[Relaina]
It was definitely a memorable experience in my life, as weird as it sounded.
Pero sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip nang ganoon? Parang pakiramdam ko, nananaginip pa ako. Ang daming nangyari na hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang totoo at hindi. Nakailang kurot na nga ako sa sarili ko para lang magising ako. Pero ganoon pa rin.
Nandito pa rin ako sa katotohanang... kami na nga ni Brent. Yes, official na. Magkasintahan na nga kami. Hindi na iyon isang haka-haka lang na madalas kong marinig sa Oceanside mula pa noon.
"Aahhh!" Hindi ko na napigilang isigaw —-- pero ginawa ko iyon habang nakatakip ang unan ko sa mukha ko.
Mahirap na, baka biglang magulat ang mga magulang ko kapag narinig nilang napasigaw ako. Nandito pa man din ang mga iyon. Kadarating lang nila galing Aurora at kasalukuyang nagpapahinga. Ayokong istorbohin sila.
Kaya ako na lang muna ang mamomroblema sa pinagdadaanan kong hindi pagkapaniwala sa mga nangyari kahapon.
Muli ko na namang naalala ang ginawang paghalik sa akin ni Brent pagkatapos kong sabihin dito na... opisyal na kaming magkasintahan. It was definitely an intense kiss na kulang na lang, maubusan na ako ng hininga sa intensidad n'on. Hindi ko inakalang kaya palang humalik ni Brent nang ganoon.
Did he kiss other girls he dated like that before?
Napasimangot na lang ako sa itinakbo ng isip ko. Pero sandali lang iyon. Ilang sandali pa ay bumuntong-hininga na lang ako para kalmahin ang sarili ko. It was already in the past at wala na akong dahilan para isipin pa iyon. Sakit ng ulo lang ang ibibigay n'on sa akin.
"Aina! Gising ka na?"
Napakunot ako ng noo pagkarinig ko sa pagtawag na iyon ni Mayu. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ko. Alas-siyete pa lang ng umaga. Wala naman kaming pasok. Pero bakit ang aga naman yata nitong nagising?
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Gising na ako. Pasok ka lang."
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Pero ang loka-loka, ang lawak ng ngiti habang papasok doon. Ano na naman kaya ang saltik na meron ang babaeng ito para ngumiti nang ganoon?
"Mukha ka na namang sinasapian diyan sa klase ng ngiti mo," salubong ko na lang dito bilang pang-asar na rin dito.
"Ito naman. Parang excited lang 'yong tao para sa 'yo, eh."
Napnagiti na lang ako. Halata naman, eh. "What's there to be excited about, anyway?"
"Wow! Nakalimutan agad? 'Yan ba ang epekto ng paghalik sa 'yo ni Brent kahapon, ha?"
By reflex, agad kong ibinato rito ang isang unan ko. Tatawa-tawa namang sinalo nito iyon at tinangkang ipalo sa akin pero agad kong ipinanggalang ang kamay ko ta saka ko kinuha rito ang unan na iyon.
Ang lapad pa rin ng ngiti nito nang maupo sa kama ko. "Pero aminin mo, masaya ka. Mas masaya ka pa kaysa noong sinagot mo si Oliver noon."
Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ng pinsan ko. Pinilit kong alalahanin ang mga naganap noong sagutin ko si Oliver at nang sagutin ko si Brent. Gusto kong maalala kung may pinagkaiba nga sa naramdaman ko nang maganap ang mga iyon.
Though it had been a long time ago, naroon pa rin pala ang pakiramdam. I didn't even realize that at all dahil na rin sa dami ng mga nangyari. At doon ko na naisip na...
"Mali ba na magkaiba ang naramdaman kong excitement at saya nang mangyari ang mga iyon sa akin, Mayu? Minahal ko naman si Oliver, ah. Pero bakit... mas matindi pa ang sayang naramdaman ko nang tanggapin ko na sa wakas ang pagmamahal sa akin ni Brent?" hindi ko na napigilang itanong sa pinsan ko matapos ang ilang sandaling pag-iisip.
Nakatingin lang sa akin si Mayu nang ilang sandali bago ako niyakap nito nang mahigpit. Hindi ko alam kung para saan iyon pero hindi ko maikakaila na nakatulong iyon para kumalma ako. Sa mga ganitong pagkakataon, malaki ang pasasalamat ko kay Mayu dahil sa suportang ibinibigay nito sa akin sa tuwing makakaranas ako ng pagkalito sa mga pinagdadaanan ko. Iyon ay kahit alam kong meron din itong pinagdadaanan patungkol na rin kay Neilson.
Come to think of it, bakit nga ba wala pa ring masasabing matinong progress ang relasyon ng dalawang ito after all this? From what I knew, they've been friends high school. Baka nga mas matagal pa at hindi ko lang alam.
"Walang masama roon, Aina. Eh ganoon na ang kinahinatnan ng lahat sa pagitan n'yo ni Brent. Baka siguro nagkataon lang na... mas may appeal si Brent kaysa kay Oliver. At halata namang mas agresibo kaysa sa ex-boyfriend mo."
Hindi ko na napigilang matawa sa dalawang huling sinabi ni Mayu.
"What the heck? Ganyan talaga ang reasoning mo sa lahat ng mga nangyari, ha?" Napailing na lang ako at saka ko kinalma ang sarili ko.
"Hoy, walang halong biro ang sinabi ko, ah. Totoo naman, eh. 'Di hamak na mas agresibo si Brent kaysa kay Oliver pagdating sa 'yo. At ang isa pang kaibahan ng dalawang iyon... matindi ang pinagdaan ninyong dalawa ni Brent kahit noong hindi pa kayo magkasintahan. And I saw how he never wanted to leave your side at all costs noong mga paanong napaka-chaotic na ng sitwasyon ninyong dalawa.
"I saw how Brent would openly show his love for you at hindi niya masyadong ipinupuwersa sa 'yo ang feelings niya hanggang alam niya at posibleng nararamdaman niya na... handa ka na talagang tanggapin ang pagmamahal niya para sa 'yo. Tama ba ako?" mahabang paliwanag ni Mayu.
Napaisip na lang ako sa sinabing iyon ng pinsan ko. Hindi nga kaya iyon ang dahilan kung bakit ako hinalikan ng sira-ulong iyon that day kahit na nasa harap kami ng mga kamag-anak nito? Did he actually come to feel it and realize it, as well?
"Ang lakas naman ng radar ng lalaking iyon kung talagang naramdaman nga niya ang realization kong iyon. Eh ako nga, na-realize ko lang naman nang husto na mahal ko talaga siya nang mag-usap tayo pagkatapos kong matanggap 'yong invitation card para sa birthday ni Andz."
"It could be that... or he just couldn't wait anymore. Posibleng patunay iyon na ganoon ka-intense ang nararamdaman niya para sa 'yo."
Napatingin ako kay Mayu. If I were to base it on that intense kiss that Brent gave me after accepting his feelings...
My gosh! Ramdam ko na namang nag-iinit ang mukha ko dahil lang naalala ko ang paghalik na iyon sa akin ni Brent nang araw na iyon. Pakiramdam ko nga, naroon pa rin sa labi ko ang init ng mga labi ng lalaking iyon dahil sa naging paghalik n'on sa akin.
"O, bakit naman parang nagba-blush ka riyan? Siguro naalala mo na naman ang paghalik sa 'yo ni Brent, 'no?"
At ang sira-ulo kong pinsan, nakuha pang mang-asar. "Ikaw, tigilan mo muna ako sa pang-aasar, ha? Hindi pa nga ako nakaka-recover sa lahat ng mga nangyari sa akin kahapon, eh."
"'Sus! Pero masaya siya kahit ganoon, aminin mo. At mukhang masayang-masaya rin si Andz para sa inyong dalawa kahapon, ah. Kulang na lang, magtatatalon ang batang iyon nang sabihin ni Brent na kayo na nga —-- officially."
Warmth filled my heart when I recalled that moment. Daig pa ni Andz ang nanalo sa lotto nang sabihin ni Brent sa pamilya nito —-- at maging sa mga pinsan nito —-- na kami na nga. Na official girlfriend na ako ng isang Brent Allen Montreal. Naalala ko pa ang lakas ng naging hiyawan ng mga pinsan at iba pang kamag-anak nito nang i-announce na ni Brent sa mga ito ang tungkol sa aming dalawa. Kulang na lang talaga ay magtago na ako sa loob ng mansyon para lang maitago ko sa mga ito ang pamumula ng mukha ko. Mabuti na lang at naroon si Ate Julia na tinulungan akong i-navigate ang lahat ng mga nangyari at para hindi na rin ako ma-overwhelm sa dami ng mga tanong sa akin.
Iyon na nga siguro ang isa sa mga dapat kong ipagpasalamat sa lahat ng ito. Na tanggap ako ng pamilya at mga kamag-anak ni Brent bilang girlfriend nito.
At the moment, I could only hope that everything else after this would proceed well. Para na rin sa aming dalawa ni Brent na sa wakas ay nagawa nang tanggapin ang damdamin ng isa’t-isa.
No comments:
Post a Comment