Wednesday, November 15, 2023

i'll hold on to you 119 - future he holds on to

[Relaina]

To be honest, the rest of the week went crazy for me. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Or... was I supposed to word it like that? Should I have stated it as... a whirlwind or something?

Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang buong linggo ko pagkatapos ng lahat ng mga kaganapan. Parang hindi pa rin magsi-sink in nang matino sa utak ko ang lahat. Pero isa lang ang alam ko.

Wala nang makakapigil pa kay Brent Allen Montreal na ipakita sa madla na... kami na.

Why did I say that?

Brent (almost) didn't leave my side the whole time. The rest of the week felt like a blur of just us being together kahit na magkaiba kami ng kurso at sa magkaibang building pa kami pumapasok. Talagang gagawa't gagawa ng paraan ang lalaking iyon para magkasama kami kahit na nasa university kami at sa magkaibang building pa pumapasok.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo. Okay ka lang?"

Ang mga salitang iyon ang nagpabalik ng isipan ko sa realidad, dahilan para mapatingin ako sa direksyon kung saan nagmula iyon. Agad na sumalubong sa akin ang nag-aalalang mga mata ni Brent na kasama ko pala ng mga sandaling iyon.

It was already the end of my class for the day and as usual, nakaabang na ito sa akin para sunduin ako. Dapat ay may klase rin ito ng mga oras na iyon pero wala raw ang professor nito sa subject na katapat ng klase niya. Meron mang activity na ibinigay ang professor na iyon para may gawin man lang ang mga estudyante nito, agad namang natapos iyon ni Brent.

Kaya heto na ito ng mga sandaling iyon.

"Okay lang ako. I was just... thinking about how everything felt chaotic after that."

"After what?"

Nakita ko ang pangungunot ng noo ni Brent at bumuntong-hininga na lang ako. Mukhang hindi lang yata ako ang lutang sa aming dalawa, ah.

"Mula nang maging tayo. Parang... ang dami-raming nangyayari pagkatapos n'on na hindi ko alam kung paano ko pa nagagawa nang maayos ang mga bagay na dapat kong gawin sa araw-araw," sagot ko at saka ako napatingin sa magkasalikop naming mga kamay.

His hand really felt so warm and it was enough to calm me at the moment kahit na talagang magulo ang takbo ng utak ko ng mga sandaling iyon. Pero sa gulat ko, lalong hinigpitan ni Brent and paghawak nito sa kamay ko. Para bang... may gusto itong iparating sa akin.

Pero posible ba iyon? Nararamdaman din ba nito ang nararamdaman kong kaguluhan sa sarili ko? Gosh! I really didn't want to bother him with all of this.

"'Yong tungkol ba sa pagkakaaresto sa sumagasa sa 'yo ang tinutukoy mo? Iyon ba ang nagpapagulo sa isipan mo ngayon?"

Tiningnan ko si Brent nang mapahinto ako sa paglalakad. His face was serious to the point that it would scare anyone who would look at it for the first time. Pero alam kong nag-aalala lang ito sa akin. Handa lang itong lumaban para sa akin.

Though the thought was surely enough to warm my heart, hindi ko rin mapigilang matakot para sa kung sino man ang magiging biktima ng galit ni Brent. Oo, alam kong galit ang nararamdaman nito para sa suspek ng mga sandaling iyon na sa awa ng Diyos ay nagawa na ring mahuli ng mga pulis.

Gustuhin ko mang magsaya, hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang makaramdam na may mali. Why did it feel as if... things went too easy somehow? Mali ba na maramdaman ko iyon?

"Hindi lang iyon. Marami pa. At sa totoo lang, baka abutin pa tayo hanggang kinabukasan bago ko maikuwento sa 'yo ang lahat ng iyon."

Sa pagtataka ko, napalitan ng ngiti ang seryosong ekspresyon sa guwaping mukha ni Brent. Kumunot ang noo ko sa nakita kong iyon. Why did I have the feeling that I knew what it meant? "Ano na naman ang pinaplano mong hindi maganda, ha?"

"Wala. Ito naman, grabe kang mambintang, ah. Hindi magandang pinaplano kaagad?"

Napailing ako sa klase ng pagsagot nitong iyon. "Mr. Montreal, masyado na kitang kilala para hindi ko malaman at maramdaman na may pinaplano ka kung ibabase ko sa facial expression mo ngayon."

"And I'm thankful na talagang nakikilala mo pa ako, future Mrs. Montreal."

Ano raw? "Ano'ng future Mrs. Montreal ang pinagsasasabi mo riyan? Ang tindi ring tumakbo ng utak mo, ah."

"O, ano'ng masama roon? Iyon din naman ang nakalagay na name register mo sa list of contacts ko sa cellphone ko, ah. Sinabi ko naman sa 'yo iyon, 'di ba? Gusto mo, ipakita ko pa sa 'yo. I placed your name there as 'My Future Wife'."

Oh, God... Ano'ng klaseng biro na naman ang naisipang ipakita sa akin ng langit ng mga sandaling iyon? Oo nga't minsan nang nabanggit ni Brent ang tungkol doon sa akin. Pero hindi ko naman akalaing talagang seryoso ito sa mga sinasabi nito sa akin noon.

Lalo kong napatunayan iyon nang makita ko ang sinasabi ko. On my phone number, the name placed there that was supposed to be Relaina was indeed changed to 'My Future Wife'.

Okay... This was way too much for me to actually know.

"Seryoso ka talaga sa ginagawa mong iyan, 'no? What made you think that in the future, I would end up to be your wife?" Alam kong tinatakot ko lang ito sa klase ng tanong kong iyon. Pero hindi ko talaga mapigilan.

How could this guy feel so... confident all this time na ako nga ang magiging asawa nito sa hinaharap?

"I just felt it," direstahang sagot ni Brent at saka nito ginawaran ng masuyong halik ang noo ko.

Hindi ko napigilang mapapikit nang gawin nito iyon.

He smiled as his hands were still on my cheeks and he caressed it, ever so gently that almost made me cry. "At isa pa, kung talagang nakilala mo na ako all this time, alam mo na wala na akong ibang nilapit-lapitan at sinuyo nang ganito mula nang magkakilala tayo kundi ikaw lang. Dahil alam ko sa puso ko... na wala na akong ibang mamahalin nang ganito sa buong buhay ko kundi ang nag-iisang Relaina Elysse Avellana na tanging pumukaw sa puso ko sa simula't sapul."

It was a lot for a love declaration coming from a college student like me. Pero tama si Brent. Hindi ko na nga ito nakitang lumapit sa ibang babae matapos ang chaotic first meeting namin. Kahit wala itong ibang ginawa noon kundi ang asarin ako at buwisitin ako araw-araw, sa akin lang nito ginawa iyon. Ever since that day I pulled him out of that darkness that his heart was plunged into, lalo pang lumala iyon to the point na hindi na ito lumayo pa talaga sa akin.

The future held more than what we knew. Alam ko iyon. Pero... hindi ko akalaing may isang partikular na future palang pinanghahawakan ang lalaking ito para sa aming dalawa kahit na nagsisimula pa lang ang relationship namin.

"I love you..." I whispered before kissing his lips for a short while. Wala na akong pakialam kahit na nasa sidewalk pa kami habang tinatahak ang ruta pauwi ng bahay namin.

Bagaman nakita kong bahagyang nagulat si Brent sa ginawa kong iyon, mukhang sandali lang iyon. Next thing I knew, he kissed me on the lips —-- also for a short while —-- and hugged me tight.

Hindi muna ako mag-iisip ng kung anu-ano sa mga sandaling iyon. The warm feeling of being in Brent's arms at the moment was more precious to me more than anything. It was enough to dissipate whatever worries I have. At that moment, I don't know why it felt that way, but it seemed like I found it.

It was like... I finally found the real home that my heart had been searching for all this time.

No comments:

Post a Comment