Wednesday, April 17, 2024

the last sky of the earth 108 - knight's scene: stirring fire

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Satoru nang makarating na siya sa pakay niyang lugar --- ang entrance para sa pagpasok niya sa Mt. Cleantha. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan kung gagawin na ba niya ang isa sa ipinag-uutos ni Hitoshi sa kanya bago ito mamatay.

It was an order written with his exclusive seal on it. Kaya alam niya na isa iyong secret order sa kanya ni Hitoshi. Bagaman wala namang binanggit na time limit ang ipinag-uutos nitong iyon, hindi pa rin siya makapaniwala na pinaabot pa niya ng matagal bago niya naisipang gawin na iyon.

Pero bago iyon, may kailangan muna siyang kumpirmahin. Lalo pa't nakarating sa kanya ang isang balita na may kinalaman kay Mamoru. Ibinalita iyon sa kanya ni Shuichi na nagkataong nasa pinangyarihan ng pag-atake sa mga ito.

Isang tao lang sa mga sandaling iyon ang gusto niyang tawagan.

"Woah... Mukhang nakarating na sa 'yo ang balita, ah," salubong sa kanya ng taong kausap sa kabilang linya.

"Si Shuichi ang nagsabi sa akin. Baka raw kasi hanapin ko si Mamoru. But was it true, Doc? Si Cronus ang may gawa niyan sa kanya?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Shingo sa kabilang linya bago ito nagsalita. "Yeah. Pati kami na tumulong sa kanya, muntik pang madamay. Mabuti na lang at may tumulong sa amin na tumakas sa mga sira-ulong iyon. And I didn't think Aphrodite would come out of hiding just to attack us, as well."

"It looked like you managed to get out of there unscathed, though."

"Oo. Siyempre, may tumulong sa amin na makatakas. Siya ang humarap kay Aphrodite. Pero hindi ako sigurado kung ano ang kinahinatnan ng laban nilang iyon. As much as I wanted to know, hindi ako puwedeng magtagal doon dahil mas mahalaga na maialis namin doon si Mamoru," paliwanag ni Shingo.

"So kumusta na si Mamoru? Malala ba ang naging tama niya?"

"Hindi naman. But he did lose a considerable amount of blood because of the shot he took from Cronus' gun."

Si Satoru naman ang napabuntong-hininga ng mga sandaling iyon. "Pambihira... Bakit naman kasi naisipan ng lalaking iyon na magsolo at hindi magsama ng kahit na sino sa mga agent niya?"

"According to him, medyo personal ang dahilan ng naging pagpunta niya sa Kusanagi Shrine. At may palagay akong alam mo kung ano iyon."

"Si Chie... at ang posibleng huling inihabilin nito sa kanya." Sino ba naman ang makakalimot sa masalimuot na sinapit ng babaeng pinakamamahal ni Mamoru ilang taon na ang nakakaraan? Isipin pa lang niya iyon ay kumukulo na ang dugo niya.

Sa totoo lang, hindi niya ma-imagine kung sakaling mangyari iyon sa babaeng mahal niya. It was then that a face appeared in his mind that made him grip his phone tight.

"Pero sino ba naman ang mag-aakala na may nakaligtas sa pag-atakeng iyon sa research center?" kapagkuwan ay sabi ni Shingo, dahilan upang maputol ang pagmumuni-muni niya. Kasabay niyon ay kumunot ang noo niya.

"Ha? May nakaligtas pa roon? Wala naman tayong nakitang kahit na sinong nakaligtas doon, ah." At least... that was what he knew. Posible na ba mali siya?

"Meron, Satoru. May isang nakaligtas. Kahit kami, nagulat nang malaman namin iyon. Kilala mo ba si Kohaku Watamaki?"

"Kohaku... You mean Chie's stepsister and research aide?"

"Siya nga. Iniligtas siya roon nang makumpirmang wala nang ibang susugod sa lugar na iyon."

Siyempre pa, ikinagulat niya iyon. He remembered the tragedy as one of the most brutal ones he had seen in his life. And to think doon namatay ang fiancee ni Mamoru...

Pero mabuti na rin na kahit papaano nga ay may nakaligtas sa pag-atakeng iyon.

"Paniguradong emosyonal na naman si Mamoru dahil sa balitang iyan. Then that means... she must have continued her sister's works after that tragedy." Hindi na lingid sa kanya ang totoong pinagkakaabalahan ni Chie bago ito napatay.

"Some of it, yes. Kakailangan pa rin naman kasi niya ng pondo at suporta. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pondo. Pero pagdating sa suporta..."

Kumunot ang noo ni Satoru nang hindi na ituloy ni Shingo ang gusto nitong sabihin. May nangyari ba?

"O, bakit bigla kang natahimik diyan?" untag niya sa doktor na nasa kabilang linya.

Ilang sandaling katahimikan pa ang namagitan bago muling nagsalita si Shingo. "Kilala mo ba si Hayato Akashi?"

"I only knew him as a skilled swordsman. From time to time, tinutulungan din niya kami ni Hotaru kapag nagsasalubong ang mga landas namin. Pero bakit mo naitanong?" Ano'ng kinalaman ng lalaking iyon sa pinag-uusapan nilang dalawa ng doktor?

"Siya ang nagligtas at nagsanay kay Kohaku na lumaban pagkatapos ng trahedya sa research center. And believe it or not, napag-alaman na rin namin na... kabilang siya sa Yasunaga clan."

"Ano'ng sinabi mo? Isa siyang Yasunaga?" Okay, this was one piece of news that he wasn't expecting to hear in his life at all. Paano nangyari iyon? At paano nalaman iyon ni Shingo?

"Hindi lang siya. Binanggit na rin niya sa amin na naririto sa lungga niya na pati si Amiko ay isa ring Yasunaga. Sa tingin mo ba, alam ito ni Lord Kenji bago niya maisipang ampunin si Amiko?"

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado." At totoo iyon. Wala siyang ideya kung may alam nga ba ang kasalukuyang leader ng Azuraya clan tungkol sa totoong pagkatao ng Blue Shadow. "Pero paano nangyaring kabilang sa Yasunaga clan si Amiko?"

"The Miyamoto clan that Amiko originally belonged to what was, in fact, a lesser branch of the Yasunaga clan. But they're still very much connected to the main family. At least, iyon ang nalaman namin." Ilang sandali pa ay naiba ang takbo ng usapan. "Teka, nasaan ka ba?"

Bumuntong-hininga na lang si Satoru bago sumagot. "Mt. Cleantha. Ang lugar na sinabi sa akin ni Chrono kung saan naaksidente si Seiichi Yasuhara at nawala ang ilang bahagi ng alaala nito. There was something about this place that caught his attention that day. Gusto kong malaman kung ano 'yon."

"Hindi na ba nagawang ituloy ni Chrono ang pag-iimbestiga riyan noon?"

"I don't know. At kung itinuloy man niya, hindi ko alam kung sasabihin ba niya sa atin ang mga nalaman niya mula roon. Alam mo namang mahilig mag-ipon muna ng impormasyon ang taong iyon bago magsalita sa atin."

Narinig niya ang pagtawa ni Shingo mula sa kabilang linya bago ito tumikhim. "Mag-iingat ka. Hindi malabong target-in ka rin ng Dark Rose diyan, lalo na kung alam nila ang mga kilos mo mula nang lumipat tayo rito."

"Balitaan n'yo na lang ako sa kung ano pa ang mangyayari riyan. Lalo na ang tungkol sa kondisyon ni Mamoru. Paniguradong mag-aalala nang husto si Miyako dahil diyan."

"Huwag kang mag-alala. Marami naman kami rito na puwedeng magbantay at protektahan siya. Isa pa, nandito rin si Lady Kourin. I'm pretty sure our princess could entertain him in more ways than one."

"Wait. Nandiyan si Lady Kourin? Bakit hindi mo man lang binanggit sa akin kanina pa?" Oo nga't alam niyang nasa pinangyarihan sina Shuichi at Shingo. Pati na rin si Amiko. Pero bakit wala man lang nagsabi sa kanya na nasa poder nila ang Shinomiya clan princess?

"Nawala sa utak ko. Pero oo, nandito siya. In fact, siya sa ngayon ang kumakausap sa taong nagligtas sa amin mula sa abandonadong building na iyon. Kaya lang, sa tingin ko, marami na namang nalaman si Lady Kourin mula sa taong iyon."

Satoru could only hope that whoever Kourin was talking to, they wouldn't dump too much information on her. Wala pa ring kasiguraduhan na makakatulong ang mga iyon para muling maibalik ang ilang nawawalang alaala ng dalaga. "Paniguradong hindi hahayaang maging ganyan nang matagal si Lady Kourin. Yeah, I guess those two would really be a great companion to each other."

Iyon lang at nagpaalam na siya kay Shingo. Ilang sandali ring napaisip si Satoru pagkatapos niyon at nanatili lang siyang nakatayo sa entrance, wala sa paligid ang atensyon niya.

'Inilipat ni Lord Ryuuki ang Rose Tablet sa Casimera... mula sa isang puntod sa Mt. Cleantha. Iyon ang sinabi sa akin ni Lord Hitoshi noon. Chrono was supposed to be the one designated to investigate that place after we transferred to this country. And yet... Ano'ng nangyari at parang natigil pa yata ang ginagawa niyang pag-iimbestiga roon?'

It was that question that prompted him to finally fulfill Hitoshi's last order to him on that place. It was time for him to figure out what were the secrets that Mt. Cleantha was hiding all this time from all of them.

No comments:

Post a Comment