Yes! I'm filling this blog with more post again. Pero sa totoo lang, ang bagal ko nang gawin ang alinman sa pagbabasa o sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit. O siguro kasalanan ko rin.
Anyway, hindi tungkol diyan ang post na ito. So this is the second time I'll be writing my thoughts about a certain story posted in Wattpad. Though sa totoo lang, may tatlo pang Wattpad stories na nag-aabang ding sulatan ko ng comment na ganito kahaba. Darating din tayo riyan. Hinay-hinay lang, okay?
This is one of the stories under a romance collaboration ng mga PHR writers titled "Mga Bulaklak Ng Quiapo". Honestly, hindi ko matandaan ang rason kung bakit naisipan ko 'tong basahin. Pero dahil naroon na ako sa puntong nagkainteres akong basahin, wala nang atrasan. Hehe! Parang laban lang, eh.
At gaya ng promise ko sa writer ng kuwento ni Azalea, heto na ang masasabi ko sa kuwento niya. Sana lang, may sense ang mga pinagsusulat ko rito para hindi naman sayang ang effort ng mga magbabasa ng post na ito.
I like Azalea's optimism na kahit ganoon ang buhay niya, lagi pa rin siyang positive at on the go. Iyon nga lang, sa pagiging 'on the go' niya, muntik na siyang mapahamak. Well, she had Mhorric to save her that night. Dapat niyang ipagpasalamat iyon.
As for the story flow, okay naman siya para sa akin. May mga iba kasing stories na binabasa ko na inaabot ng isang linggo bago ko matapos. Pero ito, gaya nga ng sinabi ko, inisang tayuan ko lang ang pagbabasa nito. Alam n'yo naman na siguro ang ibig sabihin niyan. Hehe! Okay rin ang pacing para sa akin. I've seen some typos and words na medyo oldies sng dating pero hinayaan ko na lang. Alam ko naman na unedited version ito, eh. At saka medyo sanay na akong may nababasang words na hindi na masyadong nagagamit ngayon.
Siguro kapag na-approved ito under PHR, isa ako sa mga bibili ng kopya nito. Sa ngayon, okay na sa akin na nabasa ko na ito dito sa Wattpad. At kapag may published copy na ito, magbibigay din ako ng review/book comment about this.
No comments:
Post a Comment