[Relaina]
Matapos ang pag-uusap namin ni Tita Marie sa porch ay nagpaalam na ito na aalis dahil may kailangan pa itong asikasuhin sa bayan. Nagpasalamat naman ako rito sa pagtanggap sa akin at sa mga naikuwento na nito sa akin.
"Huwag kang mahihiyang bumisita rito palagi, ha? Para naman hindi nabo-bored ang anak ko na walang ibang babaeng nakakausap na hindi related sa farm," sabi nito na tinanguan ko na lang at gumanti ng ngiti bilang sagot.
Titingnan ko muna kung magagawa ko nga ba ang gusto nitong mangyari. Pero kung pagbisita rin lang naman ang pag-uusapan, wala naman sigurong magiging problema.
"Mukhang nag-enjoy kang makipagkuwentuhan kay Tita Marie, ah," umpisa ni Brent bilang pagbasag na rin sa katahimikang nakapaligid sa aming dalawa ng mga sandaling iyon.
Nanatili ako sa porch habang nakatingin sa garden na pinamumugaran din ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak na sigurado akong alagang-alaga din ni Tita Marie. Sinamahan naman ako roon ni Brent habang si Miette ay pumasok sa loob ng bahay pansamantala.
"Mabait naman kasi siya, eh. At saka... mukhang gusto niya ako para sa 'yo." Okay, that didn't feel right saying to this guy, to be honest.
"Then that's good."
"But that's also scary, in my opinion."
"Bakit naman? Nakakatuwa nga na walang problema sa 'yo si Tita Marie, eh."
Yes, halatang-halata nga, eh. Kaya nga nakakatakot. Hindi ba nito nalalaman iyon?
"Brent, naiisip mo ba ang implikasyon ng sinasabi mo sa akin ngayon? The way she would express her approval of me was like... saying that she would want me to be your girlfriend already. Kulang na nga lang, sabihin niyang gusto niya akong maging asawa mo na, eh."
"Really? Sinabi niya iyon sa 'yo?" maluwang ang ngiti nito habang hinihingi ang kumpirmasyon ko.
"Tuwang-tuwa ka naman sa sinabi ko."
"Sino ba naman ang hindi matutuwa? Nangangahulugan lang na talagang botong-boto sila sa 'yo... para sa akin."
Hindi ko na napigilang huminga ng malalim dahil mukhang hindi nagre-register nang maayos ang mga sinasabi ko rito, sa totoo lang.
"Wow... Umiral na naman ang pagiging hambog mo. Huwag kang pakakasiguro na mangyayari nga ang gusto nilang mangyari para sa ating dalawa."
"Naging negatibo ka na naman. Bakit ba hindi mo gusto ang ideyang... maging tayo?"
Nanatili lang akong nakatingin kay Brent nang itanong nito iyon. Hindi ko nga ba talaga gusto ang ideyang iyon? No. Alam ko sa sarili ko ang sagot sa tanong na iyon. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, parang hindi ko pa rin magawang ihanda ang puso ko sa anumang posibleng mangyari.
"O, hindi mo na sinagot ang tanong ko," sabi ni Brent na pumutol naman sa pag-iisip ko.
Muli akong huminga nang malalim bago ko muling hinarap ang lalaking katabi ko. "Dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isasagot ko sa tanong mo. Hindi naman kasi ganoon kadali ang gusto mong mangyari, eh."
"Are you still scared of being in a relationship? Dahil sa nangyari sa inyo ni Oliver?"
Was I? Iyon ba ang rason? Hindi. Alam kong walang kinalaman si Oliver kung bakit alanganin pa rin akong i-acknowledge nang husto ang anumang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
"Ewan ko. Hindi ko alam. Pero ang sigurado ko lang, hindi na ganoon kasakit para sa akin ang nangyari sa relasyon namin ni Oliver noon. Ayoko lang na..."
"Ayaw mo lang na ano?"
Dapat ko ba talagang sagutin ang tanong nito? My gosh! Hindi na kami naubusan ng tanong sa isa't-isa, sa totoo lang.
"I don't want to give high hopes to myself about all this," sagot ko. Okay, it might have been a vague answer.
"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Sinabi ko na, eh. "Don't mind me. Magulo lang ang utak ko ngayon. Kung ano-ano kasi ang naririnig ko, eh."
"Pero nag-enjoy ka naman kahit papaano, 'di ba?"
I looked at Brent, and I saw the hope in his eyes, for some reason. Ilang sandali lang akong nag-alangan bago ako ngumiti at saka tumango.
"Oo naman. Nakita ko kasi kung gaano ka kamahal ng pamilya mo. Ng mga kamag-anak mo. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan mong maging ganoon ang takbo ng utak mo pagdating sa pakikipagrelasyon noon to the point na talagang binansagan ka pang playboy. Muntik ka na ring maiwan sa dilim dahil sa mga naging desisyon mo."
"Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano sasagutin ang tungkol sa bagay iyan. Pero... siguro dapat lang kitang pasalamatan tungkol doon."
"Pasalamatan ako? Tungkol saan?"
"Binuksan mo ang mga mata ko na tanging kadiliman lang ang nakikita mula nang mamatay ang kaibigan ko. Alam kong hindi lang siya ang importanteng tao sa buhay ko. Pero iba ang naging impact ng pagkamatay niya sa akin."
Siguro, sa mga sandaling iyon, hindi ko magagawang maintindihan nang lubusan ang mga pinagdaanan ni Brent. Pero alam kong ang magagawa ko lang para sa lalaking ito ay ang masigurong hindi na ito maging bayolente ulit at mapanakit ng ibang tao —-- pisikal man o emosyonal.
"Ate Relaina, aalis na po kayo ni Kuya Brent?" tanong ni Miette nang lumabas na ito mula sa loob ng bahay.
Nginitian ko ito bago sumagot nang makita kong malapit na palang mag-alas tres ng hapon. "Oo. May mga kailangan pa akong tapusin, eh. Salamat nga pala sa pag-welcome ninyong mag-ina sa akin dito, ah. Hindi ko inaasahan iyon."
"Wala iyon. Para ngang kilala ka na namin ni Mama dahil na rin sa dalas ng pagkukuwento ni Kuya Brent tungkol sa 'yo. Kulang na lang, makulili na ang tainga namin dahil sa kakukuwento niya."
"Sobra ka naman. Hindi ba puwedeng excited lang ako?" banat ni Brent sa pinsan nito.
Samantalang ako, kunot-noo lang na napatingin dito. Ilang tao ba ang pinagkuwentuhan nito ng tungkol sa akin? My gosh! Nakakahiya!
"Excited o obsessed? Diyos ko! Kung alam mo lang, Ate, wala yatang araw na hindi siya nagkukuwento sa amin tungkol sa matinding pagkagusto niya sa 'yo," dagdag ni Miette habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito habang sinasabi iyon.
"Miette! Tumigil ka nga riyan. Wala pa akong sinasabi sa kanya tungkol sa nararamdaman ko, okay?" muling saway ni Brent.
"Bakit naman? Doon din naman papunta iyon, ah. Malalaman at malalaman pa rin niya iyon. Masyado ka kayang halata."
"Ewan ko sa 'yo."
"Ang sabihin mo, talo ka lang. Kasi alam mong tama ako." Matapos niyon ay tumingin ito sa akin. I got startled, pero pinilit kong huwag ipahalata iyon. "By the way, Ate, may isa pa pala akong sasabihin sa 'yo. May palagay akong hindi mo pa alam ang buong detalye tungkol dito. Kaya sasabihin ko na ngayon habang nandito ka pa. At para malaman mo na rin kung gaano ka na katagal ini-stalk ni Kuya Brent."
"Ha? Hindi yata kita maintindihan..." Ano pa nga ba ang dapat kong malaman?
"Naaalala mo po ba 'yong mga flower petals ng love-in-the-mist na bumagsak mula sa balcony ng building ng Engineering department?"
Talagang maaalala ko pa iyon dahil isa iyon sa mga misteryo para sa akin. "O-oo. Bakit mo naitanong?"
"Si Kuya Brent lang naman ang may pakana n'on." That was it. Straight to the point. No pause.
"Ha? Si Brent?" Oo nga at may hinala na ako na si Brent nga ang may pakana n'on. But to actually hear a confirmation from someone...
"Miette!"
"It's about time, Kuya. Tutal, alam naman na niya ang fascination mo pagdating sa mga bulaklak at sa language of flowers. Mabuti nang malaman na rin niya ang detalye ng mga nangyari noong araw na iyon. Parang bayad mo na rin sa pagkakalat mo roon para lang magpa-impress kay Ate Relaina."
Matapos niyon ay ngingiti-ngiting muling pumasok sa loob ng bahay si Miette, pero patakbo nga lang dahil sa akmang pagsugod dito ni Brent. Habang ako, heto at pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nalaman ko. Hindi ko na tuloy napigilang komprontahin ito tungkol sa mga narinig kong impormasyon kay Miette.
"Is it true? Are you implying that... right from the start, nakuha ko ang atensyon mo?" Bakit parang ang yabang yata ng dating ng tanong kong iyon?
Ilang sandali ring hindi nakapagsalita si Brent pero hindi rin ito inaalis ang tingin sa akin. With a sigh, he finally spoke.
"Wala naman sigurong masama, 'di ba? You've been a mystery that I wanted to solve since that day you punched me on the face. At hanggang ngayon... hindi nagbabago ang sentiment kong iyon para sa 'yo. Gusto ko pa ring lutasin ang misteryong dala mo sa buhay ko mula nang makilala kita."
No comments:
Post a Comment