. May ilan pa siyang hindi nababasa.

Pero sa mga sandaling iyon, kailangan muna niyang ialis ang kanyang isipan sa napakaraming tanong na naglitawan dahil sa tanong ni Reiko sa kanya. Mas mahalaga pa rin sa kanya na matulungan ang kaibigan sa pinoproblema nito. Saka na niya iintindihin ang isyung iniisip niya.

"Saka mo na sagutin ang tanong ko," sabi ni Reiko kapagkuwan pagkatapos nitong bumuntong-hininga. "Mukhang nawawala na naman ang utak mo kapag tungkol sa misteryosong pamilyang iyon ang pinag-uusapan. Then again, naiintindihan naman kita. Sa dinami-dami ng mga nangyari na may kinalaman sa Shinomiya clan at posibleng pati na rin sa Silhouette Roses, kahit ako ay mapapaisip nang husto."

Hindi napigilang mapangiti ni Seiichi. Kahit ganoong madalas silang magbangayan ng kaibigan ay nagkakaintindihan naman sila nito. "Thanks, Reiko."

"Pero sagutin mo nga ang tanong ko. May ideya ka ba kung saan nanggaling ang mga scrolls na sinasabi mong nasa pangangalaga ng Lolo mo at ipinasa na niya sa 'yo? May nabanggit ba siya tungkol dito?"

Heto na naman ang babaeng ito sa pagtatanong ng maraming bagay sa kanya. Pero sasagutin niya ang mga iyon sa abot ng makakaya niya. Mahirap nang mabuwisit na naman ito sa kanya kapag hindi niya naibigay rito ang kailangan nito.

"A lot of information about the items in this room remained a mystery to me. Pero posible rin na may nabanggit na ang mga magulang ko at... hindi ko lang maalala." It was the truth.

"Even the scrolls?"

"Yes, even these scrolls." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Seiichi bago kinuha ang mga scrolls na hindi pa niya nababasa para mailagay na iyon sa center table sa silid na iyon. "Kung ako sa 'yo, sabay na lang nating basahin ang ilan sa mga impormasyon dito. Lalo na sa mga hindi ko pa nababasa."

"Naghahanap ka lang ng karamay sa paghihirap mo, eh."

Tiningnan tuloy niya nang masama ang kaibigan. "Hoy! Baka nalilimutan mo, uumpisahan ka na ring pahirapan ng mga ito. Ikaw ang may gustong hanapin ang sagot na kailangan mo sa mga gamit na iniwan ni Lolo sa akin."

"Kung bakit ba naman kasi ang dami pang sikreto ng mga tao sa paligid natin, eh. Hindi na lang kasi nila banggitin sa atin nang diretso ang mga bagay na kailangan nating malaman. If they even cared about our future, sana hindi na lang nila tayo pinahirapan nang ganito."

Muling bumuntong-hininga si Seiichi dahil sa mga reklamo ni Reiko. Pero hindi naman niya ito masisisi. Isa pa, may punto ito. Hindi nga lang ganoon kadali ang hiling nitong iyon. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi na nila mababago ang mga naging desisyon ng mga taong posibleng involved sa mga sikretong kailangan nilang malaman.

"Saka ka na magwala kapag nahanap mo na ang kailangan mo. Walang magagawa ang pagrereklamo mo riyan kundi ang bigyan ka ng dagdag na sakit sa ulo."

"Brutal ka talaga..."

"Matagal na akong brutal, lalo na sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang magreklamo ng walang tigil."

Si Reiko naman ngayon ang napabuntong-hininga nang maupo na sila sa mahabang sofa na naroon. "Ilang scrolls pa ba ang kailangan mong basahin pa, ha?"

"May sampu pa. Well, make that eleven dahil hindi ko pa naman talaga tapos basahin ang pang-sampu dahil nga kinidnap ako. Kahit nang maka-recover na ako't lahat, hindi na ako nagkaroon ng oras na ituloy ang pagbabasa sa mga ito." Sa dami ng mga naganap pagkatapos n'on, hindi na nakakapagtaka iyon.

"Then let's get started reading that supposed tenth scroll. Baka may makita na tayong impormasyon doon."

"Huwag kang pakakasiguro na may makikita tayo kaagad sa scroll na iyon dahil tungkol naman sa sinasabing 'Blue Rose Tasuke' ang nakasulat doon. Hindi ko alam kung ano iyon at ano ang kaugnayan n'on sa Silhouette Roses."

Ilang sandali pa ay inumpisahan na nga nilang basahin ang pangsampung scroll na hindi pa niya natatapos basahin. The one with the title "The Darkest Night of the Four Roses." Well, nalaman nilang dalawa ni Reiko na isa lang ang topic na iyon sa nilalaman ng scroll na iyon.

Nagpatuloy pa sila sa pagbabasa kahit na Nihongo ang gamit na lengguwahe sa pagsusulat ng nilalaman ng scroll. Isa pa iyon sa mga naging realisasyon nilang magkaibigan. Kabilang sa mga pinag-aralan nila ang Japanese language.

Hindi nagtagal ay narating na nila ang isang posible parte ng scroll na hinahanap ni Reiko.

"Woah... Talk about luck. May nagsulat na pala ng tungkol sa mga scrolls na ito. Pero... hindi ko maintindihan kung bakit itinago ng Blue Rose Tasuke ang mga scrolls na ito kung gayong mahalaga naman pala ito sa Silhouette Roses," ani Reiko makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila matapos basahin ang bahaging nakita nila.

"Well, it's mainly to protect the scrolls from spying eyes, I guess. Tanging ang mahahalagang tao lang naman daw ang maaaring magbasa ng mga scrolls na ito. At least, iyon ang isa sa mga isinulat ni Lolo sa note na iniwan niya kasama ng mga scrolls na ito."

"That would make your grandfather one of those important people, then."

Mukhang pumupunta na nga sa direksyong iyon ang mga realisasyon nila pagkatapos mabasa ang nilalaman n'on. "Parang ganoon na nga kung ibabase ko na rin sa paraan ng pagtatago nito ng mga scrolls na ito pati na rin sa akin."

'Di nagtagal ay ipinagpatuloy na si Seiichi ang pagbabasa at hinayaan na lang muna niya si Reiko na ipagpatuloy ang pag-iisip nito. Hanggang sa kumunot ang noo niya sa isang bahagi na kumuha sa kanyang atensyon.

"That's weird..." bulong niya na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

"What is?"

"Tingnan mo 'to." At agad na itinuro niya ang bahaging kumuha ng atensyon niya.

Inilapit naman ni Reiko ang paningin sa bahaging itinuro niya at matamang binasa iyon. Nag-umpisa na nitong basahin ng malakas ang isang parte niyon.

"'Despite its darkest night, the clan that now chose to devote ourselves to the will of the four roses will fulfill its duty and ultimate goal to revive its fallen honor. So for the new leader of the Yasunaga clan who happens to be reading this, and even those who are chosen to fulfill their duties to the leader, this is our guarantee to you. The one who gives you the scrolls has already given you the right and the authority to lead the fallen clan. The one who allows you to read its contents has given you the main knowledge that you will need to help us revive the clan's trampled honor. This is the knowledge that I, Tasuke of the Yasunaga, a survivor of the Blood Moon Massacre, will pass on until the clan fully revives and regains its lost honor and dignity...'" Unti-unting humina ang boses ni Reiko nang mabasa na nito ang huling parte.

Mukhang hindi pa kaagad rumerehistro sa isip ng dalaga ang mga nabasa nito. Then again, ganoon din naman siya. Hindi rin niya magawang maiproseso nang maayos ang mga nabasa niyang iyon. Pero kailangan niyang ayusin ang takbo ng kanyang utak dahil mahalagang may makuha silang sagot sa lahat ng mga impormasyong nalaman nila ng mga sandaling iyon.

"T-teka lang... hindi ko na yata maintindihan ito," umpisa ni Reiko makalipas ang ilang sandaling pagkalito at saka siya hinarap nito. "Are you saying that this scroll and all of the other ones in your possession that are in this room answered my question to you earlier? Na parte ka nga ng Yasunaga clan? And a very important one, at that, as well."

Kinailangan munang huminga ng malalim ni Seiichi bago nagawang sagutin ang mahalagang tanong na iyon ng kaibigan. "Nasagot na rin nito ang isa sa mga tanong mo, Reiko."

Kumunot ang noo nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"'Those who are chosen to fulfill their duties to the leader...' Minsan mo nang binanggit sa akin na sinanay ka ng tatay mo sa pakikipaglaban dahil may mahalagang bagay kang kailangang gawin. And that duty... was already related to me." Hinarap niya si Reiko kapagkuwan at matamang tiningnan ito.

"But that doesn't explain —-"

"It explains something. Dahil ayon na rin sa isa sa mga scroll na binasa ko, ang fighting style na sinanay mo ay may kinalaman sa isang sword technique na exclusive lang para sa Yasunaga clan."

Nakita ni Seiichi ang panlalaki ng mga mata ni Reiko matapos niyang sabihin iyon. Pero sa totoo lang, hindi niya ito masisisi. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang mga realisasyong nalalaman nilang dalawa ng mga sandaling iyon.

"All this time... are you saying that I was meant to learn to fight just so I could protect you? From whatever was still after the Silhouette Roses? Para tuluyan nang bumangon ang Yasunaga clan?"

No comments:

Post a Comment