Wednesday, November 29, 2023

i'll hold on to you 121 - first date

[Relaina]

Ilang linggo pa ang lumipas pero kahit papaano ay nasa normal pa rin naman ang takbo ng mga buhay namin. Yes, there was still that lingering fear dahil hindi pa rin naman nahahanap ang mastermind sa nangyaring aksidente sa akin. Pero... ayokong tuluyang makaapekto iyon sa akin.

Sa amin ni Brent.

With that thought, napatingin na lang ako sa lalaking kasalukuyang nakaunan sa hita ko at nagpapahinga. Or at least, that was what he claimed. Pero alam ko namang naghahanap lang ito ng paraan para tsansingan ako, eh.

Okay, that was a joke. But it still made me smile somehow.

Sa ganitong paraan ko lang magagawang kalmahin ang sarili ko at mailayo ang utak ko sa maraming isipin. In a way, I'd definitely call that a little desperate on my part. Hindi ko itatanggi iyon.

Pero gaya nga ng minsan ko nang sinabi sa sarili ko, mas gugustuhin ko na ito kaysa naman lagi akong nag-aalala.

"I never thought I'd do this with you again after the last time," sabi ni Brent na pumutol sa katahimikan naming dalawa.

Naroon kami sa isang bahagi ng malawak na hacienda na pag-aari ng dalawang angkan sa Altiera. Ang mga Rialande at Delgado. Doon naisipan ni Brent na gawin ang maikokonsidera nitong first date namin bilang opisyal na magkasintahan.

Ang corny nito, 'di ba?

Pero wala namang kaso iyon kina Mama at Papa. Mabuti nga raw at ipinagpapaalam ako ni Brent sa mga ito tungkol sa mga nagiging lakad naming dalawa kahit noong mga panahong naglalagi ang mga magulang ko sa Aurora dahil sa trabaho. Alam naman daw ng mga ito na hindi ako pababayaan ni Brent.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kalaki ang tiwala nina Mama at Papa kay Brent kahit noong masasabi kong nanliligaw pa lang ito sa akin. But that was a good thing, right? Kahit noon pa, mukhang tanggap na ng mga magulang ko si Brent para sa akin kung sakali nga na tanggapin ko ito sa buhay ko hindi lang bilang isang kaibigan.

"O, hindi ka naman na nagsalita riyan. Okay ka lang?"

Ang tanong na iyon ni Brent ang muling nagpabalik ng isipan ko sa realidad. My gosh! Kung saan-saan na naman tumatakbo ang isipan ko. Ilang araw na akong ganito, sa totoo lang.

"Sorry," nasabi ko na lang at saka ko hinaplos ang buhok nito.

But instead of continuing to sleep, Brent fixed his position so that he could look up to me and face me. Natigilan ako sa ginawa nitong iyon.

"Is there something wrong?" hindi ko tuloy napigilang itanong.

Umiling ito at saka nito kinuha ang kamay kong humahaplos sa buhok nito. Sa gulat ko, hinalikan nito ang palad ko.

"Brent..."

"I know you're still worried. But I'm here, okay? Don't let it get to you."

Alam ko iyon. Hindi iyon nawawala sa isipan ko. At siguro kahit maisipan kong itago ng mga ngiti ko ang iniisip ko, malalaman at malalaman pa rin ni Brent ang mga iyon. Mag-aalala na naman ito para sa akin.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, yumuko ako at saka ko ginawaran ng halik ang noo ni Brent. I let it linger there for a few more moments than usual. Nginitian ko ito matapos kong gawin iyon.

"Alam ko iyon. And I'm glad you're here with me... For me..." Totoo iyon. 

Sa kabila ng lahat ng asaran namin noong unang beses kaming magkakilala, laking pasasalamat ko na si Brent ang nasa buhay ko ng mga panahong talagang kailangan ko ng suporta kasabay ng pagsuporta sa akin ni Mayu.

"At hindi mo na ako maiaalis sa buhay mo kahit na ano'ng mangyari. Iyan ang gusto kong tandaan mo, okay?"

Hindi na lang ako sumagot. Sa halip ay napangiti na lang ako at saka bumuntong-hininga. Pagkatapos n'on ay napatingin ako sa malawak na lupaing sakop ng Hacienda Castejón. Iyon ang pangalan ng haciendang iyon na pag-aari ng mga Rialande at mga Delgado.

"Mabuti naman at pinayagan ka nilang dito natin gawin ang first date natin. Kahit na sa totoo lang, mas gusto ko na lang tumambay sa bahay."

Natawa naman si Brent sa sinabi kong iyon at ilang sandali pa ay umalis na ito sa pagkakahiga sa hita ko. "Mas okay na raw na dito ko gawin ang first date natin kahit picnic-style lang. Mas mababantayan daw nila ako at nang hindi kita magawan ng kalokohan."

Ako naman ang napahalakhak sa sinabing iyon ni Brent. "Seryoso ka lang, ha? Ganoon talaga sila pagdating sa 'yo?"

"Unbelievable, right? Parang mga walang tiwala sa akin ang pamilya ko." At nakuha pa talaga nitong sumimangot. Grabe lang!

"Siguro, pagdating sa mga babae. Ikaw ba naman kasi ang mag-isip na gantihan sila pagkatapos ng mga nangyari sa 'yo noon."

"Pero nagbago naman na ako, ah. Nagbago na ako dahil sa 'yo, mula nang makilala kita. Hindi pa ba sapat iyon?"

Napatingin na lang ako kay Brent matapos nitong sabihin iyon. For someone who people would consider a playboy, he turned out to be quite different from a typical playboy. Maybe what had happened to him before had made him a little heartless.

But from what I gathered, wala itong inagrabyadong mga babae sa buong durasyon na gumaganti ito. Kahit noong mga panahong napapaaway ito dahil sa mga babaeng pinakakawalan na ni Brent matapos ang ilang araw na relasyon, hindi ito nang-agrabyado ng sinuman sa mga babaeng iyon.

"Mahal ka lang nila, Brent. And they care a lot about you. Kaya ka nga nila pinayagang dito natin gawin ang  first date natin, 'di ba? And from what I can tell, at kung ibabase ko na rin sa mga naikuwento nila sa akin noong huling beses akong nagpunta rito, mahalaga ang lugar na ito sa kanila. Your mom even said na maraming love stories sa dalawang angkan ang nabuo sa lugar na ito. They wouldn't let you use this special place for our first date kung hindi ka mahalaga sa kanila at kung hindi ka nila pinagkakatiwalaan."

Ilang sandali pa at napangiti na si Brent. "Alam ko naman iyon. And I'm just glad... that I got to share this special place of the clan with you. Na sa 'yo ko lang ibinahagi ang lugar na ito. At ito lang ang sasabihin ko. Wala nang ibang babae sa buhay ko ang makakaranas nito maliban sa 'yo."

This guy... Why was he talking as if his future was set to be with me? To be in my life?

Pero saka ko na siguro poproblemahin iyon. Napangiti na lang ako sa sinabi nitong iyon at ako na ang kusang humalik sa mga labi ni Brent. Ilang sandali lang ang lumipas bago nito tinugon nang mas malalim ang halik na pinagsasaluhan namin ng mga sandaling iyon.

At the moment, all I should do was to treasure every loving moment I would end up sharing with this man I surely love more than ever. Iyon lang ang dapat kong gawin sa mga sandaling iyon.

No comments:

Post a Comment