[Relaina]
Hindi ko maintindihan ang mga nagiging drama ni Brent ever since I had that accident. Wait… I shouldn’t really call that an accident kung napag-alaman naman na talagang sinadya iyon. Si Andz na rin ang kumumpirma n’on sa akin.
Sa totoo lang, hanggang sa mga sandaling iyon ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwing naiisip ko iyon. But perhaps I would tackle that some other time.
Sa ngayon, iba ang dapat kong pagtuunan ng pansin. At iyon ay ang pakikipagkita sa Tita ni Brent na —- according to him —- excited na makilala na ako sa wakas.
Should I actually be glad about that? I mean… grabeng pressure lang ang binibigay n’on sa akin, kung alam lang ng lalaking ito. But then, as if I could actually say that straight to his face at the moment. Matindi na ang kabang nararamdaman ko para mag-react o magkomento pa sa kahit na ano sa harap ko ng mga sandaling iyon.
He still held my hand at hinihila na ako papasok sa bahay. Wala ba talaga itong planong bitawan ang kamay ko?
“Bakit? Excited ka na bang makilala si Tita?”
“Sino kaya ang mas excited sa ating dalawa, ha? Ikaw nga lang ang malakas ang loob na kinaladkad ako para maipakilala sa kamag-anak mo, eh,” sabi ko na lang para hindi ko na masyadong mapansin ang nagwawalang tibok ng puso ko. Wala na yata akong magagawa pagdating sa bagay na ito.
“Ito naman. Ganoon ka kahalaga sa akin, okay? At gusto kong ipakilala sa kanila ang babaeng talagang nagpapaganda ng bawat araw ko ngayon.”
Please… Not again, Brent… Hindi mo na ba talaga ako titigilan?
“Ang drama mo, sa totoo lang. Ano ba’ng nakain mo at ganyan ka kadrama ngayon sa harap ko?”
“Hindi mo talaga magagawang paniwalaan nang husto ang sinasabi ko sa ‘yo, ‘no?”
At nakuha mo pa talaga akong tanungin nang ganyan, ha? Bumuntong-hininga na lang ako bago ko sinagot ang tanong nito sa akin.
“Paano ko basta paniniwalaan ang mga sinasabi mong ganyan kung ikaw pa lang naman ang sobrang vocal pagdating sa ganyang bagay sa akin? Siyempre, hindi naman ganoon kadaling i-handle ang emosyon na nagiging resulta ng mga sinasabi mo sa akin, ‘no?”
“Are you saying na naaapektuhan ka na sa mga ginagawa’t sinasabi ko all this time?” At ang loko, nakuha pang ngumisi. Ang sarap lang batukan ng lalaking ito.
“Huwag mo akong asahang basta na lang sagutin ang tanong mong iyan dahil hindi ko sasagutin iyan. Okay?”
“Ang sama mo talaga pagdating sa akin. Ang tindi mong magbigay ng parusa sa akin, alam mo ba ‘yon?”
Napailing na lang ako sa pagdadrama ng lalaking ito. Napangiti na rin ako. I wasn’t sure why I found that cute. But the word “cute” wasn’t something I would always associate with someone like Brent, to be honest.
“Ang OA mo, p’re. Tigilan mo nga ako ng kaartehan mo. Sige na. Mauna ka nang pumasok para makita ka na ng Tita mo. Kanina ko pa naririnig si Miette na sumisigaw.”
Mabuti na lang at sinunod na nito ang gusto ko. Hinila na rin ako nito nang tuluyan papasok sa loob ng bahay at patungo sa dining room kung saan kami sinabihan ng kasambahay na magpunta dahil naroon na raw si Tita Marie.
Alright… here we go.
xxxxxx
Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga ng malalim para lang pakalmahin ang sarili ko mula nang pumasok na kaming dalawa ni Brent sa loob ng bahay ng Tita Marie nito. Nagulat ako sa ganda ng interior ng bahay na iyon, kahit na mukhang maliit lang sa labas.
“Mabuti naman at naisipan mo nang dalhin dito ang babaeng lagi mong ikinukuwento sa akin. Ang akala ko, hindi mo na siya madadala rito kahit na kailan.”
“Tita naman… Nangako naman ako sa inyo, ‘di ba? Kailangan ko lang ng time. At saka lakas ng loob na rin. Hindi naman kasi katulad ng ibang babae si Relaina, eh.”
Hindi ko naiwasang agad na mapatingin kay Brent pagkarinig ko sa pangalang binanggit nito. He mentioned my full name, not my nickname. To be honest, hindi ko inaasahan iyon.
Ganito ba ito kapag ibang tao ang kaharap nito? Then how would he mention my name in front of his siblings, lalo na sa harap ni Neilson?
“Napansin ko nga. Hindi ka naman mag-e-effort nang husto gamit ang mga bulaklak na kinukuha mo rito sa flower farm ko kung katulad lang siya ng tipikal na babae.”
“Grabe ka naman sa akin, Tita. Ipinapaalam ko naman po sa inyo ang mga bulaklak na kinukuha ko rito, ah. Hindi naman po ako nagnanakaw lang ng mga bulaklak dito. Makakagalitan pa ako ni Papa kapag nalaman niya iyon.”
“Pagpasensiyahan mo na ang naging introduction ko sa relasyon namin ng pamangkin kong ito, Relaina. Nakakagulat lang talaga na may ipinakilalang babae sa amin ang batang ito. And I mean isang babae na talaga namang masasabi naming mahalaga sa kanya.”
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin sa mga naririnig ko mula kay Tita Marie. But I could tell na talagang maganda ang relasyon ni Brent sa Tita nito base na rin sa nakikita kong interaction ng dalawa ng mga sandaling iyon. And it was a good thing.
Pinatunayan lang n’on sa akin na nabuhay sa isang maganda at mapagmahal na pamilya ang lalaking walang matinong ginawa sa buhay ko mula nang magkakilala kami kundi ang asarin ako. Hindi ko pa rin lubusang mapaniwalaan na namuhay ang isang bahagi ng puso nito sa dilim dahil sa nangyari sa kaibigan nito.
But maybe that was a given. Perhaps it was just a matter of time before he would snap. Baka nga nangyari na iyon at some point at hindi ko lang alam. In any case, at least I managed to do something before he would head down to the darkness completely.
“Hindi ka na nagsasalita riyan. Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Brent na pumutol sa pag-iisip ko ng mga sandaling iyon.
Napatingin ako rito ng ilang sandali bago ako tumango. Ano ba ang pinag-aalala nito at ganoon ito makatingin sa akin? “Okay lang ako. Ikaw ang dapat kong tinatanong kung okay ka lang. Bakit ganyan ka makatingin sa akin, ha?”
“Tahimik ka lang diyan, eh. And you also look uncomfortable.”
“Kuya Brent, kahit naman siguro sinong taong basta mo na lang maiisipang ipakilala sa isang kamag-anak for the first time, ganyan ang mararamdaman, ‘no?” sabad ni Miette bago ko pa maisipang sabihin ang tugon ko.
Thank you for stating the point, Miette. Pero mamaya ko na lang sasabihin iyon sa dalagang ito. Napangiti na lang ako sa pinsan ni Brent nang harapin ako nito. I only bowed once nang si Tita Marie naman ang humarap sa akin.
Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging aksyon ko sa lahat ng mga nangyayari ng mga sandaling iyon. Pero kinakailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil baka lalong mag-alala para sa akin si Brent.
“But even with all the suddenness, nagpapasalamat pa rin ako na pinaunlakan mo ang invitation ni Brent sa ‘yo na magpunta rito at nang makilala ka na namin ng unica hija ko sa wakas,” sabi ni Tita Marie kapagkuwan.
“Makulit po si Brent sa pag-imbita sa akin, eh. Pero hindi naman po nangangahulugan na hindi ko pauunlakan iyon. Hindi lang po ako makapaniwala na maiisipan po niya akong dalhin dito.” Hindi ko magawang pigilan nang maayos ang kaba ko habang sinasabi ang mga iyon. Pero laking-pasalamat ko na lang at nagawa kong sabihin iyon nang maayos.
Mukhang nagustuhan naman ni Tita Marie ang naging pagsagot ko dahil lumapit ito sa akin at niyakap ako. Siyempre pa, ikinagulat ko iyon pero hindi ako pumalag. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na… may malalim na ibig sabihin ang pagyakap nitong iyon sa akin.
“Matagal ko nang gustong gawin sa ‘yo ito, kung alam mo lang,” bulong ni Tita Marie sa akin habang yakap ako.
At this point, kumunot ang noo ko. Ano’ng ibig nitong sabihin?
“Thank you so much… for saving my nephew. You were the only one who was able to pull him out from his despair and hate. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay sa amin ang nagawa mo para kay Brent,” pagpapatuloy nito.
Lalo akong hindi nakapagsalita sa mga narinig ko. I knew I didn’t do much, at iyon din ang madalas kong sabihin sa sarili ko mula nang mapigilan ko si Brent sa ginagawa nitong pananakit sa iba nang araw na iyon. But it looked like the others didn’t think the same as I did.
This was a big deal to them. At sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin o dapat kong maramdaman sa lahat ng ito. So I chose not to say anything.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ako pinakawalan ni Tita Marie. Para itong maiiyak nang tumingin sa akin. Bigla kong naramdaman na parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa nakita ko.
“I hope na hindi ito ang huling pagkakataon na bibisita ka rito. Alam kong marami tayong puwedeng pagkuwentuhan.”
Kahit na parang maiiyak na rin yata ako dahil sa mga nangyayari, nagawa ko pa ring ngumiti at tumango bilang tugon na rin sa sinabi ni Tita Marie. Mukhang sapat na iyon para rito. Ilang sandali pa ay niyaya na kami nito na kumain na at pagsaluhan ang inihandang pagkain ng mga ito para sa naging pagbisita ko sa flower farm na ito kasama ni Brent.
Pero bago ako tuluyang maupo sa isa sa mga upuang nasa dining table, hindi ko napigilang mapatingin kay Brent na ng mga sandaling iyon ay nasa tabi ko lang. He was smiling at me gently, making my heart beat fast again. But this time, I didn’t mind it. Alam ko kung para saan iyon.
It was a smile of immense gratitude na alam kong hindi lang si Brent ang nakakaramdam. Maging sina Miette at Tita Marie ay ganoon din ang nararamdaman sa lahat ng ito. So I returned that smile in the same manner.
No comments:
Post a Comment