Tuesday, October 25, 2016

I'll Hold On To You 41 - Beautiful As You

[Relaina]

SA TOTOO lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagpasok namin ni Mayu sa venue ng ball.

Kulang yata ang sabihing nasorpresa ako sa mga nakita ko, eh. Hindi ko rin puwedeng sabihin na nalula ako sa bonggang set-up ng event. Kahit na sa totoo lang, talagang nakakalula sa ganda. Halatang pinagkagastusan. Kahit ang mga foods na nakahain, hindi basta-basta.

“Are we really in the right place, Mayu?” hindi ko napigilang itanong habang inililibot pa rin ang paningin sa itsura ng set-up sa venue. “Hindi ba tayo naligaw sa Christmas Wonderland or anything?”

“Masanay ka nang makakita nang ganito sa university natin, Aina,” nakangiting tugon ni Mayu habang papasok kami sa hall. “Ginagastusan at pinaghahandaan talaga ng student council ang events na tulad nito. Siyempre, gaya nga ng motto nila: ‘Give your best in everything you do.’ This is one proof that they’re really doing their best. At saka special din ang gabing ito para sa karamihan sa atin.”

“Event for the couples ba naman.”

“Ano ka ba? Hindi uso ang bitter dito, ‘no? Kahit nga ang mga tinaguriang wallflowers ng school natin ay nagagawa pa talagang magsaya. That means hindi lang para sa couples ang gabing ito.”

Kumpleto talaga sa lahat – from sound system, decoration, foods, tables, and chairs. Grabe! Ang tindi naman ng preparation ng mga ito rito. Ilang buwan kaya itong pinagplanuhan?

Hinayaan ko na lang na si Mayu ang mag-lead the way para makahanap kami ng mauupuan. Pero habang sinusundan ko ang pinsan ko, I couldn’t help noticing something.

Bakit napapatingin yata ang halos lahat sa akin? Lahat na lang ng madadaanan naming magpinsan, laging napapatingin sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mailang. Ano’ng meron sa itsura ko para tingnan ako ng mga ito?

Did I look ugly? Did I put too much make-up on? Or maybe even my dress?

Hanggang sa mapakunot-noo ako.

Ano ba’ng pakialam ng mga ito kung ano ang itsura ko? At ano rin ang pakialam ko kung pagtinginan ako ng mga ito? Eh ang mga ito nga, hindi ko pinapakialaman, ‘no?

Okay… Maybe I did criticize some of the dresses and whatever outfits that the other students were wearing. Pero ginawa ko lang naman iyon sa isip ko. No one heard it but me and my mind.

That was it.

“Naku po! Kaya naman pala natahimik nang bigla ang madla, eh. Hindi lang pala basta mga magagandang binibini ang dumating, eh.”

Ang mga salitang iyon ang nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napansin ko rin na tumigil na pala kami ni Mayu sa paglalakad at sa mga sandaling iyon ay naroon na kaming magpinsan sa napili nitong table.

I could’ve rolled my eyes but chose not to. Figures! Ano pa nga ba ang aasahan ko? Of course, my dearest cousin would choose the table where her object of affection was.

“Kung anu-ano na naman ang lumalabas na description sa bibig mo, Neilson,” komento ko at saka ako naupo. “But if you’re saying that to please my cousin, kahit kayong dalawa na lang ang mag-usap.”

“Hay… 'Ayan ka na naman sa pag-etsapuwera mo sa sarili mo, eh. I was also referring to you, in case you didn’t know that.”

Napatingin ako kay Neilson. “What? What are you talking about? Bakit idinamay mo na naman ako?”

“Dahil kadamay-damay ka naman talaga,” singit ng isang pamilyar na tinig ng babae na, sa tingin ko, nagmula sa likuran ni Neilson.

I was surprised when I saw Vivian approaching us. She was smiling at me, wearing that same sweet smile on her face – her trademark.

“At paano naman ako naging kadamay-damay, aber?”

Kumunot ang noo ni Vivian pero hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa mga labi nito. “Have you really looked at yourself in front of the mirror? Can’t you see that even some of your classmates almost couldn’t recognize you dahil sa porma mo ngayon?”

Nang mapag-isipan ko ang mga sinabi ni Vivian, I recalled my form when I faced the mirror matapos akong ayusan ng pinsan ko.

I guessed may punto ito sa sinabi nito. The answer was there. I only ended up refusing to believe it.

“Mukhang masasapawan mo pa yata ang mga feeling beauty queen ngayong gabi, ah.”

To be honest, after I heard that, I couldn’t help but face Neilson incredulously. The way he was grinning like a hyena, mukhang pupuntiryahin na naman ako nito ng pang-aasar.

“Alam mo, Neilson, si Mayu na lang ang bolahin mo. Tutal, kayong dalawa yata ang magka-date ngayong gabi.” And then I faced Vivian. “And you, siguro naman may ka-date ka rin ngayon, ‘di ba? Imposibleng wala.”

But the smile that Vivian showed me was somewhat sad. Ipinagtaka ko iyon.

“I don’t know. He didn’t even answer me when I asked him to be my date tonight.”

Napailing na lang ako. “Seriously speaking, kailan pa nangyari na ang babae ang nagyayaya ng date sa isang lalaki? Wasn’t it supposed to be the other way around?”

“Magmula nang dumating na sa puntong nagkalat na yata sa dami ang mga ubod ng torpeng mga lalaki,” sabad ni Mayu.

Of course, that statement made us laugh. Oo nga naman. Nasa panahon na tayo na mas may guts pa yata ang mga babae na gawin sa lahat, even to take risks, compared to the guys.

“Well, you’ll never know. Maybe he’ll answer you tonight before the ball formally starts,” sabi ko na lang kahit na alam kong parang lumalabas na yatang pakonsuwelo iyon para lang mapagaan ang obviously ay namimigat na kalooban ni Vivian.

How come I wasn’t given the talent to lift someone’s hopes and spirit? Doon ko lang napatunayan na hindi talaga bagay sa akin ang maging guidance counselor o psychiatrist. Mas lalo naman ang maging psychologist.

But before anything else, it surely took me late to notice one thing.

Nasaan nga pala si Kamoteng Brent?

Pero dahil ayokong tanungin kahit sino kina Neilson at Mayu, at pati na rin si Vivian, I just decided to look around. Though I had to do it discreetly. Ayoko na namang mapuna ako sa ginagawa ko.

Kaya lang, sa laking-gulat ko, I saw the person I was looking for at the stage – in front of the grand piano situated at the center. What was even more surprising, he was looking intently… at me!

At heto ang ever nakakainis kong puso. Parang tambol lang naman sa lakas ng pagkabog, not to mention na napakabilis din. Ang tindi lang, ha?

Ewan ko kung namatanda yata ang lalaking ‘to o ano. Pero may feeling akong hindi yata magsasawa ang kamoteng ‘to sa pagtingin nang ganoon sa akin. At ako naman, heto… Hindi ko magawang baklasin ang tingin ko rito.

Titigan blues to the max… Mukhang ito pa yata ang magiging drama naming dalawa ng bugok na ito hanggang hindi pa pormal na nagsisimula ang Christmas Ball na ito.

“I never knew he could play the piano,” saad ni Mayu na sumira sa “magical” staring moment namin ni Brent.

Eeww, the term!

“Brent could play the piano, the guitar and the violin. Pero most of the time, piano ang pinagdidiskitahan niya,” imporma ni Neilson. “Kailangan lang daw niya ng mas maayos na diversion ng inis niya sa mundo. Mas okay na nga iyon, eh. At least, ang mga musical instruments ang masasabi kong bisyo niya at hindi alak o sigarilyo.”

Well, he had a point.

A few minutes later, pormal nang nagsimula ang ball. A few rituals here and there – not to mention, a well thought-up prayer for everyone, especially wishes for the coming Christmas and New Year. Introductions from the emcee and the fun had started.

But the one I was actually waiting for – although I still couldn’t believe I was really waiting for that – was a singing performance from the one person I was staring at a while back. And thankfully, pinakinggan ako ng langit.

Siguro naawa na sa kangangawa ng puso kong parang excited yatang makita ang Kamoteng Brent na iyon. I didn't even know why.

Geez!

“Gusto ko lang sanang sabihin na sana… maging maganda ang pagsalubong natin sa darating na Pasko at Bagong Taon. Sana matupad ang mga munting hiling natin para sa mga taong espesyal sa atin. But tonight, I’m singing a song not to make a wish for myself or for anyone else. Ang gusto ko lang mangyari, maintindihan ng taong patutungkulan ko ang mensahe ng kantang nais kong iparating sa kanya. You’ll know who you are… the moment you hear me sing this song for you.”

Vague ang mensahe nito. Pa-mysterious effect. But heck! Why was my heart like that now? Hindi naman ako ang pinapatungkulan nito, ah.

'Sus! Sigurado ka ba, ineng? Sa totoo lang, lagi ka na lang nasa state of denial. Masama iyan.'

Alam kong masama pero huwag na sanang ipamukha ng isipan ko. Magulo na nga sa utak, eh. Dadagdag ka pang buwisit na afterthought ka.

Hay…

Christmas Ball na Christmas Ball, masisira na naman ang takbo ng utak ko.

I inhaled… then exhaled. Seriously, I needed to calm myself. And to do that, I needed to focus. I had to listen to the song.

Maybe this way, I would know kung para kanino nga ba ang kantang iyon.

[Now playing “Beautiful As You” by Jim Brickman]


**From the moment I saw you

From the moment I looked into your eyes

There was something about you

I knew, I knew**

Pero habang pinapakinggan ko ang bawat lyrics ng kanta, hindi ko alam kung bakit nag-iba na naman ang rate ng heartbeat ko. Hanggang sa maalala ko ang naging una naming pagkikita.

The first time our paths crossed…

The first time our eyes met, our bodies touched, our breaths brushed each other’s skin, and of course… the first time he claimed the warmth of my lips – lalo na’t nangyari iyon by force.

**That you were once in a lifetime

A treasure near impossible to find

And I know how lucky I am

To have you**

I couldn’t help smiling as those memories flooded my mind. Kalampahang nauwi sa ganoon kagulong set-up.

Ngayon, hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang mangyayari sa aming dalawa. Our truce ended up but it looked like he wanted to prolong it. Pero para ano pa?

Para lang gumulo ang lahat?

'Matagal nang magulo. Ngayon ka pa nagreklamo.'

I snorted at that sarcastic thought. Thank you, ‘no? You’ve been a really big help.

'You’re welcome.'

Grr! Kung nasasapak lang talaga ang bahaging iyon ng isipan ko, baka noon ko pa ginawa iyon.

**'Coz I’ve seen rainbows

That could take your breath away

The beauty of the setting sun

That ends a perfect day

And when it comes to shooting star

I’ve seen a few

But I’ve never seen anything

As beautiful as you…**

I didn’t really know what to feel.

At sa totoo lang, mukhang alam ko na kung kanino nito gustong iparating ang kantang iyon. I was taken aback when I saw Brent intently staring at me – again – as he was singing the song.

Hindi pa ba sapat iyon para malaman ang gusto nitong iparating sa akin?

And because of that, my heart was now beating so fast. I could’ve avoided his stares but I couldn’t.

Brent sang the song with all his heart. At least, nagawa kong patunayan ang bagay na iyon habang pinapanood ko itong patuloy na kumakanta.

But listening to him singing that song as he continued staring at me, parang hindi ko na yata matatagalan pa ito.

I needed to breathe some fresh air.

“I have to go out for a while.” Iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko na hinintay matapos ang kanta o magsalita ang kahit na sino kina Neilson, Mayu, at Vivian.

Ang kailangan ko lang ay makaalis muna sa lugar na iyon.

No comments:

Post a Comment