Wednesday, October 18, 2023

i'll hold on to you 116 - morning worries

[Brent]

The day after that most amazing moment of my life. Or was I exaggerating on that? Wala naman sigurong masama kung mag-exaggerate ako, 'di ba? Masaya lang naman ako dahil sa nangyaring iyon.

Alas-nuwebe na ng umaga. Pero nandito pa rin ako sa kama ko at ayoko pang tumayo. To be honest, it was unusual. Hindi ako ang tipo ng taong nagtatagal sa kama kapag nagising na ako.

Kaya lang, iba ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon. Basta, ang hirap ipaliwanag. Magaan, masaya, parang nananaginip pa ako kahit alam kong hindi naman. This was the first time I've felt something like this before.

I didn't think I'd feel this bliss now that it finally came true. I didn't realize that I'd feel so much the moment Relaina had said yes that day.

And it was here.

Finally... Girlfriend ko na si Relaina. Girlfriend ko na ang babaeng talaga namang nagpatibok nang husto sa puso ko.

Ang tagal ko ring hinintay ang araw na ito, sa totoo lang. That dance practicum was definitely the defining moment when I realized that it was her. Na ito lang talaga ang babaeng gusto kong makasama nang matagal.

Kung pupuwede pa nga ay panghabang-buhay.

Okay. That might have been a little cringey. Pero kay Relaina lang ako nagkaganito. At dito ko lang ipapakita ang side kong ito. Whether she would find it corny and cringey, as well, I didn't care. Kung sapat naman iyon para mapasaya ko ito, kaya kong gawin ang lahat.

"Hoy! Wala ka pa bang planong lumabas diyan? Alam kong wala tayong pasok ngayon pero ikaw lang yata ang taong nakita kong nagka-girlfriend na nakuha pang magtagal sa sarili niyang kama."

I just groaned as soon as I heard Neilson's voice resonated in the room. Nagtalukbong na lang ako dahil wala akong planong harapin ito ng mga sandaling iyon. Pambihira, daig ko pa ang nagkaroon ng hangover, ah. Hindi naman ako uminom dahil kinailangan kong ihatid si Relaina sa bahay nito pagkatapos ng party.

Napangiti na lang ako sa ilalim ng kumot ko nang maalala ko ang ginawang paghalik sa akin ni Relaina bago ito bumaba ng sasakyan ko. It was just light compared to how I kissed her when I confessed to her. Pero ang tindi pa rin ng naging epekto niyon sa akin.

"Masama ba ang pakiramdam mo at nakakulong ka rito sa kuwarto mo?" Muli ay narinig ko ang boses ng kakambal ko.

Huminga na lang ako ng malalim. Hindi na talaga ako titigilan nito. "Ginusto ko lang matulog pa dahil pakiramdam ko, hindi pa ako nakakatulog."

"'Sus! Paniguradong inulit-ulit mo na naman sa utak mo ang mga nangyari kagabi, 'no? P're, alam ko na ang likaw ng bituka mo pagdating sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay mo."

Hindi ko na napigilang matawa at saka ko na tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin. Eksakto namang nakita kong nakaupo na pala si Neilson sa gilid ng kama ko.

"Hindi naman siguro masamang makaramdam ng ganitong klaseng saya, 'di ba?" bigla ko na lang naitanong sa kakambal ko.

Napansin kong kumunot ang noo ni Neilson pagkatapos niyon. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Masaya dapat ako dahil nangyari na rin sa wakas ang matagal ko nang pinapangarap. Pero... bakit nakakaramdam ako na parang may mali sa gusto ko?"

"Brent..."

At that point, I knew. Kapag tinawag na ako ni Neilson sa pangalan ko at sa ganoong kaseryosong tono, alam ko nang may mali. May naipapakita na ako rito na bahagi ng pagiging vulnerable ko na mas madalas ay inililihim ko sa kahit na sino sa paligid ko. Bahala na kung sino ang unang makahalata at unang makapansin ng totoong nararamdaman ko.

"'Yong tungkol pa rin ba ito sa nangyari kay Relaina noon? Hindi pa rin nakikita ang taong gumawa n'on sa kanya, balita ko."

Tumango ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang iyon ang dahilan. It was just one of them. May isa pa.

"I know I can promise that I can take care of her. That I can protect her. Hindi lang basta pangako. Alam kong magagawa ko iyon at handa akong gawin ang lahat para masiguro ang kaligtasan niya. Pero…"

Napatigil na lang ako sa pagsasalita nang maramdaman kong may isang kamay na pumatong sa balikat ko. Napatingin ako roon bago ko tiningnan si Neilson na seryosong nakatingin sa akin.

"Then you don't have to worry about anything right now kung alam mo naman pala iyon sa sarili mo. Alam kong kaya mong gawin iyon para sa kanya dahil ilang beses ko nang nakita kung ano ang kaya mong gawin para lang sa kapakanan ni Relaina," sabi nito at nginitian ako makalipas ang ilang sandali.

It was a smile that definitely assured me that I could do it. That I could make sure the woman I love was safe. Especially when she would continue staying by my side.

At the moment, I realized that I was only worrying needlessly. Damn it! All of this was making me crazy. Pero… matagal na akong ganito pagdating kay Relaina. Even so, it was a feeling that I knew was linked to my affection for her.

Ganito lang ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa isang Relaina Elysse Avellana.

Huminga ako ng malalim matapos ang realisasyong iyon at saka ko hinarap si Neilson. "Salamat, 'tol. Ano na lang ang gagawin ko kapag wala ka?"

"Huwag kang mag-alala, dahil sigurado naman ako na hindi lang ako ang gagawa nito sa 'yo kung sakaling maabutan ka nilang ganito. Lalo na si Mama. Oo, alam kong lagi siyang busy sa ospital. Pero alam naman natin na gumagawa iyon ng paraan para makasama tayo't mapalaki tayo nang maayos all this time."

He was right. Hindi lang pala si Neilson ang nakakatulong sa akin kapag ganitong maraming bumabagabag sa isipan ko. Bakit ko nga ba nakalimutan iyon?

"Pero salamat pa rin. Ang laking tulong talaga na may nakakausap ako pagdating sa mga bagay na hindi ko nasasabi sa 'yo."

Umiling si Neilson at ngumiti. "Magaling lang akong makaramdam, p're. Siyempre, magkakambal tayo, eh. Natural na iyon, 'di ba?"

Muli akong napangiti. Being twins or not, I was just grateful that I have someone so perceptive as Neilson.

No comments:

Post a Comment