Wednesday, October 25, 2023

i'll hold on to you 117 - similar dreams, same fear

[Brent]

Magkaganoon man, hindi pa rin ako umalis ng mansyon ng araw na iyon sa ibang dahilan. I still have to think things through. Ayokong harapin si Relaina na magulo ang utak ko. Gusto ko na okay ang takbo ng utak ko kapag nagpunta ako sa girlfriend ko.

Ang hirap nga lang ng sitwasyon ko dahil nararamdaman ko talaga na parang hindi ako lubusang masaya, for some reason. Pag-aalala at takot ang kinakalaban ko mula nang magtapat ako ng nararamdaman ko para kay Relaina at tanggapin na nito iyon sa wakas.

Not going to lie, it was enough to drive me crazy. Pero kaya ko pang lumaban basta alam kong kaya ko pa. At alam kong may magagawa pa ako lalo na sa mga sandaling iyon.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. It was definite an Incoming Call alert.

"Sino naman kaya ang nanggugulo sa akin ngayon?" hindi ko na napigilang itanong sa sarili ko. Wala naman kasi akong inaasahang tawag ng araw na iyon.

Unless...

Ganoon na lang ang lawak ng pagngiti ko nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag sa akin.

'My future wife...'

Damn it! Of all times na sisirain nito ang pag-iisip ko... Pero ang galing din nitong t-um-iming, ah.

Wala na akong inaksayang sandali at sinagot ko na ang tawag na iyon. "Hello?"

"Parang kagigising mo pa lang yata, ah. Dinaig mo pa ang may hangover."

Hindi ko na napigilang matawa sa naging salubong nito sa akin. "Late na kasi akong nagising. At saka... kanina pa kita iniisip."

"And yet nagrereklamo sa amin ni Mayu ang kakambal mo na hindi ka pa raw umaalis sa kama mo kahit nang iwan ka na ni Neilson diyan. May problema ba?"

Gusto ko lang pakinggan ang boses ni Relaina at wala nang ibang gawin bukod sa puntahan ito at yakapin at halikan. Pero gusto ko ring pigilan ang sarili ko dahil baka maging overwhelming naman iyon dito.

"Okay ka lang ba?" muling tanong ni Relaina sa kabilang linya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong nito. "Huwag kang mag-alala. Okay lang ako. May mga iniisip lang ako, pero huwag mo nang bigyan ng alalahanin ang sarili mo dahil doon. Okay? Ang isipin mo, tayo. Lalo na ngayon."

"Was there anything to think about us?"

"Laine!"

Kulang na lang ay magtatatalon ang puso ko nang marinig ko ang pagtawang iyon ng babaeng mahal ko. Then again, her laugh would always make me feel that way, as crazy as it sounded. I didn't know what else to think at the moment aside from the fact that I want to see it for myself, as well.

"Biro lang. Wala ka na naman kasi sa sarili mo, eh. Sigurado ka bang okay ka lang, ha?"

Mukhang wala yata akong maitatago sa babaeng ito, ah. Pero ganoon naman na ito noon pa. Baka nga mas naging malakas ang pakiramdam nito mula nang...

"Okay lang talaga ako. Pero ayoko lang mag-alala ka kaya hindi ko sinasabi sa 'yo. Lalo na ngayong... girlfriend na kita." Napangiti na lang ako nang masabi ko na ang mga iyon sa babaeng mahal ko na kausap ko ng mga sandaling iyon sa kabilang linya.

"Iyon na nga. Girlfriend mo ako. Then I also have the right na malaman ang mga bagay na bumabagabag sa 'yo. Hindi lang naman ikaw ang natatakot, eh."

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ilang sandaling wala akong narinig na kung anong tugon mula kay Relaina. Pero nagtiyaga akong maghintay dahil alam kong inihahanda pa nito ang sarili nito.

"Laine..."

Kapagkuwan ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. "I really felt like... I don't deserve this happiness I'm feeling right now, for some reason. Na para bang... may gustong kumuha nito sa akin anumang oras."

So we both have the same fear, then.

"Naalala mo ba noong nasa treehouse tayo that day na naabutan na ako ng ulan sa harap ng Promise Tree? Na nakatulog din ako sa sofa at ginising mo ako dahil sa bangungot ko?"

"Oo, alam ko," sagot ko. Pero nakakapagtaka lang na binanggit nito ang tungkol doon. "At narinig ko pa na tinatawag mo ang pangalan ko habang tulog ka. Gusto ko pa ngang biruin ka na may gusto ka na sa akin kaya mo ako napapanaginipan, eh. But the way you called my name in your sleep that day... Alam ko nang may mali."

"Because I saw you got killed right in front of me in that dream, Brent. Brutal ka nilang pinatay sa harap ko habang ipinagtatanggol ako."

Bigla akong nanlamig sa narinig ko. I also felt my heart drop at her quivering voice on the other line. Kung ganoon... hindi lang pala ako ang nananaginip ng hindi magandang mangyayari sa aming dalawa?

No, this couldn't be...

Alam kong may naging basehan ang mga panaginip namin ni Relaina. Pareho kaming takot na mawalan ng mahalagang tao sa buhay namin. But who would've thought that we'd have this kind of dream about each other?

"Brent..."

Nakuyom ko ang kamao ko nang muli kong marinig ang takot at pag-aalala sa tinig nito. Damn it! I wanted to rush over to her and hug her tight just to assure her that it would be okay. That it was going to be alright and nothing like that would happen to any of us.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ganoon kadali iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Don't worry. Huwag na lang muna nating alalahanin iyon. Alam nating pareho lang tayong natatatakot dahil sa nangyari sa 'yo na ikinapahamak mo. Alam mo rin naman ang madilim kong nakaraan. That would make sense kung bakit pareho tayo ng napanaginipan."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Napanaginipan mo rin bang namatay ka sa harap ko?"

"No. It was the other way around. I saw you lifeless and covered in blood in my dreams, Laine. And I knew it was because of me that they did that to you in my dreams."

"Oh, God!" Kasabay niyon ay narinig ko rin ang pagsinghap nito sa kabilang linya. "Kung ganoon..."

"That's one of my reasons kung bakit medyo naging protective ako sa 'yo pagkatapos mong ma-discharge sa ospital. Alam kong naging makulit ako pagdating sa pagsama-sama sa 'yo mula noon. Pero... natatakot lang ako na mangyari sa 'yo ang napanaginipan ko."

Hindi ko na maitatago iyon kay Laine. Kung nagawa nitong ipagtapat sa akin ang napanaginipan nito at sa mga sandaling iyon ay nagbibigay ng takot dito, may karapatan din itong malaman ang isang kinatatakutan kong mangyari.

"Brent... Makakalabas ka ba ngayon?" narinig kong tanong ni Relaina na pumutol sa pag-iisip ko.

"Wala sana akong planong lumabas, eh. Pero... ibang usapan kung ikaw ang magsasabi sa akin. Alam mo namang malakas ka sa akin, eh. Lalo na ngayon." Mabuti na lang at nagawa ko pang isagot iyon.

"Then... can we meet? Gusto ko lang makita ka."

No comments:

Post a Comment