[Relaina]
It was our first day as a couple, Brent and I. Pero... natural ba talaga na makaramdam ako ng 'di maipaliwanag na kaba dahil lang kami na? Ang weird ng pakiramdam ko ng mga sandaling iyon.
Wala naman akong dapat na ikabahala, 'di ba? Magkikita lang naman kami ni Brent.
I really had this strong urge na makita ito. At alam kong hindi lang iyon dahil magkasintahan na kami. There was more to that, I knew it.
Napatingin ako sa paligid kung saan ko sinabing magkikita kami. Well, doon lang naman sa malaking bato malapit sa paboritong treehouse nito. At least sa lugar na iyon, mahangin. Alam kong mas makakahinga ako nang maluwag.
Once again, I turned my attention to the sea right in front of me. Kalmado iyon ng mga sandaling iyon at talaga namang napakagandang tingnan. Kung sana ay ganoon din kakalmado ang puso ko at hindi ako pinahihirapan ng kabang nararamdaman ko.
"Laine!"
Agad akong napatingin sa direksyon kung saan nagmula ang pagtawag na iyon. Napangiti na lang ako nang sa wakas ay makita ko na ang mukha ng lalaking... sa mga sandaling iyon ay masasabi kong para sa akin na talaga. Totoo na ito. Wala nang halong biro o paglilihim ang lahat.
"Huwag mong sabihing nagpilit ka na namang bumaba riyan sa cove. Alam mo namang madulas doon."
Pero hindi ito sumagot at patuloy lang sa mabilis na paglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang agad nitong hilain ang kamay ko nang sa wakas ay makalapit na ito sa akin at agad na inilapat sa labi ko ang mainit nitong labi.
Damn it! His lips were hot... and needy, as well. Muntik na akong hindi makasabay. But I still kissed Brent back. Mabuti na lang at agad nitong ipinalibot sa beywang ko ang kamay nito habang patuloy akong hinahalikan. Pakiramdam ko ay bibigay ang mga paa ko sa intensidad ng paghalik nito sa akin ng mga sandaling iyon.
"Well, that was an intense greeting," I couldn't help commenting as he wiped my surely moist lips with his thumb.
Pero... parang may sumiklab na kung anong init sa katawan ko dahil sa ginawa nitong iyon. Oh, no... Wait... There had to be something that could be done here. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon.
"I felt the same way as you, Laine. Hindi mo kailangang manahimik diyan habang nakatingin sa akin ngayon," halos pabulong na tugon ni Brent at saka nito ipinatong ang noo sa noo ko.
Wait... what? He felt the same way as me? You mean... this heat that suddenly flared up because of his one little action?
"Then... stop doing things that will make me feel that heat in me..." pabulong ko na ring sabi rito at saka ko ito nginitian. Anymore of his intense gaze at me would surely melt me before I knew it.
Baka kung ano pa ang maisipan naming gawin gayong ito pa lang ang umpisa sa aming dalawa bilang... magkasintahan.
"Sorry... Masayang-masaya lang talaga ako na makita ka. Kahit na sa totoo lang, pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon dahil... hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa 'yo kapag nakita kita ulit at nahalikan ka nang paulit-ulit."
I looked at his hazel eyes once again as I placed my hand on his handsome face. The face that... only looked at me for a long time.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Brent na pumutol sa katahimikang nakapalibot sa amin ng mga sandaling iyon. "You know that you can tell me anything."
"Hindi lang ako makapaniwala. Alam kong matagal na tayong magkakilala at magkasama pero... hindi ko pa rin inakalang aabot tayo sa ganito. Kulang na lang, sakalin na kita noon sa sobrang pang-iinis mo sa akin, eh. So... us together like this... Hindi ko maitatangging nakakapanibago para sa akin."
Pareho kaming natawa ni Brent pagkatapos kong sabihin iyon. Hinawi naman nito ang ilang piraso ng buhok kong humarang na sa mata ko at inilagay sa likod ng tainga ko. Saka lang ako nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pero kahit ganoon, kahit hindi ko pa rin maialis ang takot sa puso ko, hind ko pa rin maide-deny na masaya ako na sa ganito tayo umabot. Na mas may lalalim pa sa samahang nabuo natin kahit na hindi naging maganda ang unang pagkikita natin."
He looked at me with such intensity, ang akala ko ay matutunaw ako sa tingin nitong iyon. Then again, that was just an exaggeration. Pero hindi ko maide-deny na parang hinihigop ako ng matamang pagtitig nitong iyon.
"Dahan-dahan ka naman ng tingin sa akin. Baka mamaya niyan, kakatingin mo nang ganyan, bigla na lang akong maglaho."
"Iyon nga ang dahilan kaya kita tinitingnan nang ganito, eh. Natatakot ako na baka mawala ka sa akin sa paraang hindi ko alam. Na baka may kumuha sa iyo sa akin. Kahit sabihin pang may karapatan naman ako sa 'yo kahit papaano, hindi ko pa rin maiwasan."
A kind of fear that was enough to drive people crazy... Mukhang... pareho nga talaga kami ng nararamdaman ni Brent ng mga sandaling iyon.
"Huwag kang mag-alala. Wala kang dapat ikatakot. Okay? Gaya ng ipinangako ko sa 'yo that day sa Promise Tree, hindi ako aalis sa tabi mo kung iyon lang ang paraan para hindi ka na bumalik sa kadiliman dating kinasadlakan ng puso mo. And now..."
Natigilan ako nang ma-realize ko ang dapat kong sabihin ng mga sandaling iyon. Ako naman ang tumingin nang mataman sa mga mata nito.
"Right here on my favorite place, I'm making that same promise to you. Only this time, ipinapangako ko sa 'yo na hindi ako aalis sa buhay mo hanggang hindi ikaw mismo ang nagpapaalis sa akin. As long as you stayed on this path or you don't forget me or replace me with someone else, I'll do just that. Okay ba iyon sa 'yo?"
Pero wala akong narinig na sagot mula kay Brent. Nakatingin lang ito sa akin at para bang nagulat pa kung ibabase ko sa paglaki ng mga mata nito nang ideklara ko iyon. It was just for a short while, though.
Next thing I knew, he was kissing me deep and passionate once again that surely took my breath away. I wasn't sure if I could keep up with him in this kind of kissing. Pero isa lang ang alam ko.
I don't hate him kissing me that way. He was just showing me where I belong. Who I belonged to. Possessive as it sounded, alam kong iyon ang gustong iparating nito sa akin sa pamamagitan ng malalim na paghalik nitong iyon.
Pinakawalan na rin ni Brent sa wakas ang mga labi ko nang maramdaman kong parang kakapusin na ako ng hininga. Pareho kaming humihingal na tumingin sa mga mata ng isa't-isa bago nito dinampian ng halik ang noo ko.
"Huwag na huwag mong iisiping papaalisin kita sa buhay ko, Laine. At hinding-hindi ko gugustuhing kalimutan ka. Mas lalo namang hindi ko maiisipang ipagpalit ka sa iba. Hindi pa ako nasisiraan ng bait na gawin iyon, lalo na't wala na akong ibang babaeng gustong makasama sa buhay ko kundi ikaw lang, Relaina Elysse Avellana. Iyan lang ang gusto kong tandaan mo. Okay ba?"
Did he just propose to me and declare that I would be the only woman in his life after this? Parang masyado naman yatang maaga para sa bagay na iyan. Pero idinaan ko na lang muna iyon sa tawa. Hindi pa dapat kami nag-iisip ng tapos na.
In the meantime, mukhang mas mabuti pang i-enjoy muna namin ang pagkakataong ito na magkasama kami nang ganito. I hugged him tight and relish his warmth as he returned the hugh in the same degree.
No comments:
Post a Comment