[Relaina]
Napatingin na lang ako kay Brent matapos ang tanong nitong iyon.
Was it something I should consider a million dollar question? I’d definitely call it a life-changing one, if you ask me. A question that could make or break everything that Brent and I had built, so far.
And this time, alam kong wala nang halong biro ang lahat. He wanted the truth. He wanted answers --- and real one, too.
Grabe naman kung magbigay ng pressure ang lalaking ito sa akin. Pero... mukhang matagal na rin nitong gustong magkaroon ng kasagutan ang tanong nitong iyon. Iyon ang nasa isip ko nang makita ko ang antisipasyon sa mukha ni Brent habang hinihintay nito ang sagot ko.
"Brent... bakit ako? Bakit sa akin mo pa naisipang... magkagusto? 'Di ba, hindi naman naging maganda ang naging umpisa natin? Kulang na lang, sakalin na kita dahil sa mga pang-aasar na ginagawa mo sa akin noon. They were qualities that are enough to discourage you from pursuing me."
Ano ba naman 'to? Bakit ang dami ko pang mga paligoy-ligoy kung puwede ko naman itong diretsahin na lang para wala nang pahirapan pa?
"Pero hindi ganoon ang ginawa ng mga iyon sa akin, eh. Lalo lang akong inilapit n'on sa 'yo. Mas higit na ginusto ng puso ko na makilala ka sa kabila ng mga hindi magandang simula natin. Lalo na sa... tuwing nakikita kitang nag-iisip nang malalim dahil sa nangyari sa inyo ni Oliver. Nang makita kitang umiyak dahil sa confrontation na nangyari sa inyo."
I definitely remembered that day when he comforted me while I was crying my eyes out sa secret room sa auditorium kung saan kami nag-practice para sa dance practicum namin noon. Naalala ko na nagalit pa ako kay Brent noon dahil lang nalaman nito ang dahilan ng pag-iyak ko kahit anong pagtatanggi ang gawin ko. Pero kahit ganoon ang ginawa ko rito, ito pa rin ang nagpakalma sa akin. Ang nagparamdam sa akin na hindi magtatapos ang takbo ng buhay ko dahil sa isang relasyong naputol lang nang basta-basta.
"I just wanted to know you more since then, Laine. Kung alam mo lang, ang dami kong gustong gawin noon para lang magawa ko iyon. Nakita mo pa nga kung paano ko ilantad ang halos buong kuwento na ng buhay ko para naman makilala mo ang totoong ako at hindi ang tungkol sa mga naririnig mo sa university. Pero ikaw ang laging lumalayo, eh. Aaminin ko, hirap na hirap ako na mag-isip ng paraan para makilala ka sa kabila ng lahat ng iyon.
"Pero kahit ganoon… gusto ko pa ring mapalapit sa 'yo. Gusto kong malaman ang totoong ikaw. So you have no idea how hurt I was nang matapos ang truce natin. Kung ako ang tatanungin, higit pa sa truce o sa pagiging magkaibigan ang gusto kong mangyari kahit noong mga panahong iyon," mahabang pagpapatuloy ni Brent na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko at hindi binibitiwan ang pagkakahawak sa magkaparehong mga kamay ko.
Walang tigil sa malakas na pagtibok ang puso ko habang nakatulala lang ako kay Brent. My mind was screaming a lot of things and all of it expressed my disbelief on what I've been hearing. Paano naman kasi ako hindi magugulantang sa mga narinig ko? Ito ang unang pagkakataon na may nagtapat ng damdamin nito in that intense degree. And not just in words.
Ang pagpisil nito sa mga kamay ko, ang pagtingin sa mga mata ko nang mataman… Lahat ng iyon ay nagpapahiwatig na walang halong biro ang lahat ng mga ipinagtapat nito sa akin.
"Marami pa akong maiisip na dahilan kung bakit ikaw ang minahal ko nang ganito, sa maniwala ka't sa hindi. Pero totoo rin na hindi sapat ang mga salitang sinabi ko sa 'yo ngayon para masukat kung gaano kita kamahal, Laine. Ngayon lang nangyari sa akin ito. At malaki ang pasasalamat ko ikaw ang minahal ko nang ganito katindi."
Parang awa mo na, Brent… Maawa ka naman sa puso ko. Hindi na kayang i-handle ang lahat ng mga ipinagtatapat mo sa akin, eh.
Napatingin ako sa mga kamay nitong nakahawak sa mga kamay ko. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Brent sa mga iyon. I could also feel them being cold and a little sweaty.
Wait… Was he nervous? Of course, he was. I mean, who wouldn't be?
Nagtapat lang naman ng matagal nang nararamdaman si Brent sa akin. Kahit naman siguro sino, kakabahan nang husto.
At kung alam lang nito… ganoon din ang nararamdaman ko. Lalo na at mukhang ito na yata ang pagkakataong ipinagdasal ko mula nang mag-usap kami nang masinsinan ni Mayu dahil sa confusion ko sa nararamdaman ko kay Brent.
"Ngayon… masasagot mo na ba ang itinanong ko sa 'yo kanina? Kung may pag-asa pa ba ako sa puso mo?"
Lalo akong nawalan ng matinong sasabihin nang marinig kong muli ang tanong nitong iyon. My heart beat even faster than how it was a while back. Parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok n'on.
And I knew there and then that I should take this chance.
"Kung… sasabihin ko sa 'yo na… oo, ano'ng gagawin mo?" balik-tanong ko na lang dito.
Damn it, Relaina! Ang dami mo talagang pasikot-sikot, alam mo ba 'yon?
Yes, alam kong para akong nasisiraan ng bait sa ginagawa kong pagkastigo sa sarili ko. Pero bakit naman kasi may segue pa akong nalalaman kung puwede ko namang direstahin na lang, 'no?
Hay…
Brent's eyes opened wide as his jaw dropped. Ilang sandali lang itong ganoon bago nito nagawang i-composed ang sarili para harapin ako nang maayos. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
"T-totoo ba 'yan, Laine? Please, huwag mong sabihing biro lang iyon."
Magagawa ko pa bang magbiro kung ganyan ka makiusap sa akin sa mga sandaling ito? Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.
"Hindi ko kailanman ginagawang biro ang nararamdaman ko, Brent. Lalo na kung pagmamahal ang pag-uusapan. Totoo ang sinabi ko, okay? May pag-asa ka sa puso ko dahil… wala na akong makitang dahilan para patuloy na itanggi sa sarili ko na mahal din kita," pagtatapat ko, hindi ko na alintana ang pagtulo ng mga luha ko.
Huli na nang ma-realize kong napaluha na pala ako sa lahat ng mga narinig ko.
A few moments passed with Brent just gawking at me, still. And then…
Napapikit na lang ako nang agad kong malaman kung ano ang gusto nitong gawin. The shine and life in his eyes as soon as he pulled me closer to him was enough proof that I needed to know his intentions. And most of all, his next move.
He kissed me again.
This time, it was deep. Passionate. Full of his pent up feelings for me that I finally knew at the moment.
It was a kiss that I tried my best to return to the same degree.
Yes… I finally kissed him back for the first time since we met.
No comments:
Post a Comment