[Brent]
Hanggang tingin lang ang ginawa ko sa report na nasa kamay ko ng mga sandaling iyon habang nakaupo sa harap ng study table ko. Ilang araw na rin akong ganito pero hindi ko sinasabi iyon kay Relaina dahil ayokong mag-alala ito sa akin.
Gusto kong lagi ko lang itong makitang masaya habang magkasama kami. Ang hirap, sa totoo lang. Ang hirap na laging makaramdam ng takot at kaba para sa kaligtasan ng taong mahal ko.
Lalo na sa kaso ni Relaina na muntik nang mapatay ng kung sinong sira-ulong iyon noon.
Hindi ako nagbibiro sa babaeng mahal ko nang sabihin ko rito ang tungkol sa pagkakahuli sa taong gumawa n'on kay Relaina. Pinilit kong tingnan kung ano ang nararamdaman nito pagkatapos kong sabihin iyon.
But it seemed that she was just... nonchalant about it. Bakit ganoon ang nakita ko rito matapos kong sabihin iyon? What was she thinking after I said that news to her?
Ang dami kong mga tanong, sa totoo lang. Pero ayokong pilitin si Relaina na magsabi sa akin. Oo nga't magkasintahan na kami pero hindi naman nangangahulugan na magiging makulit ako sa pagtatanong ng ilang mga sensitibong bagay rito.
"Magpahinga ka kaya muna. 'Ayan na na naman sa pag-iisip mo, eh."
Hindi ko na ikinagulat ang pagkakarinig ko sa tinig na iyon. Hindi ko na rin nilingon kung sino ang nagsalitang iyon dahil alam ko na kung sino ang malakas ang loob na istorbohin ako ng mga sandaling iyon habang nag-iisip ako.
"Sorry, p're. Hindi ko lang talaga mapigilan." It was the truth at saka ako napabuntong-hininga bago ko hinarap si Neilson. Nakaupo na ito sa gilid ng kama at nakatingin lang sa akin.
I could see the worry in his eyes kahit sa kinauupuan ko. Damn it! Was I starting again?
"Nahuli na ang gumawa ng aksidenteng iyon kay Relaina pero ganyan pa rin ang mukha mo," puna ni Neilson na naging dahilan para mahilot ko ang sentido ko.
"Dahil alam kong hindi naman dito magtatapos iyon, eh. Hindi pa rin nahahanap kung sino ang mastermind sa nangyari kay Laine."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Ilang sandali akong hindi umimik habang nakatingin sa kakambal ko. Matapos niyon ay huminga ako nang malalim para na rin kalmahin ko ang sarili ko. "Hindi basta-basta magagawa ng lalaking iyon ang pagsagasa kay Laine nang ganoon lang kung walang nag-utos sa kanya. Pero ang sira-ulo, ayaw pang umamin tungkol sa taong nag-utos aa kanya na gawin iyon kay Laine."
It was indeed a frustrating feeling for me at the moment. Lalo na nang makita ko ang kopya ng report na ipinadala sa akin ni Oliver nito lang. Pareho kami ng resultang nakakalap nito.
Hindi pa rin makita si Rachel Sandoval kahit na alam naming dalawa ni Oliver na nasa Altiera lang ito. Mukhang talagang humahanap ito ng pagkakataong makagawa pa ng mas malaking krimen. At may palagay akong hindi lang nakasentro iyon kay Relaina sa susunod.
"Hahayaan mo na lang ba na nakasentro roon ang relasyon ninyo ni Relaina?"
Napatingin ako kay Neilson matapos nitong itanong iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot dito, sa totoo lang. Pero aaminin ko, may punto ang tanong na iyon.
"'Di ba dapat masaya kayo ngayon kasi nagkaaminan na rin kayo sa wakas at alam mo nang mahal na mahal ninyo ang isa't-isa? Nangyari na ang matagal mo nang pinapangarap, p're. Pero heto, mukhang mas nakakalamang ang takot na meron kayo para sa kaligtasan ng isa't-isa."
If that Rachel person didn't make an appearance in my life... In Relaina's life... Hindi kami makakaramdam ng ganitong klaseng takot para sa buhay at kaligtasan ng isa't-isa. But the past surely has a sneaky way of showing back itself to us involved in that murder.
At ngayon... mukhang may plano pa si Rachel na idamay si Relaina, kahit na sabihin pang ang talagang pakay nito ay ang makaganti sa half-brother ng babaeng mahalaga sa akin.
"Hindi ko maiwasan, p're. Biglaan ang naging pagpaparamdam sa amin ng sira-ulong iyon, eh." Para akong batang nakagalitan ng nakatatanda at nagsusumbong ng mga sandaling iyon sa taong alam kong makikinig sa akin.
"Kaya nga dapat talaga na mas mag-ingat pa kayo ni Relaina. Lalo na't hindi talaga natin alam kung ano ang susunod na plano ng baliw na babaeng iyon, kung siya nga talaga ang may pakana ng nangyaring aksidente kay Relaina. Pero Brent... Huwag mo naman sanang hayaang sirain ng babaeng iyon ang kasiyahang dapat ay ini-enjoy n'yong dalawa ng babaeng mahal mo. This was supposed to be one of the most amazing moments of your life. Sinasamantala mo dapat iyon."
Napatingin lang ako ulit kay Neilson. Sa totoo lang, kailan pa naging ganito ang kakambal ko kung magbigay ng advice sa akin? Pero sa kabila ng plano kong asarin ito dahil sa mga sinabi nitong iyon, hindi ko napigilang mapangiti.
My brother really knew me so well. And maybe he did see and observe a lot about me and what I've been going through ever since Relaina came into my life.
"Kailan ka pa naging love advisor, ha?"
Ang akala ko ay maiinis sa akin si Neilson nang itanong ko iyon para na rin maputol ang katahimikang nakapalibot sa amin. Pero ang sira-ulo, tumawa lang. Noon ko lang napansin ang mga mata nito. Nakatingin sa kung saan na para bang may ibang iniisip kahit na ako naman ang kinakausap nito.
At may palagay na ako kung ano iyon.
"Nagkataon lang na marami na akong naoobserbahan sa inyong dalawa ni Relaina, okay? Binibigyan mo na naman ng ibang ibig sabihin, eh."
Ako naman ang napangiti at napailing na rin. Mukhang wala pa itong planong magkuwento sa akin, ah. "Shouldn't you also be focusing on your own love life? Kahit sabihin pang hanggang ngayon ay wala ka pa ring ginagawa para sabihin kay Mayu ang nararamdaman mo."
"Naka-focus ako roon, huwag kang mag-alala. Nagkataon lang na mas napapansin ko ang pinproblema ng kapatid ko more than anything else. Kaya ikaw muna ang pagtutuunan ko ng pansin bago ang sarili kong problema."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi nitong iyon o hindi. But all in all, I was just glad that someone was ready to listen to me and help me through all of my concerns lately.
No comments:
Post a Comment